CHAPTER 3

297 10 1
                                    

"Here you go." Sabay lapag ni Chloe ng isang ice coffee na kakabili niya lang sa harapan ko. Lunch break na at nandito kami ngayon sa cafeteria para kumain. Actually, sila lang yung kumakain at hindi ako kasama doon. Nagsusulat pa kasi ako ng notes na hindi ko nakopya kahapon. Mas madami pala akong kailangan sulatin kesa sa inaakala ko.

"Thanks." Sabi ko. Ngumiti siya at umupo sa tabi ko. Humigop ako ng konti doon sa kape ko habang hindi pa din nawawala ang tingin ko sa notes ko.

Napatingin ako sa harapan nang biglang may naglapag ng tray doon. Si Chad lang pala at ang ibang kasama namin sa student council. And yes, sama-sama kaming nagla-lunch sa isang lamesa. Malaki naman itong lamesa namin dito kaya kasya talaga kami.

"Hindi ka pa kakain?" Tanong sa'kin ni Chad. Umiling ako.

"Mamaya mo na tapusin yan sa apartment mo. Kumain ka muna. Kaya 'di ka tumataba e." Napansin niya yata na hindi ako nakikinig sa mga sinabi niya kaya walang pasabi niyang kinuha yung notes ko tapos sinara iyon. Syempre, para 'di ko makukuha sa kanya iyon dahil tinago niya iyon sa tabi niya.

"Kaya nga, Pres. kumain ka muna. Masyado mong sinusunog yang kilay mo sa pagaaral. Mag-relax ka din minsan. Andito naman kami para tulungan ka e." Singit ni Auditor na si Trixie.

"Thank you, guys, ah. Maaasahan ko talaga kayo."

Inabot sa'kin ni Chad yung extrang pagkain na binili niya daw para sa'kin. Isang egg sandwich at meron ding drinks na mango shake. Sabi ko sa kanya babayaran ko siya para dito kaso ayaw talaga tanggapin e.

"Nako, ano ka ba, Pres. Mas madami kang nagawa para sa amin na kabutihan. Sinusuklian lang namin yun sa pamamagitan nito."

Napangiti na lamang ako. Ang sarap sa pakiramdam na may mga kaibigan ka na kagaya nila. 'Di ko ba alam, lagi naman akong tahimik kasama sila. Tapos minsan 'di pa ako nakakasama sa kanila kapag gagala sila after classes dahil puro pagaaral ang inaatupag ko.

Maya-maya habang kumakain kami at nagki-kwentuhan ay may isang babae ang lumapit sa amin. Nakasalamin siya at halatang nahihiya pa siya sa amin.

"P-President.." Tawag niya sa'kin kaya humarap ako sa kanya ng konti.

"Oh bakit? May kailangan ka ba?" Tanong ko.

Medyo nakayuko siya akin tapos napansin ko din yung patuloy na paglalaro niya sa mga daliri niya.

"P-Pinapatawag po kayong dalawa ni Vice President sa Director's Office."

Tumigil din sa pakikipagkwentuhan si Chad sa sinabi ng babae. Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. Bakit kaya? Mukhang importante yung sasabihin ni Director, ah. Never niya pa kasi kami tinawag sa oras ng lunch time. Usually, kasi pinapatawag niya kami after classes.

"Ah ganon ba? Sige, Salamat." Tumango lang siya ng konti tsaka na kami tinalikuran.

"Tara, Chad. Pinapatawag daw tayo." Sabi ko. Eh mukhang wala kasi siyang balak na tumayo dahil panay lang yung pagkain niya.

"Hindi ba pwedeng mamaya nalang? Kumakain pa ko eh. Pwede naman mauna ka na doon tapos susunod nalang ako." Kontra niya.

Nanliit ang mata ko sa sinabi niya kaya naman ay napilitan siyang tumayo kahit 'di pa siya tapos kumain. Bakit? Pati din naman ako ay 'di pa tapos kumain tapos magrereklmo siya.

The Casanova DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon