Chapter 16

50 3 0
                                    

Nasaan ako? Bakit ang dilim ng paligid? I tried to walk and see a way out of this darkness. Wala talaga akong makita sa dilim nito. Ilang saglit lang ay may nakita akong puting pintuan sa may bandang kanan ko. May ilaw ako nakikita mula sa ibaba noon.

Pagkapihit ko ng handle, dahan dahan kong binuksan iyon at nakita ko ang isang familiar na kwarto na mukhang nursery room. Puro pambata kasi ang decorations ng kwarto. Napalingon ako sa aking gilid nang marinig ko ang familiar na boses ng isang lalaki. Iyon yung boses na naririnig kong boses sa utak ko.

Hindi ako pwede magkamali. Iisa lang talaga sila. Binuhat niya ang isang sanggol sa mga bisig niya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Pero yung batang sanggol na buhat-buhat niya ay nakikita ko.

May hinugot siya mula sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na kwintas iyon na kagaya ng suot ko ngayon.

"You have to keep this safe." Aniya at isinuot sa bata ang kwintas.

Dahan dahan akong humakbang palapit sa kanila para mas lalo kong makita ang itsura ng bata at ang lalaki. Nakita ko ang pagtingin sa akin ng bata habang sinusubo nito ang kanyang daliri. Para akong natigilan sa kinatatayuan ko dahil may kahawig siya. Akmang lilingon na sana sa akin ang lalaki ngunit bigla akong hinatak ng palayo at palabas ng pinto.

"Samantha! Hey! Wake up!" Napamulat ako at hinihingal nang bumungad sa'kin si Lucas. Wala pa ding siyang pang itaas na suot. Nakahawak ang isang kamay niya sa balikat ko at ang isa naman sa aking mukha. Pinagpapawisan ako.

"Wait here. Kukuha lang ako ng tubig sa baba." Hindi pa ko nakakapikit ay mabilis na siyang nawala. Wala pang sampung segundo ay nakabalik na siya habang may hawak na isang bote ng mineral water.

Binuksan niya muna iyon bago inabot sa'kin. "Are you okay? Binabangungot ka."

Tumango ako sa kanya at inayos niya ang buhok ko. Hinihingal pa din talaga ako. Binabangungot ako? Huh? Hindi ko naman matandaan kung ano yung napaginipan ko. Kinuha niya na yung bote sa kamay ko at sinara muna yun bago pinatong sa side table. Maga-alas tres palang pala ng madaling araw. Apat na oras nalang itutulog ko kung sakali.

"Get back to sleep. May klase pa tayo mamaya."

Napatingin ako sa sofa kung saan siya natutulog. May unan siya nakalagay doon kaso 'di ko talaga maisip kung komportable ba talaga ang tulog niya dahil napakatangkad niya. Pagkakumot niya sa'kin, bago pa siya tumalikod ay hinawakan ko ang kamay niya.

"What is it?"

Napalunok pa ko. Nahihiya ako pero kailangan e. "Tabihan mo na ko dito. Please."

He seems shocked when I said that. Pero syempre dahil si Lucas Ross yan, agad din siya ngumisi. "Are you sure?" Sabi sa inyo e. Tono palang ng boses niya talagang natutuwa siya kapag alam niyang nahihiya ako.

I'm sure of it, alam niyang malaki ang epekto niya palagi sa akin kaya nage-enjoy siya sa bawat reaksyon na ginagawa ko.

Humarap nalang ako sa kabilang side ng kama. Ito na naman ako, para na naman akong aatakihin sa puso. Ito ang unang pagkakataon na matutulog ako na may katabing lalaki sa sarili kong kama. Normal ba kabahan kapag ganito? Or ako lang 'tong nagooverthink?

Oo, nagka-boyfriend na ko noon. Pero hindi ko naranasan na matulog kami sa iisang kama or to spend the overnight together. Medyo conservative kasi ako noon sa sarili ko. Thinking about that now, isa din siguro iyon sa mga rason kaya ako nagawang lokohin. Dahil hindi ako easy going or kagaya ng ibang mga babae na liberated. 16 lang din kasi ako nun kaya hindi ko talaga maisip na magawa agad yung mga bagay na alam kong hindi pa ko handa.

The Casanova DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon