CHAPTER 6: Reversed

268 19 95
                                    

Chapter 6: Reversed

Dire-diretso akong naglakad papunta sa front desk para magtanong. Mas malakas na ang kabog ng dibdib ko ngayon dahil sa kaba. Kinakabahan ako dahil nag aalala ako para kay Thea.

"G-Good morning, nurse. May I ask where is Maria Anthea's room?" I immediately asked.

"Apelyido po ng pasyente, sir?" tanong niya.

Doon na ako natauhan. Hindi ko alam ang apelyido niya. "Uhm, I don't actually k-know her s-surname."

"Kaano ano niyo po, sir?"

"Kaibigan niya ako."

"Wait lang po sir ah. Check ko lang po kung may Maria Anthea dito."

I waited impatiently. Alam ko na ilang segundo o minuto lang naman 'yon but it felt hours for me.

"Maria Anthea Bernabe po sir, siya lang po yung pasyente na may pangalang Maria Anthea." anang nurse.

Tumango ako. "Her room number, p-please?"

"Second floor po, room 96."

I nodded. "Thank you."

Mabilis akong tumakbo para maghanap ng elevator. The good thing is it's not far away from me. The bad thing is it's crowded. So I took the stairs instead. Mukang mas mabilis pa nga akong tumakbo kaysa sa elevator.

Mabilis akong naglakad nang makarating na ako sa second floor. That room is probably on the inner side of the hallway. I didn't even cared if I sweat bullets.

Nang makarating na ako sa harap ng room 96 ay kumatok agad ako tsaka ko lang hinabol ang hininga ko. Seconds later, a woman in her 40s welcomed me.

"Sino ho sila?" magalang na tanong nito.

Umayos ako ng tauo at inayos ko rin ang itsura ko.

"M-Magandang araw po. Ako po s-si Adam, k-kaibigan po ako ni Thea." pagpapakilala ko. Lumunok pa ako bago ulit ako nagsalita. "N-Nandito po ba siya?" tanong ko.

"Teka, Adam ba kamo?" tanong niya.

Tumango agad ako. "Opo."

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Ay nako, halika, pasok ka."

Nilawakan agad niya ang bukas ng pinto at hinawakan pa niya ang likod ko para papasukin. Maingat niyang isinara ang pinto at nang makapasok na ako ay nadatnan ko si Thea na nakahiga sa single hospital bed.

There's an IV connected to her vein, an ECG monitor to monitor her heartbeat and she also wears an oxygen mask.

It felt like I was struck by a lightning. Ang bigat sa pakiramdam na makita siya sa ganitong kalagayan. I can't even stare at her for a long time. Masakit sa dibdib...

"Pasensya ka na, ha? Nagpapahinga kasi si Thea. Mabuti nalang at dumating ka, bibili na kasi ako ng pagkain niya at magtatanghalian na, kailangan pa niyang uminom ng gamot." wika ng Nanay niya.

I looked back at her Mom who's now looking worried at Thea. She seems like a good and caring Mom to her. Alam ko naman na adopted lang siya kagaya ko at masaya ako para sa kaniya dahil may mabuting puso ang nag alaga at tumanggap sa kaniya.

"K-Kilala niyo po ba ako?" I unconsciously asked.

Binigyan niya ako ng ngiti tsaka siya tumango. "Oo naman. Ikaw si Adam, kaibigan ka ng anak ko. Kilala kita."

I don't know if she meant that she really knows me since then or she just know me because that's what I told her earlier.

"Ah siya nga pala, bibili na muna ako ng pagkain ni Thea, ha? Ikaw na muna ang magbantay sa kaniya, ayos lang ba? Wala ka bang ibang ginagawa?"

Wings Against WindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon