CHAPTER 9: Crossed

284 17 185
                                    

Chapter 9: Crossed

Inaayos ko ang sarili ko dahil pupunta ako ngayon sa ospital para mag pa-check up. Susunduin ako ni Adam kaya medyo bongga yung ayos ko kahit papaano.

Isang buwan na akong nagpapagaling dito sa bahay at sa loob ng isang buwan na 'yon, araw-araw akong pinupuntahan dito ni Adam para kamustahin at alagaan. Tuwang tuwa naman sa kaniya ang mga magulang ko at botong boto talaga.

He also said that Tita Seanne just gave birth to a healthy little girl earlier kaya medyo tinanghali na kami dahil inasikaso pa ni Adam sina Tita. Napaka responsable talaga.

Bibisitahin ko na rin si Tita at ang baby girl niya kapag nasa private room na sila. Siguradong cute nanaman ang batang 'yon gaya ni Zyfer!

May narinig na akong kotse sa labas kaya nagmadali na ako sa pag aayos. Siguro naman pinagbuksan na siya ni Nanay at pinatuloy muna saglit.

Inilugay ko lang ang buhok ko na hanggang balikat lang ang haba. Simpleng puting shirt lang ang suot ko, pants at rubber shoes. Tapos dala ko rin yung paborito kong maliit na backpack.

Nang matapos na ako sa pag aayos ay lumabas na agad ako sa kwarto. Nagmamadali akong naglakad papunta sa sala kung nasaan ang pinto pero natigil ako nang marinig ko ang boses ni Riva na may kinakausap. Nagtago muna ako sa likod ng pader tsaka ako tahimik na nakinig.

"Alam mo Kuya, maraming nagsasabi sa'kin na hindi raw maganda yung ugali ni Ate sa school kaya maraming may galit sa kaniya eh. Hindi ko nga alam kung bakit nililigawan mo siya, nakakagulat lang na isang kagaya mo pa ang manliligaw sa kaniya. Muka ka pa namang mayaman. Tsk. Sayang." rinig kong sabi ni Riva.

Ano nanaman ba ang sinasabi niya? Kumunot nalang ang noo ko. Hindi naman totoo 'yon. Oo, may mga estudyanteng galit sa akin noon pero dahil iyon sa pagiging mabait ko. Ang sabi kasi nila, sipsip ako. Not knowing na gusto ko lang talagang tumulong sa iba.

"Meron talagang mga taong ganon, naninira ng iba kahit na hindi naman totoo yung sinasabi nila." rinig ko namang sbai ni Adam. "It just depends on you if you'll choose to believe it or not. But you should atleast research about their accusations before siding someone. Matagal na nung nakilala ko si Thea, kaya hindi kapani-paniwala yung sinasabi mong 'yan. Tsaka ano namang sayang do'n? Walang sayang sa kaniya. Everything's worth it when it comes to her." kalmadong sabi ni Adam.

Medyo nagulat ako dahil sa sinabi niya. Napangiti nalang din ako dahil nagawa niyang ipaliwanag iyon sa maayos at kalmadong paraan. Sa tono na hindi maooffend si Riva.

Isa pa, nakakakilig din ang mga sinabi niya. Si Adam talaga, naku!

"Tss. Mga matatalino nga naman, nagiging tanga sa love life." bulong pa ni Riva.

"You'll experience it once you've tried to fall for someone. You'll definitely do anything and everything, kahit na magmuka ka nang tanga gaya ng sinasbai mo." sabi pa ulit ni Adam. "Bakit nga ba pinaniniwalaan mo yung mga accusations sa Ate mo? 'Di ba dapat hindi ka naniniwala do'n at ipinagtatanggol mo siya dahil magkapatid kayo?"

"Hindi ko naman siya totoong kapatid."

Those words hurt me a little.

"Porke ba hindi mo siya totoong kapatid, hindi na kayo pwedeng magkasundo?" Adam asked nicely. "Wala naman sa dugo 'yan. Nasa sa'yo 'yan kung paano mo siya ituturing. Kasi alam mo, hindi natin alam kung hanggang kailan natin makakasama yung mga taong nasa paligid natin."

I can imagine him smiling while talking calmly to Riva.

"So you should atleast treat them good. Wala namang mawawala 'di ba? Isa pa, hindi rin masyadong maganda yung parati kang galit, nakaka stress 'yan. Dapat palagi kang nakangiti at masaya para mag glow ka." dagdag pa ni Adam.

Wings Against WindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon