CHAPTER 19: His Side

493 17 112
                                    

⚠️: last na 'to, pagbigyan na. 🤣

Chapter 19: His Side

"So, since this is a seminar for pregnancy, I assume that everyone here inside is either pregnant, or planning to have a baby or even a husband, boyfriend or a partner. First of all, I wanted to ask something. If you wanted to answer, just raise your hand. Wag po tayong mahiya."

Umayos ng upo si Adam kaya napalingon ako sa kaniya. Mukang seryosong seryoso siya sa seminar na 'to. Siya pa nga ang nag aya sa akin na pumunta dito eh. Akala mo namang hindi niya alam yung mga dapat gawin, eh mas may alam pa nga siya sa akin minsan.

"First question for today is, what do we have to expect for the pregnant woman? What do we expect them to be, or to act like?" the host asked.

No one dared to raise their hands, ang iba ay bumubulong pero mukang nahihiyang sumagot.

"Anyone? Anytwo?" the host asked playfully.

Wala paring nagtaas ng kamay, hanggang sa marinig kong bumuga ng hangin si Adam tsaka siya nagtaas ng kamay.

"Yes, mister." the host politely pointed Adam with her hand.

Tumayo si Adam tsaka sumagot. "The first thing to expect is the morning sickness. Nausea and vomiting during pregnancy might be the effect of a hormone produced by the placenta called human chorionic gonadotropin. Being emotional is also often during the first trimester. Higher levels of both estrogen and progesterone during the first trimester seem to be responsible for some mood swings, like irritability and sadness." he proudly answered.

Kumurap kurap naman ang host habang nakatitig kay Adam, hindi ata inaasahan na ganon ang magiging sagot niya. Bigla nalang naging recitation. Pati nga ang ibang nakikinig ay napatitig nalang sa kaniya. The silence is very loud.

Bigla nalang kasi naging doctor mode ulit si Adam. Grabe talaga itong asawa ko, nakaka proud.

"O-Okay, thank you for that wonderful answer, sir. Akala ko nasa seminar lang tayo, bakit parang naging Miss Universe na ata 'to." pagpapatawa pa ng host na gumana naman sa ibang audience, kabilang na ako doon.

Ipinatong ko ang kamay ko sa binti niya at nilingon niya ako dahil doon.

"Yes, love? May kailangan ka ba?" malambing niyang tanong.

Umiling ako. "Wala, ang cute mo lang."

He smiled. "You're cute too."

He caged my hand inside his two big hands. Sobrang laki ng sukat ng kamay niya kumpara sa kamay ko. Pag ata nanapak si Adam, tanggal pati bungo.

"So, tama nga ang sinabi ni sir kanina na madalas magsuka at maging emosyonal ang mga buntis. Ang pinaka magandang gawin nating mga mister, o boyfriend, o partner ay maging maintindihin. We need to be more patient when it comes to our woman. Remember that they're carrying a person inside their body and their body is changing. At isa pa, kayo rin naman ang isang factor kung bakit sila nabuntis kaya dapat lang talaga na panindigan niyo 'yan, 'di ba? Hindi lang puro sarap, dapat rin tayong dumanas ng hirap."

Ang sarap makinig kay Ate dahil ang kwela niya magsalita. Hindi nakakatamad o nakaka bored ang ganitong seminar. Minsan kasi naiinis lang ako kapag may ganito sa school at required pa, eh nakaka antok lang naman yung topic.

"Punta naman tayo sa cravings. Hindi mawawala ang cravings sa buntis, though minsan, may mga buntis na hindi masyadong malala mag crave. Pero madalas talaga siyang nangyayari. I have a question again sa ating mga kalalakihan. What do we have to do when our partner started to crave for something? Like, something hard to find, or seemed like disgusting to eat. What do we have to do?"

Wings Against WindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon