CHAPTER 18: Lucky

348 18 151
                                    

Chapter 18: Lucky

"Masyado lang siyang pagod at stressed kaya siya nawalan ng malay. She needs to bedrest for 1 week. And please, please no stress for her. Bukod sa buntis siya, alam naman natin na may kondisyon siya sa puso kaya kailangan niya ng tamang pahinga at alaga."

Pagkagising ng diwa ko ay iyon agad ang narinig ko. Hindi agad ako gumalaw at nagmulat dahil nag aadjust pa ang katawan ko sa nangyari.

"How about the baby, doc?" I heard Adam asked.

"The baby is fine, fortunately nothing bad happened. But please, take care of her. No stress. Kapag may nangyaring masama sa kaniya, madadamay pati ang baby kaya alagaan mo siyang mabuti."

"Yes dok, thank you."

"No worries, Doc. Adam."

Pagkatapos no'n ay dumilat na ako. Naabutan kong palabas na si dok at si Adam naman ay nakatingin doon para hintayin siyang tuluyang lumabas. Inangat ko ang kamay ko para hawakan ang kamay ni Adam. Agad naman siyang lumingon sa akin.

"Love, are you okay? May masakit ba sa'yo? Do you need anything?" sunod-sunod at aligaga niyang tanong.

Umiling ako. "I'm fine, Adam. Narinig ko naman na yung sinabi ng doktor. Kalmado na ako." wika ko tsaka ako ngumiti.

"Sigurado ka?" alala parin niyang tanong.

Tumango ako. "Siguradong sigurado."

Bumuga siya ng hangin tsaka siya naupo aa gilid ng kama ko. Dahan-dahan naman akong bumangon at tinulungan pa niya ako.

"I'm so worried about you and our baby earlier. Hindi ako mapakali." aniya habang hinahaplos ang kamay ko.

Halata parin naman sa itsura at tono ng boses niya na nag aalala at kinakabahan parin siya hanggang ngayon.

Inangat ko ang kamay niya tsaka ko hinalikan ang likod ng kamay niya.

"Okay na kami." paninigurado ko.

Ngumiti naman na siya dahil doon. Mas lumapit pa siya sa akin tsaka niya hinawakan ang ulo ko at inilapit ako sa dibdib niya para yakapin ako. Yumakap naman ako sa bewang niya habang siya naman ay bahagyang tinatapik ang ulo ko.

He's so worried and caring about us. He makes sure that I'm fine. Nakaka in love naman ang asawa ko. Araw araw, paulit-ulit akong na i-in love sa kaniya.

Nang bumitiw kami sa yakap ay itinapat ko ang kanan kong kamay sa kaliwa kong dibdib. Kumurap ako ng ilang beses at nawala din ang ngiti ko.

"Thea?" alala niyang tawag sa pangalan ko.

I slowly catched my breath. "A-Adam." I struggled to call his name.

Nanlaki ang mga mata niya at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"Thea, wait, no, what am I going to–"

"Y-Yung puso ko..." bulong ko. Humawak ako sa coat niya tsaka ko siya hinatak palapit sa akin. "Tumitibok para sa'yo." sambit ko habang nakangiti tsaka ako humagikgik.

Pumikit siya tsaka umiling, kasunod no'n ay ang pagbuga niya ng hangin.

"Thea, you don't have to do that." aniya habang minamasahe ang sentido niya. Nilingon niya ako at seryosong tinugnan. "Sobra akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wag mo nang uulitin 'yon." aniya sa seryosong boses.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko at bumagsak rin ang balikat ko. Bahagya akong yumuko tsaka ako ngumuso.

"Sorry..." bulong ko.

Wings Against WindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon