CHAPTER 7: Stealers

343 20 269
                                    

Chapter 7: Stealers

"Yes, Doc. Sanchez. Urgent." may diin kong sabi sa huling salita.

[Okay then. I'll be waiting here. Just message me if the patient is ready.]

"Thank you, doc."

Ibinaba ko na ang telepono nang matapos na ang tawag. Pumasok ulit ako sa kwarto ni Thea at naabutan ko siyang humihinga ng malalim habang mariing nakapikit.

"Nakausap ko na si Doctor Sanchez. He's the best cardiothoracic surgeon that I know. Marami siyang patients na na-handle na successful ang operation." sambit ko.

"Adam naman eh, b-bakit mo ba 'to g-ginagawa?" tanong ni Thea.

"Because you're my friend." iyon nalang ang sinabi ko.

My mind kept pushing me to do this, to help her. I don't know why but it just felt right. Pakiramdam ko ay tama ang ginagawa ko. I don't care if I would use millions for her surgery just to save her. It's just money, I can earn that.

Napalingon ako sa monitor nang magbago ang tunog no'n. Her heart rete is starting to weaken. She's also having a hard time breathing.

I did everything I can to help her feel better even just for a short period of time. Nang medyo kumalma na ang puso niya ay nagpaalam muna ako sa manila para kausapin ang doktor ni Thea.

I told him that we will be transferring Thea to Sanchez Hospital to have her surgery later or tomorrow. Hindi ko na patatagalin pa ang paghihirap ni Thea at ng Nanay niya. Isa pa, hindi ko na rin kinakaua na makita siyang nahihirapan. Nasasaktan din ako.

Binayaran ko na rin ang bills niya para wala na silang poproblemahin pa. Alam kong magagalit nanaman sa akin nito si Thea pero mas mahalaga ang kalusugan niya ngayon.

Nang makabalik na ako sa kwarto niya ay inaayos na ng mga nurse ang mga apparatus niya. Lumapit ako sa kaniya para suriin din siya.

"Adam, hindi b-biro yung m-milyon na magagastos m-mo."

Ayan nanaman siya.

"If you're worried about my money, forget it. Doktor ako, Thea. I earn thousands of money. Isa pa, may nakukuha rin akong pera galing sa kompanya ni Mommy at Daddy dahil may trabaho rin ako doon kahit papaano." sambit ko.

She just looked at me and sighed in defeat. Hindi talaga ako magpapatalo dahil sigurado na ako sa desisyon ko. Desidido na ako na ipaopera siya.

Hindi na siya umangal nang isakay na siya sa ambulansya. Kasama ko naman ang Nanay niya na ngayon ay tila ba hindi parin makapaniwala sa mga pangyayari. Nakasakay kami ngayon sa ambulansya at magkatabi kami ng Nanay ni Thea.

"Ayos lang po ba k-kayo?" tanong ko sa Nanay niya.

Tumango siya. "Nag aalala lang ako kay Thea." then she looked at me. "Tsaka hindi lang ako makapaniwala sa mga pangyayari. Hulog ka ng langit sa amin lalo na kay Thea, maraming salamat. Nakakahiya na umaasa kami sa'yo pero maraming salamat. Malaki ang utang na loob ko sa'yo. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang kabutihan mo hijo." parang maiiyak pa siya habang nagsasalita.

Nginitian ko siya tsaka ko hinaplos ang likod niya.

"Ayos lang po 'yon. Wala po kayong utang na loob sa'kin at wala rin po kayong dapat ibayad sa akin na kung ano. Basta po aalagaan niyo ng mabuti si Thea, ayos na po sa akin 'yon." sagot ko naman.

Ngumiti rin siya sa akin tsaka siya tumango. "Oo naman, hindi ko sasayangin yung oportunidad na ibinigay mo sa anak ko." bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit na ikinagulat ko. "Salamat, anak. Salamat ng marami." buong puso niyang sabi habang tinatapik pa ang likod ko. Yumakap nalang ako pabalik at napangiti na rin.

Wings Against WindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon