CHAPTER 16: Truehearted

378 18 152
                                    

Chapter 16: Truehearted

Pagkatapos ng ilang minutong pag iyak ay pinunasan ko ang mga luha ko tsaka ako huminga ng malalim.

"Uy, saan ka pupunta?" tanong ni Jenny.

"Uuwi na 'ko." walang gana kong sabi.

"Teka lang, hindi mo man lang ba sila kakausapin?" pigil niya sa'kin.

"Jenny, please. Gusto kong mapag isa." may halong iritasyon kong sabi.

Tuluyan na niyang binitiwan ang braso ko pagkatapos no'n. Naluluha parin akong lumabas doon sa kwarto na tinaguan namin ni Jenny.

Hindi ko lang talaga maintindihan ang nararamdaman ko dahil habang pilit akong naniniwala at nagtitiwala kay Adam ay pilit din naman iyong natatabunan ng pinaghalong selos, galit at hinanakit. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman.

Umuwi nalang ako sa bahay at kumuha agad ng avocado. Akala ko, maaayos nito yung nararamdaman ko pero kahit na naka ilang subo na ako, naluluha parin ako.

Hindi ko na inubos ang avocado na kinakain ko. Uminom nalang ako ng tubig at umakyat sa kwarto para doon mag isip. Nanatili ako doong nakaupo hanggang sa mahiga na ako sa kama habang malalim parin ang iniisip.

Pagkalipas ng ilan pang minuto ay unti-unti na akong napapikit hanggang sa tuluyan na akong nakatulog na may bigat sa dibdib.

Nagising ako na may parang gumagalaw at dumadampi sa gawing tiyan ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Adam na humahaplos at humahalik sa tiyan ko. Nag inat ako at humikab.

"How's your sleep?" he asked.

Imbis na sagutin siya ay dahan-dahan akong bumangon habang naka kunot ang noo.

"Anong oras na?" tanong ko.

"6:30 na." sagot niya.

Bumuga ako ng hangin tsaka pumikit dahil inaantok parin ako. Ang tagal ko na palang nakatulog. Madilim na rin sa labas.

"Anong ulam?" walang gana ko paring tanong.

"Uhm, nilagang baka. Gusto mo ba 'yon? O baka may gusto ka pang ibang ulam? Sasabihan ko sila Ate Lea–"

"Hindi na."

Tumayo ako sa kama nang hindi siya binibigyan ng tingin. Dumiretso ako sa banyo para doon ayusin ang sarili. Wala ako sa mood para makipag usap o makipag asaran ngayon.

Nang makalabas na ako sa banyo ay naabutan kong nandoon parin si Adam sa pwesto niya kanina. He gave me a concerned look before sighing. Umiwas nalang ako ng tingin nago ako tuluyang lumabas sa kwarto.

I don't know why am I being like this. Is it because of what happened earlier or its just because of my pregnancy? Or maybe both? I don't really know.

Habang kumakain kami ay wala akong imik. Seryoso lang ang muka ko at nakatuon lang ang pansin ko sa pagkain, habang si Adam naman ay napapansin kong tumitingin sa akin paminsan-minsan.

Hindi ko inubos ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana. Bumalik na din agad ako sa kwarto para mag shower at magpahinga sandali bago matulog.

Their voices talking earlier is lingering inside my head. At isa pa, paulit-ulit din na bumabalik sa isip ko ang litrato nilang dalawa habang magkayakap. Nasasaktan ako habang iniisip 'yon pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Habang nakahiga ako sa kama ay tumunog ang cellphone ko, tinignan ko nalang muna iyon. Wala pa dito si Adam sa kwarto, siguro may inaayos pa sa baba.

Wings Against WindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon