CHAPTER 5: Realization

278 19 116
                                    

Chapter 5: Realization

Adam's Point of View

"Thank you."

I gave a small smile to the nurse that delivered my lunch. She bowed down her head before leaving my room.

Hindi nakatakas sa paningin ko si Thea na nakasilip sa pinto mula sa labas nang buksan ng nurse ang pinto. She always does that. She really didn't went here after that conversation happened.

Naguilty ako sa inasal ko, that was so rude of me. Hindi ko lang talaga mapigilang magtaka at mairita na rin dahil sa lahat ng tao, bakit siya pa? I mean, hindi ko naman kasi siya kilala at hindi ako yung tipo ng tao na mabilis magtiwala.

But what she said before makes sense. Hindi naman ako ipagkakatiwala ni Mommy sa kaniya kung hindi siya mapagkakatiwalaan. Pero ang tanong ko, paano? How did she earned Mom's trust that quickly? What did she do?

Tuwing mag isa tuloy ako dito ay palaging bumabalik sa utak ko ang usapan namin. Naguiguilty ako sa mga sinabi ko sa kaniya. I saw pain in her eyes before she ledt that day.

Ilang linggo na niya akong hindi pinapansin.

Hindi siya pumapasok sa kwarto ko kung hindi kailangan. Tuwing gabi nalang siya pumupunta dito kapag matutulog na siya o kaya naman tuwing tatawagan ako ni Mommy gamit ang cellphone niya. Hindi pa kasi nakakabisita sina Mommy dito kaya wala pa sa akin ang cellphone ko.

Nag uusap rin kami minsan tuwing magpapaalam siya sa akin na hindi niya muna ako mababantayan ng isa o dalawang araw dahil kailangan daw muna niyang umuwi at magtrabaho. Pagkatapos no'n ay aalis na agad siya. Hindi na gaya ng dati na kung ano ano pa ang sasabihin niya bago niya ako tigilan.

It just feels like she's not it. I mean, medyo nasanay na ako sa pagiging madaldal niya at hindi ako sanay na ganyan ang kilos niya. It's weird in my eyes.

The next day, Mom called and told me that they're finally going to visit me here tomorrow. Sa wakas, makikita ko na ulit sila. I missed them so much.

[Ayos ka naman ba diyan? How about you and Thea? Inaasahan ko na magkasundo kayong dalawa.]

Napalingon ako sa kaniya nang marinig ang sinabi ni Mommy. Umiwas lang siya ng tingin na parang nailang, ako naman ay nag isip ng isasagot ko.

"U-Uhm, y-yes of course, Mom." sagot ko nalang.

[That's good to hear. Be kind to her, Adam. She's really a good person. Siya na ang nag alaga sa'yo mula noong naospital ka dahil pare-parehas tayong naapektuhan sa nangyari. She's really a kindhearted person.] dagdag pa ni Mommy.

Mas lalong naging awkward ang sitwasyon dahil doon. Hindi na makatingin sa akin si Thea at wala naman akong masabi. We both know that we're not that in good terms.

"O-Okay, Mom." iyon nalang ang nasabi ko.

[Sige, basta pupunta kami diyan bukas. Can't wait to see you, Adam.]

I smiled a bit. "Can't wait to see you all too, Mommy."

She chuckled. [Oh sige na, magpahinga ka na. Pagpahingahin mo rin 'yang kaibigan mo ha? Keep up with each other, mag kwentuhan naman kayo para may magawa kayo diyan. I'm sure you both missed each other a lot.]

Wings Against WindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon