CHAPTER 3: Never Changed

267 19 114
                                    

Chapter 3: Never Changed

Thea's Point of View

"Wow, bes ang gwapo nga."

"Sabi ko sa'yo eh."

Adam Gale Arenas. Iyon pala ang buo niyang pangalan. Ang lakas maka pang mayaman. Pati pangalan niya, gwapo. Bagay na bagay sa kaniya.

"Saan mo ba nahanap 'yan? OMG, may kapatid ba siya?" tanong ni Jenny habang nag iscroll sa profile ni Adam. Hindi naman ganon karami ang posts niya. Mukang hindi siya masyadong nag sosocial media.

"Meron. Kaya lang, bata pa. Seven years old." minsan ko na kasing nakita na bumisita doon ang kapatid ni Adam. Sa pagkakaalam ko Zyfer ang pangalan niya. Napaka gwapong pangalan at ang cute rin nung bata.

Bumuga ng hangin si Jenny at mukang disappointed ang itsura niya.

"Ganon ba? Eh pinsan? Kahit pinsan lang oh. Tignan mo naman, ang gandang lahi." Jenny looks like she admires Adam really much.

Sino ba naman ang hindi? Eh maraming pasyente, nurses at mga bisita ang nahuhumaling diyan kay Adam doon sa ospital.

"Sige na oh, para namang others. Pinsan lang eh." pagpapa cute pa niya.

"Hindi ko alam eh." natatawa kong sagot.

Nagmaktol siya na parang bata at ngumuso pa. "Sige na nga, kahit kaibigan nalang. Sigurado namang gwapo rin yung mga kaibigan niya."

Mahina nalang akong natawa. "Hindi ko talaga alam, Jen. Hindi naman kami close eh." well, sa ngayon.

"Hmp, sige na nga. Basta pag naging close na kayo, bigyan mo ako ng pinsan o kahit na kaibigan man lang niya ah."

Parehas kaming natawa. Si Jenny talaga, ang hilig sa boys.

"Sana nga." sambit ko.

"Magiging ka-close mo 'yan! Ikaw pa, eh halos pati mga costumers dito eh ka-close mo." sabi niya.

Mahina nalang ulit akong natawa.

"Tara na baka magalit si manager." aya niya bago niya ayusin ang apron niya. Nandito kasi kami ngayon sa fastfood chain na pinagtatrabahuhan namin, katatapos lang ng lunch.

Si Jenny ang naging kaibigan ko ngayon dahil sa trabaho kong 'to. Dito ko siya nakilala at siya rin ang nagbigay pa sa akin ng iba kong raket noon. Ang laki ng pasasalamat ko kay Jenny dahil sa mga tulong niya.

Nawa'y mag dilang anghel si Jenny.

...

Hindi mawala sa isip ko ang pag iisip kung alam ba ng pamilyang umampon kay Adam ang tungkol sa totoo niyang katauhan. Alam kaya nila na may kapangyarihan si Adam? Na siya ang alpha ng angkan namin? Na siya ang pinakamalakas sa buong angkan ng mga Hawks?

Hanggang ngayon, napapa isip parin ako. What if galing rin sa angkan namin ang pamilyang umampon sa kaniya? Maraming possibilities. Pero kailangan ko ng definite answer para sa kyuryosidad ko.

Naaalala pa kaya niya ako? Namimiss rin kaya niya ako? Hinanap ba niya ako nung napadpad siya dito? Hay, sana lang hindi pa niya ako nakakalimutan. Magwawala talaga ako.

Wings Against WindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon