Cyrille
Naka-krus ang kamay na pinakatitigan ko ang lalaking kung sa unang tingin ay magmumukhang masaya pero kung pakatititigan mo ng mabuti? Ekis. Hinampas ko ang braso niya para kunin ang atensyon. "Alam mo?..." nag-salin ako sa baso ng alak tyaka inabot sa kaniya. "Tigil-tigilan mo na 'yang mga pekeng ngiti mo. Nakakairita," bumuntong-hininga ako habang tinitignan ang kaniyang reaksyon.
Maya-maya bigla itong humagulgol. Immune na 'ko pagsasalita ni Ren ren 'pag lasing. Ang gusto ko na lang gawin talaga ngayon? Pumatay.
"Hoy gagi tahan na," inabutan ko ng tissue ang lalaking kanina pa humahagulgol sa harap namin. Kinuha niya naman ito kasabay ng pagbuntong-hininga ko. Tangina, lakas ng loob ng lalaking 'yon. Sarap tuloy mangulam.
"Ang sakit eh. He told me na mahal niya ako tapos... Wahhh bangla ang sakit!" sigaw pa nito saka yumakap sa'kin. Uminit ang aking pisngi sabay ng panginginig ng kamay ko habang unti-unti kong inangat ito at niyakap siya pabalik. "It hurts. The girl's too beautiful tapos may ano pa 'yon, ako wala. Talo ako." anito saka humagulgol lalo.
Bumaling ang tingin ko kay Ren-ren. Nakatingin lang ito sa'kin na parang nang-aasar habang pinipigil ang tawa. "Gaga, tinatawa-tawa mo? Umiiyak na 'tong isa..." at sinamaan siya ng tingin. "Tumigil ka nga!" saway ko na lalong ikinatawa nito. Hinayaan ko naman siyang tumawa ng tumawa, lasing na kasi.
"Alam mo sis, shot mo na lang 'yan. Hayaan mo siya daming gwapo rito," ani Ren at inabutan ito ng baso na puno ng alak. Sasabihin ko sanang h'wag tanggapin kaso nilaklak na ng gaga. Malalim akong bumuntong-hininga sa hindi ko na mabilang na pagkakataon.
Kung ako kasi na lang kasi ang pinili mo eh.
Pasikreto kong sinampal ang sarili sa naisip. Hindi ko dapat naiisip 'yon dahil kahit gusto ko siya, iba ang gusto niya. LALAKI ang gusto niya at ako? Bestfriend na kahit kailan, simula pa lang wala nang pag-asa. "Baks? Baks hoy. Okay ka lang? bumalik ako sa reyalidad at ang gwapo niyang mukha ang tumambad sa harap ko. "Ha? A-ah o-oo okay lang." saka siya ngitian.
"You sure?"
Tumango ako't tumayo. "Cr lang ako," umalis ako sa pwesto namin at dumiretso sa cr. Nilabas lahat ng sakit sa dibdib na kanina ko pa tinatago. Masakit na sa'kin na makita siyang umiiyak dahil sa iba pero mas masakit 'yong realisasyon.
Simula ng mapalapit ako sa kaniya, lagi kong tinatanggi na wala na. Iniisip ko... isang araw magkakaroon din ako ng puwang sa puso niya. Nagkaroon naman pero bilang kaibigan. Iyon lang at wala nang iba pero binalewala ko lahat iyon at iniisip na mamahalin niya rin ako katulad ng pagmamahal na mayroon ako sa kaniya.
Hawak ang dibdib, tahimik akong umiyak nang umiyak sa loob ng cubicle hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim bago pinindot ang answer button.
"Yo,"
"Cy, balik ka na rito. Si Kai gago, nababaliw na!" tumayo ako't inayos ang sarili bago tumakbo palabas.
Pagkabalik ko, agad na tinuro ng stress na pinsan ko si Kai sa dance floor. Halos malaglag ang pangga ko sa gulat. Putangina baka kami sisihin bukas 'pag naalala niya 'to. "Gaga bakla tumigil ka na! Masisira dignidad mo!" pasigaw kong sabi dahil hindi kami magkakarinigan sa dami ng cheer sa kaniya na halos puro lalaki.
"Go kuya!"
"Hala sige itodo mo! HAHAHAHHA!"
"hoy miss! Hayaan mo siya! HAHAHA"
Sinamaan ko silang lahat ng tingin bago isinaludo ang gitnang daliri sa lalaking pinaalis ako bago hinila si bakla. "I love you all, mwah!" hirit pa ni Kai.
Agad ko siyang binatukan pagkabalik namin sa pwesto namin. "Aray naman. What was that for?" tanong niya habang hinihimas ang ulo. "Tarantado ka ba? Ginagawa mo r'on?" Inirapan lang ako nito saka tumayo sa harap ko't nameywangan. "Bakla ka gusto ko lang naman magpakasaya. Masama?"
"Hindi pero masisira dignidad mo d'on par tapos kami sisihin mo bukas? Tyaka pa'no kapag nabastos ka r'on? Eh mga 'there's a hole, there's a way' ata mga motto ng mga tao r'on eh. Baka abangan ka r'on tapos rape-in ka. Mag-isip ka nga!".Bago pasalampak na umupo sa sofa. Gan'on din ang ginawa ni Kai na hindi na umimik.
Namayani ang katahimikan sa pwesto namin. "Alam niyo, iinom niyo na lang 'yan. Cheers!" pagsisira sa katahimikan ng pinsan ko. Wala kaming nagawa, kinuha namin ang sarili naming alak bago binalik ang ingay sa pwesto namin bago umiyak si Kai.
--
"Ako na bahala rito. Ingat," gamit ang isang kamay, kinawayan ko si Ren bago ito sumakay sa taxi nang mag-isa. Knock out na si Kai kaya isa sa'ming dalawa ang kailangan i-uwi siya sa sariling condo ng bakla. Hirap na hirap ko siyang sinakay sa sasakyan niya at minaneho.Pasado alas-tres na ng umaga kaya hindi na masyadong traffic. Iilang kotse na lang ang mga kasabay ko kaya mabilis kaming nakarating sa condo niya. Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat niya eh halos hindi na nga kumakain. Inilabas ko siya ng kotse saka nagtiis na tulungan siyang maglakad. Buti na lang nasa first floor lang siya kaya mabubuhay pa ako.
Binuksan ko ang pinto at saka siya dahan-dahang inihiga sa sofa. Pagkasara ng pinto, dumiretso ako sa kusina at naghanda ng lalagyan na may tubig at tuwalya. Pinunasan ko siya sa leeg, mukha at braso.
Ngayong malaya kong natititigan ang mukha niya, kitang-kita ko na ang lungkot at sakit na nararamdaman niyang pilit niyang itinatago. Kanina noong ikinukwento niya pa lang kung paano maghalikan iyong babae at boyfriend niya, akala mo iniyak niya na lahat pero hindi pa. Napakagago mo, Atlas. Ipinangako mo pa na hindi mo gagawin ulit sa kaniya pero inulit mo. Sana pala hindi ako pumayag.
Wala sa sariling sinapo ko ang kaniyang pisngi saka dahan-dahang yumuko para bigyan siya ng halik sa noo. Halos kumabog ang dibdib ko ng biglang dumilat ang dalawa niyang mga mata. Akmang lalayo ako dahil sa nangyari pero huli na. Hindi ko alam kung anong sumanib sa kaniya. Malamlam ang matang nakatingin siya sa mga labi ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, nasa ibabaw ko na siya't hinahalikan ako.
"K-kai... Tu-tumigil ka nga baka.... Hmm... Dumating si Atlas," pero Unti-unti niyang hinubad ang pang-taas ko. "K-kai... Stop."" saad ko habang hawak ang braso niya. "Bakit? Ayaw mo ba? Dahil ba may boyfriend ako?" dahan-dahan akong tumango. "I don't care about it anymore. I want you,"Mali 'to. Maling-mali dahil alam ko bukas magagalit siya sa'kin. Pandidirihan niya ako dahil hindi kami talo. Dahil sa mga halik at hawak niya, hindi ko siya mapigilan. Kahit sarili ko hindi ko na rin ma-kontrol.
Sa muling pag-halik niya, tinugon ko na siya. Bahala na.
Sorry, Kai.
YOU ARE READING
Not Yours
Teen FictionSequel of In-love with my step-brother. ... A happy ending. Atlas and Kai both expected as their relationship to grow stronger than ever but nothing last forever. A storm, bigger than their love wreck them apart causing a betrayal, heart break and...