Cyrille
Sa sobrang advance ng technology ngayon ng mundo, pati humihinga na unan naimbento na. Tumaas ang sulok ng labi ko at lalong niyakap ang unan. Pero teka? Ba't may matigas?
Dinilat ko ang kaliwa kong mata at agad tinanggal ang kamay sa nahawakan ko. Nagpalinga-linga rin ako sa paligid. Hindi ko rin 'to kwarto... Hala puta. Hindi ako gan'on kalasing kagabi kaya medyo tanda ko pa lahat. Nasapo ko ang aking bibig at nanginginig na tumingin sa aking kaliwa. Umiling-iling at hindi makapaniwalang totoo ang lahat nang 'yon.
Lumalala pa ang lakas ng kabog sa dibdib nang bumukas ang pinto at pumasok ang taong isang beses ng pinagkatiwala sa kaniya sa'kin si Kai. "Anong... Cyrille? What's the meaning of this?" ani Atlas na nabitawan ang plastic bag na dala saka napaluhod habang nakatitig sa kinaroroonan ko at ng boyfriend niya.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Ang ingay-Sis? Ba't ka 'andito?" tanong ni Kai sa'kin pero wala akong nasagot. Nanginginig na ang buong katawan ko pati ang labi habang sinusuri niya ang buong kwartong kinaroroonan namin. "Ku-kuya... Ma-magpapaliwa-wanag ako," sabi ko, hindi pinapansin ang bagong gising na si Kai.
"What the? No way..." rinig kong sambit ni Kai sa likod bago ko naramdamang gumalaw ito't umalis ng kama niya. Bumagsak naman lalo ang balikat ko at lalong bumigat ang pakiramdam. Hindi ko na nga napansin na lumapit si Kai kay Atlas.
"You! Galit na galit ka sa'kin because I cheated on you but you're also the same!" napapitlag ako sa pag-sigaw ni Atlas bago nandidiring tumingin sa'kin. "Lasing kami! Hindi ko alam!" sigaw ni Kai pabalik. Tumawa naman ang lalaki sa harap niya. "At 'yan din ang rason ko nang mahalikan ko si Leine," anito bago humalakhak ng malakas.
Bumaling naman sa'kin ang bestfriend ko. Ang bestfriend kong matagal ko nang gusto pero hindi ko gusto taluhin. "Grabe ka, BABE. Lalandi ka rin lang naman, sa kaparehas mo pang babae. Ay teka, wala namang mattress 'diba? Kasi bakla ka!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Alam kong may kasalanan kami, ako pero hindi tamang babastusin niya ang lalaking una pa lang siya na ang minahal. "Tangina naman. May kasalanan kami pero-" Nilagay niya sa labi ko ang hintuturo niya saka ngumiti na parang sinasabing 'i got this, shut up sis'.
Gusto kong umiyak dahil kahit ako 'yong dahilan ng pag-aaway nila ngayon, pino-protektahan niya pa rin ako.
Atlas
My face suddenly stings after he hit me. How dare he? He's the one on fault here! "I know! Im the one who made a mistake here pero wala kang karapatang sabihan ako ng ganiyan!" he shouted. "Sis, mag-bihis ka na muna," he said to his bestfriend before facing me again.
"Una pa lang, you already know I'm gay. I don't have a uterus to carry a fucking child at alam mo 'yon! Kaya wala kang karapatang sabihin sa'kin 'to!" he said while breathing heavy air. "Sinaktan mo rin ako Atlas pero hindi ka nakarinig ng ganito sa'kin."
I stared at his eyes. I see sadness and pain, so much. I want to forgive him but I'm also hurt. He sighed once again. "Ha! I never wanted this to happen, Atlas. Eh 'yung sa'yo ba? Gustong-gusto mo to the point you call her in your sleep. Quits na tayo," he snatched the necklace i gave and give it to me.
"You already hurt me enough. Not once but twice and i hurted you too. Let's stop this madness. We're done." he turned his back to me. I low my head before walking out the door even though my legs are about to gave in.
I close the door behind me and dropped on my knees again then stare at the emptiness. Am i unfair? He hurted me just once but i hurt him twice--in the past and present-- yet I'm the one who's too harsh on him while he never said anything about it. But what can I do? Nasaktan ako.
Pero nasaktan din siya.
I bang my head on the wall. Like what he said, quits na kami. We're both at faults. I guess this is really the end? No.
I sighed. "But first, let me clear my head. I need to relax." I then left the building, aiming to relax before getting into work again.
Cyrille
Pinunasan ko ang mga luha na nasa mata ko at pinilit na tumayo kahit halos hindi ko na kayanin. Nanghihina ako-physically, emotionally at mentally. Gusto ko na lang i-untog ang sarili ko sa pader.
"Cyrille? Matagal ka pa?" Agad akong napatayo at binuksan ang pinto ng banyo. "S-sorry, nahihirapan akong tumayo eh." at sorry din kasi nangyari pa 'to dahil sa kapabayaan ko. Ngumiti lang siya sa'kin bago ako niyakap. Hindi naman ako nag-salita at hinayaan lang siyang yakapin ako habang pilit na pinipigilan ang mga nagbabadyang luha.
Kumalas siya sa yakap ko. "Umalis ka muna. Gusto ko mapag-isa," aniya at tumuloy na papasok sa banyo. Napatitig ako sa pintong pinasukan niya at lalong na-guilty.
Naiintindihan ko kung pinandirihan mo 'ko dahil kasalanan ko 'to. I'm sorry.
Umalis ako ng condo niya bago tinawagan ang natatanggi kong pinsan na alam ang lahat simula pa lang.
"Hello?"
"Wala kang pasok ngayon?" tanong ko.
"Wala, why?"
Lumunok ako. "H'wag kang aalis. I need you right now,"
....
"HA? Break na sila? Bakit?" hindi niya makapaniwalang tanong kaya tumango ako. "Hala bakit? Bakit naghiwalay?". Hindi naman ako nakasagot agad. Sasabihin ko ba? Kung sabihin ko man, 'di ba mag-iiba ang tingin niya sa'kin? "Hoy, ano na?"
Agaran ko siyang niyakap ng mahigpit. "Ren, patawarin mo 'ko. Dahil sa kagaguhan ko... Kaya wala na sila." saad ko bago umiyak nang umiyak bago kinuwento sa kaniya ang lahat. Mag-mula sa biglaang pag-gising na Kai hanggang sa maabutan kami ni Atlas.
Matapos ng kwento, nanatili siyang nakatulala. Biglang bumalik ang kaparehas na kalabog sa dibdib ko. Ito na nga bang sinasabi ko pero kung magalit man siya, okay lang. Pinaka-bestfriend siya ng lalaking mahal ko na nasasaktan ngayon kaya maiintindihan ko siya.
Nakapikit ang matang naghihintay ako sa mararamdamang sakit sa magkabila kong pisngi. May karapatan siyang magalit sa katulad kong tanga. Sa katulad kong nagpabaya sa sitwasyong ma-k-kontrol ko pa.
"Don't expect me to hurt you. Naiintindihan kita," kinulong ako ni Ren kaniyang bisig. Napadilat ako ng mata, nakatulala sa kawalan habang yakap niya. "Naranasan ko na 'yan. Mahirap 'pag emosyon mo nang kumontrol sa'yo," Sumakit ang dibdib ko't napakapit sa bed sheet.
"Cry all you want. I'm here,"At parang magic, patuloy na nagsi-bagsakan ang lahat ng sakit. Mga pagsisisi at disappointment sa sarili habang mahigpit niyayakap ang taong tinuring ko ng kapatid.
YOU ARE READING
Not Yours
Teen FictionSequel of In-love with my step-brother. ... A happy ending. Atlas and Kai both expected as their relationship to grow stronger than ever but nothing last forever. A storm, bigger than their love wreck them apart causing a betrayal, heart break and...