XV

17 0 0
                                    

Cyrille

         Mata ay pabalik-balik ang tingin sa envelope at sa pangalan ng lugar na itinuro ng envelope. Nanadya ba siya? Sa lahat ng lugar dito pa? Walang'ya naman oh.

        "Hello!" Halos mapatalon ako sa mismong kinatatayuan ko sa biglaang sigaw. Napahawak din ako sa tiyan kong sinabayan pa ang biglang tambol ng dibdib ko. "I'm sorry ma'am but let's hurry up. Hindi magsisimula ang wedding kung wala kayo?" Anito at may pinaypay na tao sa aming gawin at inayusan ako habang naglalakad.

      Huminto kami sa malaking puting pintuan. Ibinigay nito sa'kin ang isang bouquet. "Goodluck po, madam." Anang babaeng nagsundo sa'kin. Agad kong hinawakan ang braso nito bago pa man subukang umalis. "Anong meron? Hindi naman ako ang bride kasi lala—"

        "Hala madam hindi po ba kayo si Ms. Vergara? Vergara & Wolkzbin Nuptial po kasi eh. Pasensya—"

       "Hindi-hindi nagulat lang ako. Akala ko kasi.... Pero thank you!" Nginitian ko na lamang ito saka pinakawalan. Pero paanong kasal uli namin 'to?

       Binuksan ko na ang wedding invitation na buti lamang hindi ko binitawan.

  

Hi wifey!

      Please be sure to attend since this is our second wedding. I love you.
  
                                         Love,
                                          Kai.

        Bumukas ang pinto at nagsimulang tumugtog ang piyesa ng dream wedding song ko na hindi ko narinig sa unang kasal namin:  Thousand Years.

      Sa harap ko ang mga abay na unti-unting naglalakad. Alam ko kung anong meron pero bakit? Bakit pakakasalan niya 'ko ulit?

     Ibig sabihin ba nito...

     Totoo ito 'di ba? Hindi naman siguro ako nasobrahan ng tulog at nanaganip lang katulad n'ong nakaraan diba?

      Papalapit sa altar, lumalakas lalo ang tibok ng dibdib ko. Kita ko rin ang mga ngiti sa labi ng mga bisita lalo ng pinsan kong ang alam ko nasa two weeks vacation. Yari 'to sa akin mamaya.

      Nasilayan ko na rin ang gwapong mukha ng asawa ko. Kumpara sa unang kasal namin, alam kong totoo nang ngiti ang nasa labi niya.

      Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon ng may ngiti sa labi bago ako inakay papalapit altar. Buong seremonya, hindi pa rin tumitigil sa pagwawala ang dibdib ko. Pakiramdam ko tuloy hihimatayin ako sa tuwa at kaba.

      Hindi ko na namalayan na tinatanong na ako. "I repeat, do you take this man as your husband in sickness and health? In sadness and happiness?" Ulit ng pari. Ramdam ko na rin ang pag-aalala ni Kai at ng mga bisita. "Ah. I do, father." Sagot ko na at pati ata ang pari ay gumaan ang loob sa sagot ko.

       Tinanong din si Kai na sinagot nito agad. Lumapit ang ring bearer na matangkad na lalaki na nginitian lang ako. Pamilyar, awit.

       "I, Kai Wolkzbin, Vows to be by your side whatever the situation it is. Vows to love you whole and hold you hand tight no matter what happened." Anito at pinisil pa ang kamay ko matapos maisuot sa akin ang singsing.

        Nilunok ko ang sarili kong laway. Hindi ako ready! "I-i, Cyrille Vergara, vows to be by your side whatever situation it is. Love you and hold your hand tight no matter what happened." Nanginginig na isinuot ko sa kaniya ang singsing.

       "You may now kiss the bride." Anang pari na iginiya ang kamay sa aking direksyon. Humakbang si Kai papalapit at ilalapat na sana ang labi nito na handa ko na ring salubungin ngunit...

        "A-aray..." Biglang may likidong umagos sa mga binti ko na wala namang kulay. Humigpit ang kamay ko sa kamay ni Kai. "Ka-kai... Masakit! Manganganak na 'ko!"

      Hawak ko lamang ang kaniyang kamay sa sasakyan pati sa pagdala sa'kin sa ER. Ang sakit!

     "Wifey kapit lang." Bulong nito habang mahigpit na hawak ang mga kamay ko. "Hindi ko na—ah!— Kaya!"

      "Kayanin mo, push!"
      "Aray!" Sigaw naming dalawa habang umiire ako't namimilipit naman siya sa sakit ng sabunot ko.

      Patuloy ang pag-aray naming dalawa hanggang sa mala-musikang iyak ang narinig ng tainga ko. 'Yon ang huli kong narinig bago hinayaan ang pagod na manguna sa katawan ko.

      SA PANGALAWANG  pagkakataon sa buhay may asawa, Nakita kong muli ang sarili kong nakatitig sa puting kisame. Ngunit ngayon ay hindi dahil nahimatay sa stress, kung hindi ay para mailabas ang sanggol na dinala ko ng siyam na buwan.

      "S-Si baby? Nakita mo na ba siya?" Tanong ko kay Kai bago kinuha ang tubig na inaabot niya. "Oo at I can say na ang gwapo ko dahil ang gwapo ng anak natin." May ngiti at proud na proud niyang sabi. "Himala 'di mo sinabi na maganda," tawa kong sabi nang tignan niya ako Ng masama. "Joke lang."

       Umupo siya sa tabi ko, kinuha ang mga kamay ko at hinalikan ito. "Pero thank you kasi kahit anong nangyari, Hindi mo siya nilaglag at the same time... "Lumaki lalo ang ngiti niya sa labi. "Pinakasalan mo ulit ako."

       "Siyempre, marupok ako't Mahal kita. Tyaka baka bigla magbago ang isip mo eh sayang."

       Ngumiwi naman siya na akala mo sinabi kong tumae ako sa hospital bed. "Gumastos na ako't lahat tapos nagbabago pa isip? Sayang naman 'yung ginatos ko," tumayo siya at nararamdaman ko ang init ng labi niya sa aking noo. "Mahal na Mahal kita at sorry kung hindi ko nasabi directly. Nakalimutan kong hindi pa pala ako nagcoconfess sa'yo at the same time... I want to clear what happened to us last time.

       "That picture. I don't know who send it. That time, hindi naman kami nagkabalikan. Nag-usap kami bilang magkapatid at in-offer ko lang ang shoulder ko as a good younger brother.I didn't keep that box because I'm still Inlove with my brother but I'm ready to throw it away. He also know my feelings for you. I love you more than just a Friend. I love you not because you have my child but I love you because you are you, wifey." At this time, nalasap ko na ang labi niya.

       Halik na puno nang pagmamahal. 'Yan ang ramdam ko sa halik niya. "Mahal na Mahal din kita, Kai at ang mahalin mo 'ko pabalik ay sapat na para punuin ang puso ko ng saya. I love you."

       "I love you too and don't worry about my brother, I'm yours." Aniya at Inangkin muli ang aking labi.

       Despite ng sakit at sama ng loob. Natutuwa akong masabi na 'He's finally mine'.


———————
Author's note: Sorry sa title, naduduling lang. Hope you enjoy the story!

Not YoursWhere stories live. Discover now