Cyrille
Napabaling ako sa pinto nang bumukas ito. Pumasok ang pinsan kong may dala-dalang tray na may pagkain saka binalik ang tingin sa computer at sketches na ginawa ko. Kailangan ko na 'to matapos at malapit na ang due date na binigay ni boss.
"Kain na. Kagabi pa walang laman 'yang tiyan mo,' Tumango lang ako at pinagpatuloy ang sketches. "Oo nga pala. Cy, pinapasabi ng bakla magkita raw kayo." Halos mabali naman ang lapis na hawak ko matapos niyang bitawan 'yon. Hinawakan lang ako sa braso ni Yreneah bago lumisan sa kwarto.
Umiling ako. Hindi na 'ko magtataka kung hindi katulad ng dati kung pa'no kami mag-usap. Hindi na 'ko magtataka kung pilit na lang ang tono niya 'kong kausapin. Huminga ako ng marahas bago sinara ang laptop at inilagay ang lapis sa lalagyan. Inubos ko rin ang pagkaing hinanda para sa'kin. Baka dahil sa gutom at sakit, dalhin pa 'ko sa ospital. Edi dagdag problema pa.
Umalis ako ng bahay na mabigat ang buong katawan. Sa daming sama ng loob ko sa buhay, napakabigat nang buong katawan ko. Sobrang sama ko ba sa past life ko kaya gan'to? Kailan ba 'to mawawala?
Mata'y naka-tanaw sa kulay asul na kalangitan at mga ulap na tinatago ang nakakapasong sinag ng araw. "Please guide me lord."
....
MAHIGPIT ang kapit sa bag at halos mangatog ang tuhod na nakatayo sa harap ng restaurant na isa rin sa pagmamay-ari ng mga Miller. Kalma, self. Sapo ang dibdib na naglakad na ako papasok.
Isang babaeng blonde at halatang hindi pilipina ang bumati sa'kin at tinanong ang pangalan. Matapos niyon, agad ako nitong dinala sa silid sa dulo ng restaurant at pinagbuksan ng pinto.
Isang malaking ngiti ang sumalubong sa'kin mula sa lalaking simula pa lang, mahal ko na. Polo-buttoned shirt na nakabukas sa may bandang dibdib na tinernuhan ng itim na slacks habang nakapusod ang medyo mahaba nitong buhok. Sa unang tingin talaga, aakalain ng iba may relasyon kami at nasa date lang.
Sorry people, we're not.
'Tulad ng nakasanayan, ipinaghila niya 'ko ng upuan bago umupo sa mismong pwesto. Bagay na 'di ko inaakala sa katulad niya at isa pang matinding dahilan kung bakit hindi mawala-wala ang pagmamahal na para sa'kin ay mali.
"Kumusta ka na?" Ito, miss na miss ka. "Okay lang kahit pa-paano buhay pa." umangat ang sulok ng labi niya bago napailing. "Loka."
Pinindot niya ang bell sa gilid ng mesa. Pumasok ang isang babae na may dalang papel. May sinabi lang si Kai sa babae na hindi ko maintindihan. Sinasaulo ko pa ang buong feature ng mukha niya, baka 'di ko na makita pa eh.
"'Te, baka matunaw ako." bumalik ako sa reyalidad at napapahiyang tumingin sa lamesa. "Kapal mo, sa labas ako nakatingin." pagsisinungaling ko bago tumayo at lumapit sa glass door at tinignan ang batang malalaki ang ngiting naghahabulan.
Buti pa sila, ang saya-saya. Maglalaro lang mag-hapon, halos walang pino-problema. Sana bata na lang ako forever. Walang problema, tanging pag-tulog lang sa tanghali. Lalo naman akong nilukob ng nararamdaman ko isang linggo na ang nakakaraan. "Kai... I'm sorry." saad ko at kinagat ang ibabang labi.
Nilagay ni Kai ang dalawang kamay niya sa balikat ko bago hinarap sa kaniya. May luha na rin sa kaniyang mga mata at namumula pa ito. "No... Don't say sorry. I'm the one who brought you to this mess, not you. It was me, okay? Please don't cry." sabi niya bago ako hinila at kinulong sa mainit niyang bisig.
Unti-unti namang nababasa ang damit ko sa may bandang braso pero hinayaan ko siya. Mahigpit din akong nakayakap sa kaniya, lumuluha hindi na lang dahil sa sama ng loob kun'di pati na rin sa saya na hindi ko alam kung saan nag-mula. "Sorry talaga, bes. Sorry." tumango lang siya dahilan para mas lalong gumaan ang pakiramdam ko.
Bumukas bigla ang pinto kaya bigla naming binitawan ang isa't-isa. Ngumiti yung babae. "My apology for interrupting your moment." anito bago pinapasok ang dalawang lalaking kasama nito at inilipag ang mga pagkain. Hala, may fiesta ba?
Nginitian lang ako ni Kai bago sinenyasan na umupo. "Sayang naman kasi kung apologoy gift objects pa. You love food more than else." i love you more kung alam mo lang. Ang sarap sabihin kaso ayos na kami at ayokong sirain pa. Gusto kong i-enjoy ang bagay na akala ko 'di na mangyayari.
Tinitigan ko lang siya muli habang kumakain na mas daig pa 'ko sa hinhin. Kaya napaisip ako,ba't ko nga ba siya minahal? Dahil ba gwapo siya? Ugali? O sadyang masokista lang ako. Ay ewan, masakit sa ulo kung iisipin pa. Basta ang alam ko, mahal ko siya. Sobra.
Kumain lang kami nang kumain, ine-enjoy ang pagkain at ang pinagsamahang sana hindi na masirang muli. Okay na 'ko sa pagiging kaibigan niya. Ang importante abot-kamay at kasama siya.
"Gaga, tanda mo 'yong party bago umalis si Talia?"
"Yon? Shuta umiyak ka n'on eh. Panget mo gagsti."
"Talaga ba? Kaya pala sabi ni Talia n'ong lasing ka raw sabi mo 'Akin ka na lang, Kai' ano ano tanggi," ha? Sinabi ko? Pinunasan niya ang bibig ng tissue. "Pero baka beauty ko lang gusto mo kaya tara sa salon. G?"
"Libre mo?"
"Oo mukha ka namang libre eh."
"Gago!"
....
"SALAMAT sa pagkain at pati dito." wika ko habang nakapikit. Ginawa niya talaga 'yung sinabi namin kanina. Pumunta kami sa Salon na sikat na sikat ngayon pero bakla coupon pala ang gamit kaya libre. Tyaka himala nga pala kung manlilibre si bakla. Kuripot 'yon eh.
Pagkatapos ng sa mukha, sa buhok namin dahil kasama sa coupon. Sayang kung aayawan. Galit na galit naman sa'kin si Ren-ren. Sana raw sumama na lang siya para may pa-salon din siya. Sigurado, umuusok na ilong niyon sa habang nag-hihintay.
Pagkalabas ng salon, ramdam ko agad ang mga usok na alam kong didikit sa mga balat namin. Medyo sayang din pero alangang mag-jacket at mainit sa pinas. Napuno naman ng ingay ng tugtog ang sasakyan ni Kai habang tinatahak ang daan papunta sa bahay namin ni Ren-ren.
Nabaling ako sa aking tabi at kita ko ang malaking ngiti na laging-bago pa mangyari 'to-naka-display. Nakakahawa ang ngiting mayroon siya.
"I love you," Sabi ko samantalang parang pinatigas si Kai sa kinauupuan niya. "As a friend."
Hinampas niya naman ako sa braso, "Gaga ka bakla. Kinabahan ako." Umiling-iling na lang siya habang sinisipa,sinasampal, at binubugbog ko ang sarili sa isipan.
YOU ARE READING
Not Yours
Teen FictionSequel of In-love with my step-brother. ... A happy ending. Atlas and Kai both expected as their relationship to grow stronger than ever but nothing last forever. A storm, bigger than their love wreck them apart causing a betrayal, heart break and...