Cyrille
Lakad-takbong pababa ako ng hagdan. Tangina late na naman ako, lagot ako sa matanda shems. "Morning." kinuha ko ang isang piraso ng toasted bread sa mesa saka nilagay sa bibig. May sinasabi pa si Ren-ren pero bahala na siya ro'n.
Kunot ang noo na naka-tingin ako sa madilim na kalangitan na hindi ko alam kung kailan ba ilalabas lahat ng sama ng loob nito. H'wag po ngayon please lang. Kahit mamaya na pagkadating ko sa trabaho please.
Tumakbo ako papuntang waiting shed at pinara ang isang tricycle. Wala pang ilang minuto, dumilim saglit ang paligid at parang minamartilyo ang ulo ko. "Gutom siguro 'to. Kakain na lang ako mamaya." Bulong sa sarili at kinuha ang vicks na nasa bag.
Pumasok ako agad sa building matapos bayaran ang driver. Swerte ko, katatapos lang ng morning sermon kun'di yari. "Sis, oks ka lang? Namumutla ka eh." bulong ng katabi ko. Tumango lang ako't nilabas ang mga materyales na kailangan at tinapos ang trabahong hindi ko pa natatapos.
....
"HEY VERGARA, lunch time na. You're not gutom pa ba?" Bumaling naman ako sa orasan. Hala gagi. "Kakain na. Hintayin mo 'ko." Inayos ko lang ang mga gamit saka sumama na. 'Di pwedeng aayaw pa 'ko, baka mamaya himatayin pa 'ko sa gutom at wala akong matinong agahan.
Katulad kaninang nasa sasakyan ako, bigla na namang dumilim. Ano ba 'to? Hindi naman gan'to kahit nagpapa-lipas ako ah. Baka nasanay lang ako sa kumpletong kain n'ong 2 weeks vacation na himalang binigay ni Dragona. Baka nga.
"Girls, you sit here, ako na mag-o-order. Ano gusto niyo?" anang Marvin kaya natuwa mga kasama ko. Ewan ko kung anong mayroon sa'kin ngayon at gusto ko lang kumain ng adobong balot kahit hindi ko alam kung mayroon nga ba n'on. Um-oo naman si Marvin at bumalik na dala ang pagkain.
Pasimpleng nagla-laway, masayang inangat ko ang kutsang may kanin at sabaw saka sinubo ito ngunit may biglang nahagip ang aking ilong. "Ang baho." aking sambit kaya nagulat naman ang apat na kasama ko. "Wala naman ah. Bangong-bango nga dine."
Hinanap ko pa rin ang amoy, 'di pinansin ang sinabi niya. Takip ang ilong na tinuro ko ang pagkain ni Marvin. "Ano 'yan?" tanong ko.
"Carbonara, bakit?" sagot niya.
"Ang baho, Marvs. Paki-layo, para akong-" sinapo ko ang bibig at tumakbo sa malapit na palikuran.
Nakaluhod at sapo ang tiyang pinunasan ko ang bibig. Ano bang nangyayari sa'kin? Wala naman akong lagnat. Hindi rin masama ang pakiramdam ko pagkagising. Impossibleng dahil sa tricycle 'yon at sanay akong sumakay sa mga gan'on.
Lumabas ako at tumingin sa labas. Malakas na ang buhos ng ulan na wari mo'y may masamang mangyayari. Bumalik na lamang ako sa mesa namin. Si Marvin nama'y biglang nawala at lumipat daw muna ng mesa. Baka raw kasi sa pag-balik ko, maduwal ako uli. Tinext ko lang siya ng sorry at 'di ko rin alam ang nangyayari sa sariling katawan.
Natapos ang trabaho ko ng maaga dahil sa maagang pag-papasa ko ng design. Dinukot ko sa bag ang cellphone nang bigla itong nag-ring. Malapit ko na 'tong maabot nang may muling pumitik sa ulo kong mas malala kaysa sa una.
Sapo ko naman ang ulo na animo'y mabibiyak. Ramdam ko rin ang unti-unting panlalambot ng katawan at pag-bigat ng talukap. Maya-maya pa tuluyan nang bumigay ang sariling katawan at tanging ang pag-tawag sa aking pangalan ang huli kong narinig.
....
UNTI-UNTI kong dinilat ang aking mata. Puting paligid at amoy ng gamot ang bumungad sa'kin. Isama mo na rin ang malaking bibig ni Yreneah. Shutang 'yan, gandang bungad.
"Ang ingay mo." sabay sipa sa hita niyang katapat lamang ng aking kaliwang paa. Bumaling sa'kin si Ren, Kai at ang unexpected na si Talia. "Hoy! Hindi ako maka-hinga!" impit kong sigaw.
Agad naman akong binitawan at sinuri ako ng buo."Jusko, ba't 'di ka man lang tumawag? Pinag-alala mo 'tong pinsan mo." sabi ni Talia na pasikretong sinamaan ni Ren ng tingin. Gagawa na nga lang ng gan'on, 'yung kita ko pa.
Katulad nang dati, nanood lang ako sa pag-aaway ng pinsan at kaibigan namin pero may kulang? Awtomatiko akong nabaling sa taong akala mo sinumpa ni Elsa na maging yelo. "Bakla. Hoy, ano't nanigas ka diyan? Is there..."
Sa kaniyang pag-lingon, bumilis ang tibok ng puso ko. Kita ko sa mata niya ang parehas na emosyon nang magkita kami nakaraan-lungkot at pagsisisi. Lumapit siya bago lumuhod at kinuha ang aking mga kamay. Humikbi siya nang parang bata na mas malala kaysa n'ong una.
Gulo ang isip na tiningnan ko ang dalawang kaibigan na tumigil sa pag-aaway nang manghina si Kai. Gusto ko silang tanungin, sila pero pag-iling lang din ang kanilang naibigay. Ano ba 'to? Ano bang nangyayari?
Bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang babaeng suot ang kulay puting coat na may ngiti sa kaniyang labi. "Ms. Vergara? How are you feeling?" anito at tumuon ang tingin kay Kai na kakatayo lang at inaayos ang sarili. "You okay, Mr. Wolkzbin?"
Muling bumaling sa'kin si Doktora matapos tumango si Kai. "You must be too happy, you cried," Happy? Si Kai? Grabe naman 'yung happiness, ang lakas ng ngawa. "Anyway, congratulations. You're two weeks pregnant, Ms. Vergara."
Ha? "Doc, paki-ulit nga po? Baka mali po ang pagkakarinig ko."
"You are two weeks pregnant. Congratulations!" aning doctor bago in-excuse ang sarili't iniwan kaming apat. Hindi nagtagal, iniwan din kami ni Kai.
Namayani ang katahimikan sa buong kwarto na pinaglalagian naming tatlo. "Grabe," sambit ni Castalia. "Nawala lang ako ng ilang taon pagbalik ko, buntis ka na. Si Bakla pa ang ama." yumuko ako't pumikit.
Alam ni Castalia na gusto ko ang kaibigan niya. Siya pa nga ang unang nakaalam eh pero ipinangako ko sa kaniya na hinding-hindi ako makiki-gulo sa kung anong mayroon si Kuya Atlas at si Kai. Tinanggap ko naman na kasi na kaibigan lang ako pero hindi ko alam na magkakaganito sa huli.
Umupo siya sa gilid ko."Pero nasabi na sa'kin ni Neah ang nangyari, hindi ko lang expected na aabot sa gan'to," anang Castalia na ngayon ay hawak ang aking mga kamay. "Sa ngayon, 'wag mo muna isipin si Kai. Mag-iisip lang 'yon. Sarili mo muna at ng baby mo, okay?" tumango ako ng dahan-dahan at niyakap din siya pabalik.
Sana nga, sana.
Euphoric moon here! Please forgive me for this short update. May bagong pt na naman eh kaya baka christmas break na uli chapter 5. If there's any mistake, kindly message me. Enjoy reading!
YOU ARE READING
Not Yours
Teen FictionSequel of In-love with my step-brother. ... A happy ending. Atlas and Kai both expected as their relationship to grow stronger than ever but nothing last forever. A storm, bigger than their love wreck them apart causing a betrayal, heart break and...