1.

489 41 0
                                    

     "GOODBYE, MA'AM!"
      Masayang kumaway si Samantha sa mga grade one students niya ng magpaalam na ang mga ito.
     
      Alas kwarto na nang hapon at uwian na. Pagkatapos maglagay ng baby powder sa mukha at magpahid ng manipis na lipstick sa labi ay kinuha na niya ang mga gamit.
     
      Bago umalis ay sinuri muna niya ang mukha sa handy mirror na palagi niyang dala. Gusto niya kasi na maganda siyang haharap mamaya kay Jc, ang nobyo niya.
     
      "Maganda ka na, girl!"
     
      Muntik na niya mabitiwan ang hawak na salamin dahil sa gulat sa kaibigan na bigla nalang sumulpot.
     
      "Wina naman, pwede ba wag kang nanggugulat." Napahawak pa siya sa dibdib dahil sa gulat. Katulad niya ay isa rin itong teacher dito sa Makabuhay Elementary School.
     
      "Sorry girl," pumilantik ang kamay nito. "Ikaw naman kasi, masyado kang busy sa pagpapaganda. Hindi mo tuloy napansin ang paglapit ko." Matalik niya itong kaibigan. Lalaki ang panlabas nito pero pusong babae— Oo, isa itong binabae. Pero hindi ito katulad ng ibang binabae na lantad, ito ay nakapanlalaki pa rin ng kasuotan saan man magpunta at kahit na isa itong binabae ay marami parin ang nagkakagusto dito dahil bukod sa malaki ang katawan ay gwapo din ito, iyon nga lang ay lalaki din ang gusto.
     
      "Makikipagkita ka sa jowa mo, no?" Naniningkit ang matang tanong nito.
     
      Nginitian niya lang ito.
     
      "Naku ha, sinasabi ko sayo, Sam. Wag ka magpapagabi ng uwi. Isusumbong talaga kita sa mama mo."
     
      "Alam mo hindi ka lang tsismoso, sumbungero ka pa." Mga bata palang ay magkaibigan na sila kaya naman kilalang-kilala siya nito, at kilalang-kilala din siya nito.
     
      "Naman." Nag flipped hair pa ito na akala mo ay mahaba ang buhok kaya natawa siya.
     
      Isinukbit na niya ang bag niya. "Sige na, Wina, mauna na ako. Alam mo na, may lakad ang maganda mong kaibigan." Hindi pa nakakalayo ay muli niya itong nilingon. "Sa sunod na tayo kumain sa Jollibee. Libre ko na."
     
      Agad na nagliwanag ang mukha nito sa narinig na parang bata. Kalalaking tao ay ang laki ng katawan pero hindi pa rin ito nagbabago— Pagkakain sila sa labas ay tuwang-tuwa ito.
     
     
      Bukod sa kaibigan na niya ito mga bata palang sila ay palagi pa silang magkasama. Ito ang tagapagtanggol niya sa tuwing may nambubully sa kanya. Ito rin ang tagasumbong sa mama niya sa tuwing may mga nanliligaw sa kanya sa kanilang school. Sa madaling salita, sumbungero ang kaibigan niya.
     
      Bigla ay naalala niya ang mama niya. Umuwi ito ng Antique para makasama ang kapatid nito na may sakit, isang taon na ro'n ang mama niya kaya naman mag-isa siya sa apartment na tinutuluyan. Matagal nang namayapa ang papa niya. Nag iisang anak lang din siya kaya naman dalawa nalang sila ng mama niya na magkasama sa buhay.
     
      Saglit na huminto siya sa paglalakad para basahin ang text ng nobyo niya.
     
      'Dito na ako, Love'
     
      Pigil ang ngiti sa labi niya dahil sa kilig. Kapag tinatawag siya nitong love ay talaga namang kinikilig siya. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na nagkaro'n siya ng boyfriend na katulad ni Jc.
     
      Para sa kanya ay perfect ito. Gwapo at masipag. Palagi itong busy sa maliit nitong business na itinayo nito kaya bihira lang sila magkita.
     
      Agad siyang bumaba sa tapat ng mall kung saan sila magkikita. Napadainġ siya ng mahina ng bumangga siya sa matigas na pader—
     
     
      "Pasensya na, hindi ko sinasadya." Nakangiwing yumuko siya. Pakiramdam niya ay nadurog ang buto niya sa ilong sa tigas ng katawan nito.
     
      Hindi pala siya sa pader nabangga, kundi sa isang malaking mama. Nang mag angat siya ng tingin ay nalula siya sa tangkad nito. Mukhang nasa 6'2 ang taas nito. Malapad ang katawan, at kulay itim ang suot mula sumbrero, facemask, hanggang sa rubbershoes.
     
      Wala sa sariling tumingkayad siya para titigan ang mata nito— Oh my god, kulay asul ang mata!
     
      Nahihiyang nagbaba siya ng tingin ng mapagtanto kung gaano kalapit ang mukha niya sa mukha. Nadala siya ng pagkabelieve. Kakaiba kasi ang mata nito— Parang nakakahipnotismo sa ganda.
     
      Pagtingin niya sa lalaki ay wala na ito sa harapan niya. Grabe, ang bilis naman maglaho no'n. Daig pa ang multo.
     
      Pumasok na siya sa restaurant na madalas nilang pagtagpuan ni Jc.
     
     
      "Love!" Masaya siyang sinalubong ng nobyo at hinalikan sa labi. Smack lang iyon pero kilig na kilig na siya.
     
      "Pasensya na naghintay ka ng matagal." Nahihiya na ngumiti siya rito. Sa dalawang taon nilang magkasintahan ay nahihiya pa rin siya sa tuwing magkasama sila. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya bagay sa binata.
     
      "Ayos lang na maghintay ako basta para sa 'yo." Lalo sumingkit ang mga mata nito nang ngumiti sa kanya.
     
      Pagkarating ng order nila ay agad silang kumain. Tulad ng dati ay nagkukwentuhan lang sila tungkol sa kani-kanilang trabaho.
     
      Hinawakan nito ang kamay niya at saka matamis na ngumiti. "Pagnakuha ko ang deal na 'to. Magpakasal na tayo next year."
     
      Napaawang ang labi niya sa sinabi nito— Sobrang saya niya!
     
      Nakangiti na tumango siya. "Sana nga makuha mo, goodluck, Jc."
     
      "Love, naman, hanggang ngayon Jc pa rin ang tawag mo sa akin. Dapat sanayin mo nang tawagin akong love para naman lalo akong ganahin sa trabaho."
     
      Kimi lang siyang ngumiti rito. Ang totoo ay kinikilig siya pero hindi niya alam kung paano ipapakita, hanggang ngayon kasi ay nakakaramdam pa rin siya ng pagkailang rito kahit na dalawang taon na ang relasyon nilang dalawa. Ito kasi ang kauna-unahang na naging nobyo niya, kaya siguro ganito ang akto niya. Ang sabi nga ng mga nakakakilala sa kaniya ay mahinhin siya at mahiyain. Pero hindi naman iyon ang nakikita niya sa sarili.
      Ganito lang siguro talaga siya kapag hindi sanay sa isang tao. Kapag nasa bahay ay maingay naman siya at alam iyon ng kaibigan niyang si Wina.
     
      "Love, take this." Maang siyang tumingin sa mga paper bag na iniabot ni Jc sa kanya.
     
      Hindi siya pwedeng magkamali— Mamahalin ang mga ito at sa ibang bansa pa nabibili.
     
     
      "Ang dami naman nito, Jc. Nakakahiya naman kung tatanggapin ko lahat ng 'yan." Tanggi niya.
     
      "Love naman, tanggapin mo na. Naka-sale naman 'yan no'ng binili ko kaya tanggapin mo na, please." Giit pa na sabi nito.
     
      Sale? Baka kahit mag sale ang ganitong brand ay hindi niya pa rin mabili. Sigurado siya na mahal talaga ito. Pilit ang ngiti na kinuha niya ang mga hawak nito.
     
      "Salamat."
     
      "I love you, Love." Gusto niya sana sagutin ito pero nagring ang cellphone nito. "Hello?" Napangiti ito sa sinabi ng kausap. Mukhang nakatanggap ito ng magandang balita. "Sige, I'm on my way." Nang ibaba nito ang cellphone ay tumingin ito sa kanya.
      "Love, pasensya ka na pero kailangan ko nang bumalik sa office. May meeting ako sa client ko. Sa sunod babawi ako, promise."
     
      Tumango siya. "Naiintindihan ko, Jc. Sige na mauna ka na dahil may bibilhin pa ako." Dahilan niya pero ang totoo ay nabitin siya sa oras na kasama niya ito.
     
      Natigilan ito saglit pero agad din ngumiti sa kanya. "Wag ka nang magtagal dito, umuwi ka na. Nakokonsensya ako na iwan ka dito ng mag-isa."
     
      Nahawa siya sa ngiti nito. Kahit kailan talaga ay napakasweet nito.
     
      "Oo na, uuwi na ako. Mag ingat ka, ha." Mabilis na humalik ulit ito sa labi niya bago umalis. Simula nang maging boyfriend niya ito ay iisang beses palang siya nito naihahatid sa apartment niya. Sobrang busy kasi ito sa trabaho at naiintindihan niya iyon.
     
     
      Hindi nagtagal ay tumayo na siya para mag abang uli ng tricycle. Mabilis naman siyang nakasakay at umuwi sa maliit na apartment na tinutuluyan. Isa iyong compound kung saan kakaunti lang ang nakatira. Kaya nagmistula iyong mga haunted na apartment. Kapag naglakad nga siya sa hallway ay wala siyang makakasalubong kundi kadiliman at malamig na hangin. Ilang beses na siyang nagsabi sa landlady na palitan ang mga punding ilaw, noong una ay pinapalitan pa naman ito pero agad ding napupundi kaya naman nagsawa na siguro ang landlady sa kapapalit.
     
      Sa ikatlong palapag ang tinutuluyan niya. Noong unang lipat niya rito matapos ibenta ng ina ang maliit nilang lupa para makatulong sa kapatid ay hindi niya mapigilan ang takot. Bukod sa madilim ay wala siyang kapitbahay sa palapag na ito. Walang naglakas-loob na mangupahan dito kahit na mas mura kaysa sa una at pangalawang palapag dahil sa kadiliman at nakakatakot na atmosphere.
     
      Ilang beses na niyang niyaya ang kaibigan na si Wina para lumipat sa tabi ng apartment niya pero tumanggi ito. Hindi daw ito makakatagal na walang kapitbahay na gwapo. Kailangan daw nito ng inspirasyon araw-araw bago pumasok sa trabaho.
      Hingal na pumasok siya ng apartment. Ngayon lang niya naramdaman ang ngalay dahil sa mga bitbit na paper bag.
     
      Agad na kumuha siya ng malamig na tubig sa ref at saka naupo sa kulay pink niyang sofa. Habang umiinom ng tubig ay binasa niya ang diyaryo na binili niya mga tatlong araw na ang nakalipas.
      Pulis na inalis sa pwesto, ginahasang kababaihan, pagnanakaw ng ilang kabataan na kapos sa buhay at mga kabataan na nahuling nagdodroga.
     
      Napailing siya sa mga nabasa at kinilabutan.
     
      Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Kung may balita man na nakapagbibigay takot sa kaniya iyon ay ang mga kababaihan at kabataan na nari-rape.
     
      Wala nang pinipili ang mga rapist ngayon. Nasa edad man o wala basta ma-i-raos lang nila ang pagnanasa o kabastusan na nasa isip ay nanggagahasa na sila.
     
      Napabuntong hininga siya. Kaya siya ay mas pinipili na lang na mapag-isa sa apartment niya at mag scroll sa facebook kaysa ang lumabas.
      Alas-otso na ng gabi. Lumapit siya sa bintana para isara ito.
     
      Natigilan siya. Mayro'ng lalaki sa baba na nakakulay itim ang lahat ng suot, habang nakaupo ito sa motorsiklo—
     
      Napalunok siya at agad na isinara ang binata. Bakit gano'n? Pakiramdam niya ay nakatingin ito sa kanya kahit na nakasuot ito ng helmet at nakatingala?
     
      'My god, Samantha! Pinapakaba mo lang ang sarili mo!'
     
      Gusto niyang isipin na sa katabing bintana ng apartment niya ito nakatingin— Pero naalala niya na bakante ang lahat ng unit sa floor na ito!
     
      Inalis niya sa isip ang nakita at naligo.
     
      Sinuklay niya ang maikling buhok na tuwid na tuwid na umabot lamang hanggang balikat at nagpahid ng lip moisturizing sa manipis at mamula-mula niyang labi. Kitang-kita sa maliit niyang mukha ang saya, lalo na sa kanyang bilugan na mga mata.
      Hanggang sa pagtulog ay dala niya ang saya.
     
      Baka magpakasal sila ni Jc next year!
     
     
      ****
     
      Hindi na naman niya namalayan ang oras, uwian na naman. Habang inaayos ang mga dadalhin pauwi ay tinext na niya muna ang kaibigang si Wina.
     
      'Tara na, Wina'
     
      Hindi nagtagal ay naririnig na niya ang yabag nito papalapit.
     
      "Girl, taralets na! Matagal tagal mo na rin akong hindi dini-date, hmm!" Halatang nagtatampo ito.
     
      Napailing nalang siya. Madalas niya kasi itong nililibre sa Jollibee. Kahit bilhan lang ito fries, burger at coke float ay masaya na ito.
     
      "Girl, may binili pala ako. Gamitin mo ito ha, para pareho tayo." Iniabot nito sa kaniya ang maliit na paper bag na alam na niya ang laman.
     
      "Dapat pareho tayo ng gamit palagi para mamana mo ang ganda ko." Sabay halakhak nito. Every month ay binibigyan siya nito ng mga beauty products. Mula sa lotion, pabango, moisturizer sa labi at mukha, sabon sa katawan, shampoo at conditioner. Minsan ay hindi niya pa nga nauubos ay pinapadalhan na siya nito.
     
      "Alam mo na ba ang chika? Buntis daw si Angelica tapos wala daw ama, hindi daw pinanagutan. Puro puna sayo ang bruhang 'yon tapos siya pala 'tong may tinatagong landi sa katawan." Habang naglalakad sila ay wala itong tigil sa kakakwento tungkol sa isang kasamahan nilang guro na lagi siyang pinag-iinitan.
     
      "At ito pa, girl. Alam mo ba na kinaiinggitan ka ng lahat dahil halata daw na gusto ka ni papa Warren." Tukoy nito sa anak ng kanilang principal. Nagpapadyak pa ito na parang kilig na kilig kaya naman lahat ay napapalingon sa kanila.
     
      "Sinabi ko na nga na may boyfriend ka na, girl. Para naman ibaling niya sa akin ang nararamdaman niya kaso parang hindi naman niya ako type."
     
     
      Tumatawang itinuro niya ang braso nito. "Pa'no may magkakagusto sayo. Ang takot lang nila sa muscles mo."
     
      "Thank you sa pagpapalakas ng loob ko, ha. Napakabuti mong kaibigan." Sarkastikong sabi nito sabah irap sa kanya.
     
      Marami siyang inorder dahil napakalakas kumain ni Wina. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ganito kalaki ang katawan nito. 5'9 ang taas nito, bukod sa matangkad ay malaki pa ang katawan.
     
      "Alam mo na ba ang tsismis tungkol sa sikat na sindikato na nandito sa pilipinas?" Ngumunguyang tanong nito.
     
      Umiling siya bago kumagat ng burger. "Hindi. Saka ano na naman 'yan. Pang worldwide talaga ang pagiging tsismoso mo, no."
     
      Nabilaukan ito sa sinabi niya. "Tsismoso agad? Di ba pwede na taga-kwento lang."
     
      "Ano ba 'yon?" Tanong nalang niya.
     
      "Mayroon daw mga sindikato na nahuli kamakailan lang. Buti nga nahuli ang ibang miyembro nila. Kawawa naman kase ang mga babae na biktima nila."
     
      Natigilan siya sa narinig. Talamak na talaga ang masasamang tao sa panahon ngayon. Tulad nga ng nababasa sa diyaryo, iba't ibang mga krimen araw-araw ang nagaganap hindi lang sa Pilipinas kundi saanman sulok ng mundo.
     
      "Simula ngayon ay ihahatid na kita. Sabi mo nga 'diba nakakatakot ang muscles ko. Kaya simula ngayon ihahatid na kita, para naman mapanatag na rin si tita."
     
      "Salamat, Wina. Isabit mo sila sa muscle mo pagnagtangka sila." Tumatawang biro niya.
      Ipinakita nito ang malaking muscles sa mga braso at tumayo pa. "Isasabit ko talaga sila dito."

HIS INTENTION [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon