5.

166 4 0
                                    

(Samantha)

PAGKATAPOS ayusin ang mga gamit ay naglakad na siya para mag-abang ng tricycle.
"Bye, ma'am. Ingat po." Nakangiti at magalang na sabi ng guard sa kanya. Ngumiti siya rito at tumango. Bukod sa mabait ang mga tao sa lugar ay sanay na siya na binabati ng lahat.
Habang nag-aabang ay panay ang sulyap niya sa cellphone niya. Hindi pa siya nakakatanggap ng messages o tawag sa nobyo. Malungkot na binulsa niya ang cellphone. Alam niya na busy talaga ang nobyo pero hindi niya maiwasan na makaramdam minsan ng lungkot dahil namimiss niya ito.
Hindi niya pinansin ang kulay pulang kotse na huminto sa harapan niya. Itinuon niya ang mga mata sa paahan niya.
"Malungkot ka yata ngayon, Sam."
Nanlaki ang mata niya ng mag-angat siya ng tingin ay ang binata na kinaiinisan niya ang nakita. Nakatayo ito sa harapan niya na para bang isang hari.
Hindi niya ito sinagot. Iniwas niya ang tingin at nagkunwari siya na walang naririnig. Rinig niya ang tunog ng bawat paghakbang nito kaya naman napaatras siya dahil sa pakiramdam niya ay palapit ito.
Nang tumingin siya rito ay tama nga ang hinala niya. Palapit na ito sa kaniya. Tatakbo sana siya pero mabilis nitong nahawakan ang magkabilang braso niya.
Gusto niya sabihin na bitiwan siya pero hindi siya makapagsalita. Lahat ng gusto niyang sabihin ay naipon lang sa utak niya at ang labi niya ay tila napipì na.
Nagsimula kumabog ang dibdib niya ng yumuko ito at bumulong sa kaniya.
"Sasakay o bubuhatin kita." Nanuot ang baritonong boses nito sa sistema niya at tila nanlamig ang buo niyang katawan dahil sa hininga nito na tumatama sa tainga niya.
Hindi niya gusto ang sinabi nito. May pagbabanta. Ano nalang ang sasabihin ng mga kapwa niya guro pagnakita na may lalaking bumuhat sa kanya. Dahil sa takot na may makakita sa kanila ay tila bata na tumango siya at hindi na nakipagtalo pa. Inalalayan pa siya nito dahil hindi siya makahakbang ng maayos dahil nanghihina ang mga tuhod niya.
Nang makasakay sila sa kotse nito ay hindi agad nito pinaandar 'yon. Kahit hindi siya nakatingin dito ay alam niya na nakatitig si Zandro sa kanya.
Inilapit nito ang mukha sa leeg niya "Relax, Sam." Ikinabit nito ang seatbelt niya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit tinatrato siya si Zandro ng ganito.
Nanatiling nakaupo lang siya ng tuwid. Hinihiling niya na sana pagdilat niya nasa bahay na siya.
Nakahinga siya ng maluwag ng makita na nasa harap na sila ng compound na tinutuluyan. Sobra ang pasasalamat niya ng pihitin niya ang pinto ng kotse at bumukas 'yon. Hindi na siya lumingon pa sa binata at nagmamadali na lumabas ng sasakyan nito.
Pagdating sa harap ng apartment niya ay nanginginig pa ang mga kamay niya habang kinakapa ang susi sa bulsa ng uniform na suot. Nang makita ang susi ay panay ang lingon niya dahil sa takot na baka sundan siya nito.
Nababaliw na ang Zandro na 'yon!
Nang makapasok ay nagkulong na siya sa kwarto. Hindi na nga niya sinilip kung nasa baba pa ito dahil sa takot na baka makasalubong niya ito ng tingin.
Bakit ba ayaw siya tigilan ng lalaking 'to? Ano ba ang problema nito? Bakit palagi nalang itong sumusulpot sa harapan niya? Bakit hindi siya nito tantanan.
Naihilamos niya ang kamay sa mukha.
Tumingin siya sa cellphone ng tumunog iyon.
'I love you, Love'
Hindi niya magawang kiligin sa sweet message ni Jc at pati ang messages ng mama niya ay hindi niya nagawang replayan. Hawak lang niya ang cellphone sa kamay na hanggang ngayon ay nanginginig parin.
Nang teenager palang siya ay palagi na niyang pinagdarasal na sana ay hindi na muli pa na maka-encounter ng ganitong klase ng lalaki.
Niyakap niya ang sarili. Kailangan na kausapin niya ito na layuan siya, dahil hindi siya komportable pagnasa paligid ito, at hindi rin maganda na umaaligid 'to sa kanya lalo pa't nobyo niya ang kaibigan nito.
MATAPOS ISAMPAY ANG LAHAT ng nilabhan ay nilinis niya ang bawat sulok ng tinitirhan. Sabado at walang pasok kaya napagpasyahan niya na gugulin ang oras sa paglilinis. Hindi rin naman sila magkikita ni Jc dahil marami itong kailangan tapusin. Busy rin si Wina sa pagtutor para kumita ng extrang income, kaya hindi siya nito masasamahan na gumala.
Napangiti siya ng makita na nalinis na niya lahat. Isa ito sa hobby niya pagwalang pasok, ang maglinis ng buong bahay.
Basang basa na siya ng pawis. Bumakat na ang suot niyang kulay pula na bra sa manipis na sandong puti na suot niya. Pinagpag niya ang napakaikling itim na short na suot ng makita na nakapitan 'yon ng alikabok.
Kinuha niya ang cellphone ng marinig na tumunog 'yon.
'Girl, pupunta ako riyan. Bumili ako ng pizza'
Text ni Wina sa kaniya. Napangiti siya, tamang tama dahil gutom narin siya. Hindi pa siya nananghalian, dahil nawili siya sa paglilinis kaya hindi niya napansin na tanghali na pala.
Napangiti siya ng marinig ang katok ng kaibigan. Mabilis na tinapos niya ang paghuhugas ng kamay at pinagbuksan ito ng pinto pero gano'n nalang ang panlalaki ng mata niya ng hindi si Wina ang napagbuksan niya kundi si Zandro!
Mabilis na pinagsarhan niya ito ng pinto pero mabilis ang binata dahil naiharang agad nito ang kamay.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Seryoso ang mukha na tanong nito.
"Anong ginagawa mo rito?" Inis niyang tanong.
"Binibisita ka lang. Bakit, bawal ba?" Ang kulay asul na mata nito bumaba sa bandang dibdib niya.
Matapang na nakatingala siya ngayon para salubungin ang mga mata nito. Kinilabutan siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Hinarang niya ang isang kamay sa tapat dibdib.
"Oo, bawal. Kilala lang kita, pero hindi kita kaibigan at ayaw din kitang makita dahil... d-dahil magagalit ang boyfriend ko. Kaibigan mo siya kaya dapat alam mo na hindi ka dapat lapit ng lapit sa akin. Saka hindi magandang tingnan na bumibisita ka sa babae na alam mo na may nobyo na." Gusto niya palakpakan ang sarili dahil nasabi na niya ang gusto niyang sabihin kay Zandro.
"Hindi rin naman kita gusto na maging kaibigan." Humakbang ito pa-abante kaya napaatras siya dahilan para makapasok ito sa loob ng apartment niya.
Galit na binalingan niya ito ng malakas na isara nito ang pinto gamit ang paa.
"G-good. Pareho pala tayo kung gano'n." Utal niyang sabi. Nagsimula na siyang magpanic ng mapasandal siya sa pader. "M-makakaalis ka na."
Mahina itong natawa.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Kanina pa siya nagtitimpi rito.
"Wag kang mag-alala hindi naman malalaman ng boyfriend mo na..." Mas lumapit pa ito sa kaniya at yumuko. "Pinupuntahan kita."
Tuluyan nang naputol ang pagtitimpi niya ng marinig ang sinabi nito.
Sinampal niya ito. "Ganyan ka ba talagang klase ng tao? Kaibigan ka ni Jc tapos ganito ang ginagawa mo. Ang kapal ng mukha mo! Umalis ka sa pamamahay ko, Zandro. Wag ka na magpakita sa akin, please lang!"
Ngayon nalang uli siya yata nagalit ng ganito at dahil iyon sa lalaking nasa harapan.
Ang lalaki na walang alam gawin kundi ang buhayin ang iba't ibang emosyon sa katawan niya.
Humarap sa kanya ang mukha nito at kita niya ang galit sa asul nitong mga mata. Gusto man niyang umatras ay wala na siyang ma-atrasan. Kita niya ang paggalawan ng panga nito.
Napapikit siya ng tumaas ang kamay nito. Wala siyang magawa dahil sa wala na ang tapang niya kanina lang, napalitan iyon ng takot.
Hinintay niyang dumapo ang kamay nito sa mukha niya para sampalin siya pero hindi 'yon nangyari kaya dumilat siya.
Napasinghap siya ng hawakan ng isang kamay nito ang kanyang mukha at yumuko. Ramdam niya ang hininga nito sa tainga niya.
"Hindi kita gusto maging kaibigan, Sam, dahil aasawahin kita." Sabi nito at saka mabilis na hinalikan ang leeg niya at marahan na sinisipsip 'yon.
Nanginginig ang tuhod niya dahil sa ginawa ni Zandro kaya napakapit siya sa tshirt nito. Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. Amoy niya ang hininga nito na naghalong amoy ng mint at sigarilyo.
"Tandaan mo 'yan." Sabi nito at hinawakan ang leeg niya kung saan dumampi ang labi nito kanina. Tumaas ang sulok ng labi nito ng makita ang reaksyon niya bago siya iniwan.
Tuluyan ng umaagos ang luha niya dahil sa takot. Hindi niya akalain na gagawin sa kaniya ito ng bestfriend ng boyfriend niya. Talagang pinuntahan pa siya nito sa apartment niya para lang bastusin. Hindi man lang naisip nito na kaibigan nito ang boyfriend niya.
Ang lakas ng loob nito!
Nang sumapit ang gabi ay halos hindi siya nakatulog ng maayos. Hindi niya talaga akalain na hanggang sa bahay niya ay magagawa siyang sundan at bastusin ni Zandro. Na kahit na alam nito na nobya siya ng kaibigan ay nagawa parin sa kanya ang gano'ng bagay.
Nakakatakot ang taong tulad nito.
Niyakap niya ang sarili at nagsimulang pagpawisan ng malamig ng biglang may nagbalik na alaala sa utak niya, alaala na malabo. Alaala na alam niya na kahit anong pilit niyang kalimutan ay nanatiling nasa tagong parte parin ng pagkatao niya.
Nanginginig na kinuha niya ang cellphone para tawagan si Wina pero hindi niya magawang tawagan 'to, nagmessage kasi ito sa kanya na nagkaro'n ng emergency kaya hindi na nakarating, bukod do'n ay nahihiya siya sa kaibigan niya dahil masyado ng gabi para istorbohin pa 'to.
Hindi niya alam kung titigil ang kaba at takot niya.
Nanginginig ang labi at kinakagat na niya ang mga daliri sa kamay. Ang mga mata niya ay naging malikot at ang katawan ay nagsimula ng hindi mapakali.
Nagsisimula na naman siyang matakot na baka bigla nalang may susulpot sa tabi niya at gawan siya ng hindi maganda.
"K-Kalma, Sam. W-Wag kang matakot... Walang ibang tao rito maliban sa'yo." Kausap niya sa sarili at saka pumikit para pakalmahin ang sarili.
Tumulo ang luha niya.
Bakit ngayon pa nangyayari 'to sa kanya? Kung kailan masaya na siya at maraming pangarap na binuo kasama si Jc.
Bakit bumabalik ang mga tagpong 'yon sa utak niya? Kinalimutan na niya ang bagay na 'yon kaya hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumabalik ang lahat ng masakit at nakakatakot na nangyari sa kanya no'n dahil kay Zandro.
Kasalanan talaga 'to lahat ng bastos na lalaking 'yon...

HIS INTENTION [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon