12.

137 5 1
                                    

[Samantha]

Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Zandro sa kanya. Bakit kung magsalita ito ay parang may ibig itong sabihin? Bumuntong hininga na lamang siya. Bakit ba iniisip pa niya ang tungkol sa lalaking 'yon. Ang dapat niyang isipin ngayon ay kung paano siya makakahanap ng ebidensya laban dito.

Sumulyap siya sa pagkain na nasa mesa. Masyado itong marami para sa kanya. Kung hindi niya sisimulan ang plano niya ngayon ay kailan pa?

Nagdesisyon na siya. Hindi pwedeng umatras pa siya ngayon sa gagawin niya. Muli siyang bumuga ng hangin sa tapat ng apartment ni Zandro bago kumatok.

Kunot ang noo nito ng mapagbuksan siya ng pinto. Halatang hindi nito inaasahan na kakatok siya, pero pagkaraan ng ilang sandali ay gumuhit din ang ngiti nito sa labi. "Sam, may kailangan ka?"

Iniwas niya ang tingin rito. Hindi man lang ito nag abala na magsuot ng damit bago magbukas ng pinto. Mukhang katatapos lang nito maligo dahil basa pa ang buhok nito habang tumutulo pa ang tubig dito, wala rin itong damit na pang itaas kundi tanging tuwalya lang ang nakatapis sa kalahati ng katawan nito.

"Pwede ba na magsuot ka ng damit bago ka magbukas ng pinto?" Nakairap niyang turan.

Mahinang tumawa si Zandro habang nakatingin sa kanya at nakasandal sa pinto habang ang braso ay naka-krus sa dibdib kaya nakikita niya ang paggagalawan ng mga muscle sa matipuno nitong braso na tadtad ng tattoo.

Kinagat niya ang loob ng bibig para pigilan pa ang sarili na huwag ng pasadahan ng tingin ang katawan nito. Baka mamaya ay kung ano pa ang isipin nito sa pagtingin-tingin niya rito.

"Done checking me out?" May simpatikong ngiti sa labing tanong nito. "Pasado na ba sa'yo ang kagwapuhan ko?" Mayabang pa na dugtong nito na ikinalukot ng kanyang mukha.

"Gwapo? Ikaw? Saan banda?" Aniya na nilakapan ng inis ang boses. Kahit kailan talaga ay hindi mawawala ang kahambugan ng isang 'to. Napailing-iling na lang siya.

Pinilig niya ang ulo. Nakalimutan niya na narito nga pala siya dahil may kailangan siyang gawin. "A-Ahmm, ang dami mong binigay na pagkain sa akin. P-Pwede ba na... na paghatian natin 'yon?"

Kung hindi lang talaga sa plano niya ay hinding-hindi niya aalukin ang isang ito na sabayan siya sa pagkain. Pero para kina Wina at Jc ay kailangan niya itong gawin.

Halatang nagulat na naman ito. Bahagya pang napaawang ang labi nito sa kanyang sinabi. Iwinasiwas niya ang kamay sa harapan nito. "Ayaw mo?" Aniya na nilakapan ng lungkot ang boses.

"N-No, I mean, of course gusto ko!" Saglit na tumalikod ito sa kanya. Napansin niya ang pamumula ng likuran ng tenga nito.

Naiinitan ba ito?

Iniwas niya ang tingin ng mapatingin siya sa malapad nitong likod. Grabe, ang lapad talaga ng katawan nito. Humarap ito sa kanya, bakas ang pagpipigil ng ngiti sa labi nito. "Hmm, do you like to come inside?"

Natigilan siya sa tanong nito. Biglang lumitaw sa isip niya ang imahe ng halikan siya nito at ang pagsipsip nito sa leeg niya. Napapalunok na napahawak siya bigla sa kanyang leeg at labi.

Tumaas ang sulok ng labi ni Zandro ng mapansin ang ginawa niya. "Don't worry, Sam, wala akong gagawin sa'yo... sa ngayon."

Pinamulahan siya ng mukha. "Sasabayan mo ba akong kumain o hindi? Eh di kung ayaw mo 'di wag!"

Akmang tatalikod na siya ng pigilan siya nito sa braso. Mabilis na hinila niya ang braso pabalik ng makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa hawak nito. Hindi niya maipaliwang...

"Susunod ako sa unit mo, magbibihis lang ako."

"Pwede ba na dito tayo kumain sa unit mo? K-Kasi nalulungkot ako kumain mag-isa. Saka naaalala ko kasi si Wina..." Pagdadahilan niya.

Saan ba makakahanap ng ebidensya kundi sa unit nito. Kahit ayaw niya na makasama ito sa iisang lugar ay kailangan niyang magtiis para sa balak niya. Kung kinakailangan niyang gamitin ang pagkagusto nito sa kanya ay gagawin niya. Ito lang kasi ang paraan para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kaibigan niya, at baka magkaro'n din siya ng clue kung nasaan ang nobyo niya.

Iminuwestra ni Zandro ang kamay para papasukin siya. "Stay here and seat." Anito bago siya iniwan para magbihis.

Black and white ang motif ng kwarto ni Zandro, maging ang mga kagamitan nito ay gano'n din ang mga kulay. Malinis at maaliwalas ang paligid dahil hindi naman gano'n karami ang gamit nito. Nang mawala ito sa paningin niya ay dahan-dahan siyang tumayo para suriin ang paligid. Baka mamaya ay makahanap siya ng ebidensya laban dito. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto tanda na ito ay palabas na ay nagmamadali siyang umupo.

Sinamahan siya nito na kunin ang mga pagkain sa apartment niya, ito na nga halos ang nagdala ng lahat. Ito na rin ang naghain ng pagkain sa mesa. Kanina pa niya napapansin na hindi nawawala ang ngiti sa labi nito. Halatang tuwang-tuwa ito na makasabay siya sa pagkain.

Gano'n ba siya nito kagusto?

HIS INTENTION [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon