[Samantha]
Para makahanap ng ebidensya laban rito ay inalagaan niya ito kahit labag sa loob niya. Napailing-iling siya habang nakatingin rito. Pigil rin niya ang pagtawa niya. Paano ay naka-wheelchair pa ito habang nababalot ang buong katawan. Kung titingnan ay mukha talaga itong pinagtripan ng kaibigan.
Hindi na siya nakatiis at inalis ang nakabalot sa katawan nito habang tumatawa na. "Hahahaha, parang suman hahaha." Pawis na pawis na si Zandro.
Pero bakit ganon... ang bango pa rin nito?
Ipinilig niya ang ulo at iniwas rito ang tingin. Kung ano-ano na naman ang iniisip niya. Kinagabihan ay siya ang nagluto para sa dinner nila. Sa apartment niya siya nagluto dahil ayaw niyang magluto sa apartment ni Zandro. Nakakailang gumalaw ng mayro'ng nakatingin. Simula ng alisin niya ang benda sa buo nitong katawan ay hindi na yata naalis ang tingin nito sa kanya. Pagkatapos magluto ay dinala niya ito sa apartment ng binata.
Pagkatapos maghain ay nagsimula na siyang kumain. Natigil siya sa pagsubo ng mapansin na hindi ito gumagalaw. "Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko?"
Umiling si Zandro. "It's not like that. I want you to fed me, Sam."
Nalukot ang mukha niya. "Sa tanda mong 'yan?!" Ngali-ngaling ipukpok niya ang hawak na kutsara sa ulo nito. Nakita niya kanina na gumalaw ang kamay nito kaya imposible na hindi nito kayang kumain.
"Sam, you better used to it. Magiging asawa mo ako balang araw kaya mabuti na ngayon pa lang ay masanay ka nang alagaan ako." Bumuga ito ng hangin at humawak sa sintido. "Dahil sa'yo kaya masama ang lagay ko ngayon. Have you lost your conscience?"
'Oo na, sige na!" Napipikang wika niya. Habang sinusubuan ito ay todong ngiti ang gag0. Parang gusto niyang ipasak ang kutsara ng buo sa bibig nito. Hindi nga niya nagawa ang ganito kay Jc, tapos ang siraulong ito ay umaakto ngayon na parang bata.
'Relax, Samatha. Kailangan mong habaan ang pasensya mo para makuha ang ebidensya na kailangan mo'
"Smile, Sam. Paano ako mabubusog kung hindi maipinta ang mukha mo."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Paano ko magagawang ngumiti, eh halos dawalang oras na kitang sinusubuan?!" Hindi mapigilan na reklamo niya. Inaabot ng halos trenta minuto bago nito ilunok ang laman ng bibig. My god! Nakakayamot na ang lalaking 'to!
Tinawanan lamang siya ni Zandro kaya mas lalo lang siyang nainis. Kung hindi lang talaga sa ebidensya na kailangan niya ay hinding-hindi siya magtatagal na kasama ito. Inabot pa ng isang oras bago ito natapos. Habang naghuhugas ng kanilang pinagkainan ay siya namang likot ng kanyang mata sa paligid. Napahiyaw siya sa gulat ng pagpihit niya ay nasa harapan na niya si Zandro.
Nakatayo ang loko!
"Niloloko mo ba ako? Ang sabi mo sa akin ay hindi mo maigalaw ang katawan mo?!" Sa nakikita niya ngayon ay mukhang mas malakas pa ito sa kalabaw. Imbis na sagutin siya ay tumingin ito ng seryoso sa mga mata niya. "A-Ano ba ang tinitingin-tingin mo riyan?" Nakaramdam siya ng pagkailang, hindi lamang sa tingin nito, kundi dahil napakalapit ng katawan nito sa kanya.
"Sam, I'm feeling hot. Let's take a bath together--- Ughhh!" Daing nito ng sipain niya ang pagitan ng hita nito.
"I-Ikaw kasi! K-Kasalanan mo 'yan!" Aniya bago kumaripas ng takbo palayo sa binata. Pagdating sa apartment niya ay hindi siya mapakali. Paano kung gumanti si Zandro sa ginawa niya? Napalakas pa naman ang pagsipa niya rito.
Ni-lock niya ang pintuan ng apartment niya. Mas mabuti ng mag ingat. Hindi niya alam kung ano ang sunod na plano ni Zandro. Kaya bago pa nito magawa ang balak ay makahanap na siya ng ebidensya laban rito. Nang maghubad siya ng suot para maligo ay saka lamang niya napansin na nasa bulsa pala ng suot niyang pants ang duplicate keys sa apartment nito.
Napangiti siya.
"Mukhang makakakuha na rin ako ng ebidensya dahil dito."
KINABUKASAN ay hinintay niyang umalis si Zandro ng apartment nito. Nang matiyak niya na umalis na ito ay saka siya nagmamadaling pumasok sa apartment nito. Sa kwarto nito siya unang pumasok. Wala man lang gamit rito, maliban sa kama at isang kabinet. Nang bubuksan na niya ang kabinet ay nakarinig siya ng yabag.
Bumalik si Zandro!
Nagmamadali siyang sumuot sa ilalim ng kama. Gano'n na lamang ang panlalaki ng mata niya ng makita ang iba't ibang klase ng baril sa ilalim ng kama nito. Biglang nanginig ang katawan niya sa takot. Ibig sabihin ay tama ang hinala niya-- na hindi basta-basta na tao lamang ang binata.
"Alright, dad. Don't worry, I'm going to kill that bastard after I get the master list." Umupo si Zandro sa gilid ng kama kaya lumundo ito. "Sa tingin mo ay papayag ako na makawala pa siya sa akin?" Mahinang natawa ang binata. "Once I'm done in this mission ay makikilala mo rin siya, dad."
Habang nakikipag usap si Zandro sa tiyak niyang ama nito ay hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha niya. Mukhang alam ng ama nito ang ginagawa ng anak. Pero bakit tila ayos lang rito iyon? Pamilya ba sila ng masamang tao?
'Huwag kang mag alala, Wina. Mapapakulong ko na rin ang taong pumatay sa'yo.' Isip-isip niya. Malalaman na rin niya kung ano ang ginawa nito kay Jc. Matapos ang pakikipag usap ni Zandro ay hindi agad ito umalis. Nakita niyang tumayo ito. Lumapit siya sa gilid para makita kung ano ang gagawin nito. Gano'n na lang ang pagsisisi niya--- dapat ay nanatili na lang siyang malayo. Ngayon tuloy ang kitang-kita niya ang pang-upo nito.
Mukhang maliligo pa lang ito!
Pumukit siya at umusod paatras ng humarap ito sa gawi niya. Mabuti na lang at agad siyang napapikit, kundi ay nakita na niya ang hindi dapat makita rito. Naririnig niya ang mahina nitong pagtawa na para bang natutuwa.
Nababaliw na yata ito. Tumatawa mag isa.
Nang pumasok ito ng banyo ay nagmamadali siyang umalis sa ilalim ng kama. Binalak niyang kunin ang lahat ng de-kalidad na baril sa ilalim ng kama pero hindi niya kaya. Mabigat pala ang mga ito. Dalawa lang ang nakuha niya-- iyong pinakamaikli. Mahahaba kasi at talagang mabigat ang iba kaya iniwan na lang niya. Paglabas ng apartment ni Zandro ay agad na pumasok siya ng apartment niya para kumuha ng bag na paglalagyan niya ng mga baril. Hindi naman niya ito pwedeng dalhin sa presinto ng nakalantad dahil baka hulihin pa siya o katakutan ng mga tao na madaranan niya. Nang makakuha ng bag ay nilagay niya rito ang armas. Kinuha lang niya ang wallet niya at saka umalis na.
Pagdating sa Police Station ay agad niyang ipinakita sa mga pulis ang dala niya. "Ano?! Paano na hindi naging sapat na ebidensya ito? He own this things, sir! Actually, he owns a lot of this! Kung gusto ninyo ay maaari niyong i-check ang apartment niya para mapatunayan na nagsasabi ako ng totoo!" Kulang na lang ang maghisterikal siya sa harap ng mga ito.
"Ma'am, labag sa batas ang ginawa mo. Alam mo ba na maaari kang kasuhan sa pagpasok ng walang pahintulot at pagkuha ng bagay na pag aari ng iba?" Kinuha nito ang baril na dala niya at ibinalik sa bag at saka ito itinabi. "Huwag sana kayong gagawa ng aksyon na hindi pinag iisipan."
Malakas na hinampas niya ang kamao sa desk nito. "Bakit parang ako pa ang may kasalanan? Ginawa ko ito dahil ang bagal ninyong gumawa ng aksyon ukol dito. Namatay na lang ang kaibigan ko at nawala ang nobyo ko pero hanggang ngayon ay wala pa ring nagbibigay sa akin ng malinaw na dahilan. Bakit ba ayaw ninyo akong paniwalaan?!" Hindi niya mapigilan ang maluha ng maalala ang dalawang imprtanteng tao sa buhay niya. "K-Kami ang biktima rito! Ibigay niyo naman ang hustisyang kailangan namin!"
Nataranta ang pulis ng makitang umiiyak siya. "Naku, Miss Samantha, huwag kang iiyak dito. Baka makita ni sir at isipin na piinaiyak kita!" Nanginginig na inabutan siya nito ng tissue. "S-Sige na, Miss Samantha, kami na ang bahala kay sir-- este, diyan sa lalaking 'yan. Huhulihin agad namin siya."
Lumiwanag ang mukha niya sa narinig. Agad na pinahid niya ang luhaang mukha. "Talaga, sir? Naku maraming salamat po!" Sa sobrang tuwa ay hinawakan niya ang kamay ng pulis na sa tingin niya ay nasa trenta mahigit pa lang ang edad.
Tumunog ang telepono sa harap nito na agad nitong sinagot. Nawalan ng kulay ang mukha nito at dali-daling piniksi ang kamay niya at bahagya pang lumayo sa kanya.
"S-Sir, m-mali ang iniisip mo!" Kandautal nitong wika na tila takot na takot sa kausap nito sa telepono.
Sobrang saya niya. Sa wakas, nagbunga din ang ginawa niya. Humanda ka, Zandro. Oras na para magbayad ka sa kasalanang ginawa mo.****
[Zandro]
Ngingisi-ngisi si Zandro habang nagsusuot ng damit. Alam niya na kanina lamang ay nasa loob ng kwarto nito si Sam. Bata pa lamang ito ay malakas na ang pakiramdam nang. He was trained well to be like his father. Hindi lamang ang utak ang kailangan niyang paganahin, kailangan ang katawan niya rin.
Sakay ng bagong kotse ay sinundan nito si Samatha. Tama ang hinala ng binata--- sa Police station ito pupunta.
Dumilim ang mukha niya ng makita ang paghawak ni Samantha sa isa pulis na naroon. Halatang nag eenjoy pa ang loko. Namutla ang naturang pulis ng tawagan niya ito.
"Let go of her hand, fvker, kung ayaw mong mawalan ka ng kamay." Nangangalit ang ngipin na banta niya.
Muli siyang sumakay ng kotse niya para sundan ang dalaga. Natigilan siya ng mapansin ang isang motorsiko na nakasunod sa sinasakyan ni Sam.
"Damn!" Malakas niyang mura ng maglabas ito ng baril at mag overtake sa sinasakyan ng dalaga. Agad na nilabas niya ang silencer niyang dala saka binuksan ang binata at binaril ang gulong ng motorsiklo dahilan para mawalan ito ng balanse at matumba.
Agad na nagkiusyo ang mga tao sa paligid, samantalang hihinto na sana ang sinasakyan na tricycle ng dalaga. Nang ipakita niya ang baril at sinenyasan itong huwag huminto ay agad naman itong sumunod sa takot. Nang maibaba ng tricycle si Sam ay agad niyang nilapitan ang driver nito.
"S-Sir, ma-maawa ka---" Natigil ang matanda ng ipakita niya ang kanyang ID. Nakahinga ito ng maluwag ng malaman na pulis siya. Matapos magpasalamat ni Zandro rito ay agad na tumawag siya sa headquarter para ipaalam ang nakita niya.
"Sir, isa 'yan sa gusto kong sabihin sa'yo. Napansin na namin na may taong sumusunod kay Miss Samantha. Mula ng matagpuan ang kaibigan niya ay madalas namin silang makita---"
"Kung gano'n ay bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na ito?" Galit niyang tanong. Halos madurog sa pagkakahawak niya ang kanyang cellphone.
"P-Pasensya na, Sir. Gusto lamang namin na tiyakin na siya ang sinusundan ng mga lalaking iyan--"
"Damn it! Basta tungkol kay Sam dapat ay lahat ay alam ko! Malilintikan kayo sa akin kapag naulit ito!" Aniya bago pinatay ang tawag.
Kailangan niyang kumilos at ilayo si Sam sa lugar na ito. Malakas ang kutob niya na hindi ligtas ang dalaga sa kamay ng lalaking iyon.
"Hay0p ka talaga, Jc... hindi ako papayag na makuha mo si Sam. Magkakamatayan muna tayong dalawa bago mangyari iyon." Bago bumaba ng kanyang kotse ay isinukbit niya ang dalawang handgun sa magkabilang bewang, ang isa ay silencer, ang isa naman ay glock 19.
Hinintay muna ng binata na maka-akyat ang dalaga sa ikatlong palapag bago sumunod rito. Tiyak na maghi-histerikal ito sa oras na makita siya. Bago umakyat sa ikatlong palapag ay tumawag siya ng back up habang sinuri niya ang buong gusali.
"Ahhh!" Dain6 ng lalaki ng bigla niya itong sikmuraan ng malakas. Hindi pa ito nakakabawi ng suntukin niya malakas na sikuin niya ang batok nito dahilan para mawalan ito ng malay. Kung titingnan ay tila isa lamang itong janitor---
Pero hindi siya nito maloloko.
He knew all the workers, tenants, and staff in this building. Mula sa mukha, edad, kasarian ay alam niya lahat. Kaya hindi makakaligtas sa paningin ng binata ang mapagpanggap.
Mabilis na umatras siya ng may dumating pa na isang lalaki. Katulad ng isa ay tila janitor ito sa ayos nito. Bago pa nito maiputok ang hawak na baril ay mabilis na kumilos ang paa niya at sinipa ang kamay nito kaya nabitawan nito ang hawak na armas.
Pagdating ng mga kapwa niya pulis ay agad na dinampot ng mga ito ang walang malay na limang lalaki--- yes, lima.
"Sir, sa tingin ko ay hindi talaga nagbibiro ang lalaking iyon."
Kumuyom ang kamao niya sa sinabi ng isa sa pulis na nag interogate kay Jc.
'Sa akin lang si Samantha, Zandro. Narito man ako sa kulungan ngayon, titiyakin ko na makukuha ko pa rin siya mula sa'yo, o kahit na kanino!' Bitaw na salita ni Jc.
Tama, nasa kulungan na ito. Patong-patong ang kasong kinahaharap nito. Pero hindi pa rin nababawasan ang kapangyarihan nito. Tsk! Ano ang aasahan niya sa katulad nitong lider ng sindikato.