[Samantha]
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga pulis. "Ano ho ang ibig ninyong sabihin?"
Tumikhim ang pulis at bumaling sa kanya. "Ma'am, ang ibig niyang sabihin ay huwag na kayo mag-alala dahil kami na ang bahala sa kaso ninyo. Aalamin namin kung sino ang may gawa nito sa 'yo." Sumenyas ang pulis sa kasama para dalhin ang mga ebidensya.
May mga itinanong pa ang mga ito bago tuluyan umalis sa apartment niya. Lahat ng pwedeng ibintang kay Zandro ay ginawa na niya. Sinabi din niya na hinaharass siya nito. Umupo siya sa sofa at binuksan ang telebisyon. Gano'n na lamang ang panlulumo niya ng mapanood ang balita tungkol sa nangyaring barilan kung saan nagpropose si Jc sa kanya. Tatlong araw na pero laman pa rin ng telebisyon ang nangyari. Mayro'ng walong katao ang namatàý, at sampong sugatan. Mabuti na lang at ligtas silang dalawa ni Jc ng mangyari ang sagupaan laban sa pulisya at lider daw ng sindikato.
Humiga siya at humawak sa labi. Mukhang naligtas pa siya ng 'halik' ni Zandro— iniling-iling niya ang kanyang ulo. Hindi na dapat niyang alalahanin ang nangyari sa kanila dahil nakakainit lamang ng ulo.
Malalakas na katok sa pinto niya ang nakapagpatayo sa kanya.
"Girl, ano ang sabi ng mga pulis?" Agad na tanong ni Wina. Nagtext siya rito tungkol sa ginawa niyang pagri-report sa natanggap niyang death threats.
"Wait." Tinaas nito ang kamay. "Sino naman itong Zandro na itetch?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
Kinuwento niya lahat kay Wina ang tungkol kay Zandro. Kung paano sila nagkakilala, at kung ano ang ginawa nito sa kanya. Isang malakas na tapik sa balikat ang natamo niya rito, muntik pa siyang malaglag sa sofa dahil sa lakas no'n, sa laki ba naman kasi ng katawan nito.
"Girl, ha! Naglilihim ka na sa akin, hmp." Nakangusong turan nito. "Gwapo ba siya, Girl? Kasing hot ba siya ni papa Miguel? Yummy ba— ouch naman!" Reklamo nito ng batukan niya ito. Kahit sa ganitong sitwasyon ay umiiral pa rin talaga ang pagkahilig nito sa mga lalaki.
"Nagtatanong lang naman ako dahil concern ako sa 'yo." Nakalabing wika ni Wina.
Umirap siya rito. "Anong kinalaman ng tanong mo sa pagiging concern. Ang sabihin mo ay tsismosa ka lang." Aniya rito.
Ngumuso lamang ito at nag-flipped hair pa. "Ano ang plano mo sa oras na malaman mong tama ang hinala mo? Paano naman kung hindi pala siya?"
Bumuga siya ng hangin at tumingin sa kaibigan. "Sa oras na malaman kong siya nga ang nagpadala ng mga death threats sa akin ay ipakukulong ko siya. Saka malabo ang sinasabi mong hindi siya ang may gawa nito, Wina. Sigurado ako na siya talaga ang taong nagbabanta sa akin."
PAANO KUNG tama ang sinabi ni Wina sa kanya kanina. Paano kung hindi nga si Zandro ang nagpadala ng mga death threats sa kanya?
"Imposible. Sigurado talaga ako na siya 'yon." Ani niya habang nilalagay sa garbage bag ang mga basura. Matapos ipunin ang mga basura ay lumabas siya ng kanyang apartment. Natigilan siya ng mapansin na bukas ang ilaw sa katapat lamang ng apartment niya.
May nakatira na pala sa tapat ng apartment niya. Hindi niya ito napansin nitong nakaraang araw. Ibig sabihin ay kalilipat lamang ng kapitbahay niya. Umawang ang labi niya ng makita na pati sa katabing unit niya ay may ilaw din. May dalawa na pala siyang kapitbahay. Mabuti naman at hindi na siya nag iisa ngayon sa palapag na ito.
Sakay ng elevator ay dala niya ang tatlong garbage bag. Magaan lang naman ang mga ito kaya hindi siya nahirapan na bitbitin ang mga ito. Akmang papasok na siya ng gusali ng makita niya si Zandro na palapit sa kinatatayuan niya.
Nakaramdam siya ng kaba dahil madilim ang mukha nito ngayon habang nakatingin sa kanya. Mukhang nalaman na nito ang ginawa niyang pagrereklamo sa pulisya kaya galit ito ngayon sa kanya.
Nagmamadali siyang tumakbo papasok ng compound at sumakay ng elevator habang kinakapa ang cellphone sa bulsa. Kailangan niyang matawagan ang mga pulis bago pa siya nito masaktan.
Nanlaki ang mata niya ng may malaking kamay na pumigil na sumara ang elevator. Ngising-ngisi si Zandro habang nakatingin ngayon sa kanya.
"Hi, Sam. Nakita mo lang ako nagmamadali ka ng umalis." Pumasok ito at tumabi sa kanya.
Tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang tumakbo palabas pero huli na dahil sumara na ang elevator, bukod pa ro'n ay natatakot siyang gumalaw dahil baka saktan siya nito.
"Relax, Sam. Huminga ka naman dahil baka mamataý ka ngayon dito kasama ako." Tumatawang sambit nito.
Mas lalo lang siyang nahirapan huminga sa sinabi ni Zandro. Pakiramdam niya ay napakaliit ng espasyo ngayon sa pagitan nilang dalawa at nasa isang maliit lamang sila na kahon.
"Hey, Sam!" Iyon ang huli niyang narinig bago siya nawalan ng malay sa sobrang takot rito.