14.

116 5 1
                                    

[Zandro]

Agad na tumayo si Zandro nang makita si Jc na nakaposas kasama ang dalawang pulis na bantay nito. May ngisi ito sa labi na tila ba alam nito kung bakit niya ito pinuntahan ngayon. Kumuyom ang kamao niya sa tindi ng galit niya.

"Long time no see, Zandro my friend--"

Hindi niya pinansin ang mapang asar na bati nito. Agad na inundayan niya ito ng suntok sa sikmura na ikinaungol nito ng malakas. Hindi pa siya nakontento ay maging sa mukha ay pinagsusuntok niya ito. Kung hindi lamang nila ito kailangan ng buhay ay baka matagal na niya itong napatay.

Isa-isang nag alisan ang mga pulis na naroon at hinayaan siya sa ginawang pagbugbog kay Jc. Mas lalo lamang nangalit ang ngipin niya ng magawa pa nitong tawanan siya kasabay ng panaka-nakang pag ung0l nito dahil sa sakit.

"A-Ano ba ang ikinagagalit mo, ha? Dahil ba sa nobya ko?" Nang makita ni Jc ang paggalawan ng kanyang panga ay ngumisi ito na tila inaasar siya. "Sinabi ko naman sayo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakukuha. Nagtitiis lang ako sa mabahong kulungan na ito, Zandro." Pinahid nito ang dugo sa gilid ng labi. "Hindi magtatagal ay makakalabas ako rito. Titiyakin ko na sasama siya sa akin... Sa huli ay ako pa rin ang pipiliin niya dahil ako naman talaga ang mahal niya--- ughh!"

"In your fvcking dreams!" Aniya matapos itong suntukin muli.

"Sa tingin mo ba ay hindi ka niya kasusuklaman sa ginawa mo sa kanya six years ago?" May ngising tanong nito.

Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Ilang beses siyang napalunok ng marahas. Sumagi sa utak niya ang eksena kung saan ay kamumuhian siya ng dalaga ng sobra-- pinilig niya ang ulo. Paano nalaman ng gag0ng ito ang tungkol sa bagay na iyon?

Mas lalong lumaki ang ngisi sa labi ni Jc ng makita ang pagtatanong sa kanyang mata. "Hindi ka mamahalin ni Samantha kahit ano pa ang gawin mo, Zandro. She will always choose me because she loves me."

Sa pagkakataong ito ay si Zandro naman ang ngumisi. Umupo siya para pantayan si Jc mula sa pagkakaluhod sa sahig. "Don't make me laugh, Jc. Sa ating dalawa ay mas kamumuhian ka niya. Muntik mo ng sirain ang buhay niya." Nawala ang ngisi sa labi nito sa tinuran niya. "Sa ating dalawa... mas malaki ang kasalanan mo."

"Put4ng ina mo, Zandro!" Nanginginig sa galit na pinagmumura siya nito. Gusto man nitong saktan siya ay hindi nito magawa dahil sa posas na nasa kamay. "Papatayin kitang traydor ka!"

Malakas siyang humalakhak. Nasisiyahan siyang makita ang labis na takot at galit sa mukha nito ngayon. Tama, malaki ang kasalanan ng hayop na ito. Mas malala pa ito kay Darwin, o Wina.

"Kahit ilang tauhan pa ang utusan mong dukutin si Samantha, hindi ka magtatagumpay because I will protect her. Hindi siya mapapasakamay ng isang hay0p na katulad mo." Binigyan niya ito nakakalokong tingin. "Let see 'kung sino ang pipiliin niya sa oras na malaman niya kung sino ka talaga. Kasi ako, alam kong hindi ka mapapatawad ni Samantha sa oras na malaman niya ang ginawa mo."

Galit na galit si Jc. Gusto nitong kumawala sa pagkakaposas at saktan si Zandro. Tinaas ng binata ang kamay at sinenyasan ang mga kasamahan na kunin na si Jc at muling ibalik sa kulungan na espesyal at para lamang rito.

Nang umalis na ang lahat ng mga kasamahan ay naupo siya at naglabas ng sigarilyo. Tumingin siya kay SPO2 Olga Madril. Ang nag iisang babae sa kanyang mga ka-trabaho. Gano'n na lang ang pagkunot ng noo ni Zandro ng umupo ito sa kanyang hita.

"Gusto mo bang palamigin natin ang dawalang ulo mo ngayong gabi, Police Lietenant General?" Mapang akit nitong tanong sa kanya.

Mahina siyang natawa sa tinuran ng dalaga. Hindi na ito bago sa kanya. Sa katunayan ay hindi lamang ito ang babae na gustong kunin ang atensyon niya. Binuga muna niya ang usok sa mukha nito, imbis magalit ay natuwa pa ang babae sa ginawa niya. Bahagyang iginalaw nito ang balakang para ikiskis ang katawan sa kanya.

"O-Ouch!" Reklamo ng babae ng ilaglag niya ang sigarilyo sa hita nito ng hindi pinapatay ang sindi nito.

"Lalamig ang ulo ko kung aalis ka sa kwartong ito." Agad na tumayo mula sa pagkakaupo sa hita niya ang naturang pulis ng marinig ang malamig at seryoso niyang boses. "Hindi ang katulad mo ang tipo ko, Madril. Hindi ako pumapatol sa babaeng halos nagpapatikim sa lahat ng matataas na Opisyal para lamang umangat sa kinatatayuan."

Namutla ang babae sa kanyang tinuran dahil sa labis na pagkapahiya.

"P-Pasensya na, s-sir." Hingi nito ng paumanhin bago nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Mayamaya ay pumasok si SPO3 Albert Sulinap, may pagtataka sa mukha nito. "Sir, mukhang badtrip si SPO2 Madril, ah. Aba'y binati ko lang, sinigiwan ba naman ako." Iiling-iling na umupo ito sa harap niya. "Binasted mo, boss noh?" May pagkatsismosong tanong nito. Isa ito sa mga kasamahan niya na palaging nagsasabi na mayro'ng gusto sa kanya ang babaeng iyon. Subalit walang naglalakas-loob na tudyuin siya sa babae dahil alam ng mga ito na may fiance na siya-- at si Samantha ang babaeng tinutukoy niya roon.

Yes, alam ng lahat na ikakasal na siya noon pa, subalit walang nakakakilala sa babaeng tinutukoy niya maliban sa kanyang ama. Ngunit ngayon ay alam na ng lahat kung sino ang babaeng tinutukoy niya. Ngingisi-ngising napahawak siya sa labi ng maalala ang babaeng palaging laman ng isip niya.

Wala itong kaalam-alam na tinakda na niya na siya lamang ang lalaking papakasalan nito balang araw. Wala itong magagawa dahil hindi rin naman siya papayag na mapunta ito sa iba.

Pagkatapos ng kanilang pag uusap ni Albert ay agad na tinawagan niya ang kaibigang si Red. Kailangan niya ng karagdagang tao para kanyang plano.

"I found about that man, Red. And you were right... magkapatid nga silang dalawa." Pagbibigay impormasyon nila sa kaibigan. Hindi man kaharap ni Zandro si Red ay alam niya na nanggagalaiti ito ngayon sa galit. "Marami akong inaasikaso ngayon kaya ipapadala ko ang mga impormasyon na kailangan mo through email." Dugtong niya.

"Fvck! Fvck! Fvck!" Paulit-ulit na mura nito.

Malapit nang ikasal si Alaric kaya kailangan niya munang madala sa ligtas na lugar si Sam bago siya dumalo sa kasal nito. Hindi niya ito maaring isama dahil hindi niya alam kung sino-sino ba ang mga kalaban sa paligid niya.

Mas magiging ligtas ang dalaga kung dadalhin niya ito sa paraiso niya.

Tumingala siya na tila nababaliw... 'Paraiso...' Ang sarap isipin na magkakasama silang dalawa ni Sam sa iisang lugar na tanging sila lamang dalawa.

HIS INTENTION [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon