9.

118 4 0
                                    

[Samantha]

Hindi siya makapaniwala na sasabihin ni Zandro iyon sa kanya. Paano nito nagawang magsalita laban kay Jc ng gano'n? Kung magsalita ito ay parang sinasabi nito na marami pa siyang hindi alam tungkol sa lalaking pakakasalan niya. Oo, marami pa nga siyang hindi alam pero alam naman niya na hindi ito gano'n ka-big deal sa kanilang relasyon dahil pwede pa naman nilang lalo pang kilalanin ang isa't isa sa oras na ikasal na sila.

Katulad ng nangyari no'ng nakaraan ay mayro'n na namang nagpadala sa kanya ng kahon, hindi na wedding dress at pictures nila ni Jc ang pinadala ni Zandro kundi isa ng kutsilyo na mayro'ng dugo.

'I love you, Samantha. Pero sa oras na magpakasal ka kay Jc ay papatayin kita'

Naluluhang tumawag siya ng pulis. Pagkarating ng mga ito ay agad niyang sinabi sa mga ito na si Zandro ang gumawa nito. Ito lang naman ang alam niya na gagawa sa kanya nito at sigurado siya sa bagay na 'to.

Nang banggitin niya ang pangalan ni Zandro ay nagsitayo ng tuwid ang mga pulis na kausap niya habang napapalunok. Pinagpapawisan din ang mga ito.

Napunta ang atensyon niya sa cellphone na hawak ng tumunog ito. Agad na sinagot niya ang tawag ni Wina.

"Girl, hindi ako makakapunta d'yan sa'yo ngayon dahil narito ako sa hospital. Pasensya ka na, ha."

"Ayos lang, Wina. Alam ko naman na may sarili ka ring problema. Wag ka ng mag alala dahil may mga pulis ng tumutulong sa akin dito sa bahay." Nakakaunawang saad niya. Pagkaalis ng mga pulis ay naiwan siyang tulala sa apartment niya.

Kailan kaya si Zandro huhulihin ng mga pulis para managot sa ginagawang pananakot sa kanya. Ang hirap ng kanyang sitwasyon ngayon. Alam nga niya kung sino ang taong nagbabanta sa kanya pero wala naman siyang magawa para ipadakip ito kaagad dahil hindi daw sapat ang mga ebidensyang hawak niya.

Ano pa ba ang kulang?

Naligo siya at nagbihis. Kailangan niyang mamili dahil ubos na ang mga stocks niya sa ref. Paglabas niya sa elevator ay nagimbal siya sa kanyang nakita.

Nakahiga si Wina habang nakapatong dito si Zandro habang paulit-ulit itong sinusuntok. Umahon ang galit sa dibdib niya ng makita ang kalagayan ng kaibigan niya. Halos hindi na ito makilala dahil duguan ang mukha nito.

"Tama na!" Malakas niyang sigaw kay Zandro. Tumigil sa ere ang kamao nito at tumingin sa kanya. Halatang nagulat ito ng makita siya.

"Samantha —"

Malakas niyang tinulak si Zandro at saka sinampal. "Ang sama mo! Pati ba naman ang kaibigan ko ay sasaktan mo?" Naluluhang kinalong niya ang ulo ni Wina. Putok ang kilay at labi nito, halos hindi rin nito maidilat ang mata. Awang-awa siya sa lagay ng kaibigan niya.

"Sam, lumayo ka sa taong 'yan. Hindi mo siya lubusang kilala. Layuan mo siya at si Jc kung ayaw mong mapahamak ka."

Pagak siyang natawa. "Binabantaan mo na naman ako. Saka anong hindi lubusang kilala? Wina is my childhood friend, Zandro. Mga bata pa lang kami ay magkaibigan na kami. Sa inyong dalawa ni Wina ay ikaw ang hindi ko tunay na kilala." Pinahid niya ang luha at saka niyakap ang kaibigan. "M-Magbabayad ka sa ginawa mo, Zandro... pagsisisihan mo ang ginawa mo sakin pati na sa kaibigan ko."

Dinala niya si Wina sa hospital. Grabe ang natamong bugbog nito mula kay Zandro. Ni hindi nito magawang igalaw kahit ang binti o ulo.

"G-Girl, hindi kita matiis kaya pinuntahan kita pagkagaling ko sa hospital. Nakita ko ang hot papa na 'yon na pabalik-balik sa tapat ng apartment mo, nakita ko din siya na may dalang kahon kaya sinita ko siya. Naisip ko kasi na baka siya ang nagpapadala ng mga death threats sa'yo." Umiyak si Wina, halatang takot na takot ito. "He grabbed me on my nape, Girl. Kinaladkad niya ako hanggang sa ground-floor at doon sinaktan. Masyado daw akong pakialamero."

Parang dinudurog ang puso niya sa mga narinig. Naluluha na yumakap siya kay Wina. "Dahil sa akin ay nasaktan ka. Sorry, Wina, ha. Mga bata pa lang tayo palagi mo na akong pinu-protektahan... hindi mo ako pinapabayaan."

Gumanti ito ng yakap sa kanya, habang ang kamay ni Wina ay humahaplos sa kanyang likuran, hanggang sa umabot ang kamay nito sa kanyang tagiliran.

"Para sa'yo gagawin ko ang lahat, Girl. Dahil mga bata palang tayo ay pinangako ko sa sarili kong... nag iisa ka lang, Samantha." Seryosong saad ni Wina.

Mas lalo siyang naluha sa sinabi nito. Ang swerte niya dahil nagkaroon siya ng mabuting kaibigan na katulad nito.

"Salamat, Wina. Salamat kasi palagi kang nari'yan para sa akin."

HIS INTENTION [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon