2.

239 3 0
                                    

   (Samantha)
   
    "KAYA AYAW KO UMAKYAT DITO!!!" Nakakapit pa sa kaniya si Wina habang naglalakad sila.
    Halos hindi na siya makapaglakad ng maayos dahil ang laki lang naman ng kaibigan niya na nakakapit sa kaniya.
    'Isasabit daw sa muscles pero wala pa nga nakikitang multo ay nanginginig na sa takot'
    "Ang laki ng katawan mo tapos duwag ka." Natatawang sabi niya. Inirapan siya ng kaibigan.
    "Hindi ako duwag. T-talagang hindi ko lang gusto ang lugar na 'to. Tingnan mo ang makinis kong balat." Inginuso nito ang braso. "Girl, nakatayo ang mga balahibo ko, my gosh!"
    Nang makarating sila sa tapat ng apartment ay nauna pa itong pumasok na parang hinahabol ng sampong kabayo.
    "Kaya ayaw kong pumunta dito paghindi kita kasabay. Ayoko nga maglakad mag isa riyan sa hallway." Nakayakap sa sariling turan nito.
    Inabot sila ng gabi sa tatlong oras sa pagkukwentuhan hindi nila namalayan ang oras, kaya nagsimula na siyang maghanda ng lulutuin niya para sa gabihan.
    Habang hinahalo ang nilulutong adobong manok hindi pa rin nananahimik ang kaibigan niya.
    "Girl, ihatid mo ako sa baba ha, sige na." Pangungulit din nito sa kaniya.
    "Hoy, Darwin! kalalaki mong tao tapos ang duwag mo."
    Nanlaki ang butas ng ilong nito sa narinig at pinaningkitan siya nito ng mata. "Ano ulit iyon, Miss Samantha?" Gigil na tanong nito.
    Nagmamadali siyang tumakbo sa loob ng banyo habang tumatawa dahil tiyak na yari siya rito.
    "Bwisit kang babae ka, lumabas ka nga ri'yan ng makalbo kita."
    Tawa lang siya ng tawa hanggang sa tumigil ito sa pagkatok. Ayaw na ayaw nito na tinatawag niya ito sa tunay nitong pangalan. Parang nilapastangan daw niya ang pagkababae nito pag gano'n.
    Matagal din siya bago lumabas ng banyo. Sinigurado niya muna na kumalma na ang kaibigan. Pagkalabas niya ay nakita niya na naghahain na ito. Pigil ang tawa na naupo siya para kumain, ito naman ay umiirap pa ang mga mata na halatang inis pa rin.
    Pagkatapos nilang kumain ay umupo siya sa sofa habang naghuhugas ito ng plato. Pagnasa bahay niya ito ay ito ang naghuhugas ng plato na pinagkakainan nila. Minsan nga pagnakatulog siya ay nakapaglinis na ito at nilalabhan pa ang mga damit niya. Sanay na siya sa kaibigan. Mga bata palang sila ay ganito na ito.
    "Isara mong mabuti ang pinto mo. Wag ka nang lalabas para bumili ng kung ano-ano, lalo na pag madilim na sa labas." Bilin nito bago umalis.
    Tumango siya at nagbabye dito. "Ingat, Wina."
    Nagflipped hair pa ito bago tuluyang umalis. Naiwan na naman siyang mag isa. Bago matulog ay nagfacebook muna siya. Inupload niya ang pictures nila ni Wina kanina lang bago umalis.
    Halos lahat ng post niya ay kasama niya ang kaibigan. Iilan lang ang naglala-like dahil kakaunti lang ang facebook friends niya.
    Sinubukan niyang i- visit ang Facebook account ni Jc, pero tulad ng dati ay wala itong post. Kung hindi lang niya kilala ang nobyo ay iisipin niya na baka hindi naman talaga nito account iyon. Pero dahil alam niya na sobrang busy nito ay naiintindihan niya.
    Tumunog ang cellphone niya, agad niyang binasa ang text ng nobyo ng ito ang magtext.
    'See you on sunday, Love'
    Napapikit siya sa kilig.
    MABILIS siyang tumatakbo kahit hingal na hingal ay hindi siya tumitigil.
    Kailangan niyang makatakas sa taong iyon!
    Napadilim ang paligid. Kahit saan siya lumingon ay wala siyang makitang liwanag.
    Puro kadiliman. Nahihirapan na siyang huminga dahil tila nakakulong siya sa isang kahon na tanging sila lang dalawa ang nasa loob.
    Hindi na niya kaya... Nanghihina na siya...
    Tuluyan na siyang nadapa. Umiiyak na umatras siya ng maramdaman na nasa likuran na niya ito.
    Ramdam niya na papalit na ito ng papalapit...
    Wag kang lalapit!!! Wag!!!!
    Hinihingal na gumising siya mula sa isang panaginip. Umaagos ang pawis niya at nanginginig talaga ang katawan niya sa takot na para bang totoong may tao na humahabol sa kaniya.
    Niyakap niya ang sarili. Panaginip lang 'yon pero parang totoo.
    Pagtingin niya sa relo ay alas tres palang ng madaling araw. Ilang beses siyang bumuga ng hangin. "Panaginip lang iyon, Sam." Kausap niya sa sarili.
    Wala siyang dapat ipag-alala dahil isa lang naman iyong panaginip.
    Tama. Panaginip na kahit kailan ay hindi magkakatotoo!
    NANGINGITIM ANG ILALIM ng mga mata niya. Pakiramdam niya ay tila lumulutang siya sa sobrang antok dahil sa hindi na siya nakatulog ng maayos simula nang magising siya sa masamang panaginip kagabi.
    "Girl, anong nangyari sa 'yo?" Tanong ng kaibigan niyang tsismoso na si Wina. "Wag mo sabihin sa akin na nagbreak na kayo ng jowa mo?" Exaggerated na naitakip pa nito ang isang kamay sa bibig.
    "Hindi lang ako nakatulog nang maayos kagabi." Humikab siya. Talagang bumabagsak ang talukap ng mga mata niya dahil sa antok.
    "Wag mo sabihin sa akin na nakipag SOP ka sa jowa mo?"
    Muntik na niya batukan ang kaibigan. Mabuti nalang at wala ng estudyante sa paligid dahil break time.
    "Alam mo iba talaga ang takbo ng utak mo." Inirapan niya ito.
    "Kase naman hindi ako sanay na matamlay ka." Nakangusong sabi nito. Alam niya na nag-aalala lang ito sa kaniya.
    "Nanaginip kasi ako kagabi tapos nagising ako ng alas tres ng madaling araw kaya hindi na ako nakatulog." Pagnaaalala niya ang panaginip ay kinikilabutan siya.
    Nakakapagtaka. Hindi naman kasi siya nananaginip ng gano'n dati.
    "Iyon lang naman pala. Akala ko kung ano na."
    Seryoso siyang tumingin rito. "Kakaiba ang panaginip ko, Wina. P-parang totoo, basta nakakatakot." Napayakap siya sa sarili.
    "Sinasabi ko na nga ba, hindi maganda ang vibes ko riyan sa tinitirhan mo." Lumingon-lingon pa ito sa paligid bago bumulong sa kanya. "Nararamdaman ko na maraming multo sa building na tinitirhan mo, napi-feel ko pa nga sila."
    "Wina, naman!" Hindi niya alam kung matatawa o maiinis dito. Akala niya ay kung ano na ang sasabihin nito. Tungkol lang pala sa multo.
    "Bakit ba, hindi mo lang naitatanong may third eye ako." Nilapit pa nito ang noo sa kaniya. "Invisible nga lang."
    Hindi na niya napigilan ang tumawa. Kahit kailan talaga ay palabiro ito. Simula bata palang sila ay ito ang nagpapatawa sa kaniya. Pagmay problema siya o inaaway ng mga nakakalaro niya no'n ay nandito ito para ipagtanggol siya.
    "Sige na girl, back to work na. Wag mo na isipin 'yon. Panaginip lang 'yon" Sabi nito bago kumikembot na umalis.
    Nakangiti na tinanaw niya ito paalis. "Tama ka, Wina. Panaginip lang iyon." Nang matapos ang break time ay muli na siyang nagturo. Inalis niya sa utak ang panaginip kagabi na naghatid sa kaniya ng hindi magandang pakiramdam. Hindi siya dapat magpaapekto dahil lang sa isang panaginip.
    Panaginip na hindi kailanman magkakatotoo.
    Matapos ang klase ay inihatid ulit siya ni Wina. Sa harap lang ng compound siya hinatid nito dahil may lakad daw ito. Ayon dito ay may aasikasuhin ito na mahalaga.
    Pagkasakay niya sa elevator ng building ay hindi niya napigilan ang sarili na punain ito. Sobrang luma na ang elevator. Halata na luma na tulad sa mga horror movie na napapanood niya.
    Bumuga siya ng hangin. Sanay na siya sa lugar na ito kaya bakit parang big deal sa kaniya ngayon ang nakikita niya.
    Marahil ay dahil ito sa napanaginipan niya kagabi. Kung ano-ano na ang naiisip niya.
    Nang makarating sa ikatlong palapag ay nagmamadali siyang lumabas ng elevator. Muntik pa siyang mapatili sa gulat ng masalubong ang janitor ng building na bihira lang din niya makita.
    Pareho pa silang nagkagulatan. Nakahawak sa dibdib ang matanda habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa kaniya.
    "Nakakagulat kang bata ka." Tila aatakihin sa puso na sambit ng matanda bago umalis.
    Napahawak siya sa mukha. Pakiramdam niya ay nastress siya ng husto dahil lang sa panaginip na iyon.
    MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw hanggang sa sumapit ang linggo. Umikot siya sa harap ng salamin para tingnan ang sarili. Isang off shoulder dress na kulay puti ang kanyang suot, hindi aabot sa tuhod ang haba nito at isang flat na sandal na kulay puti din ang sa paa niya.
    Kinuha niya ang kaniyang makeup kit para maglagay ng make-up sa mukha. Hindi siya mahilig maglagay ng kung ano-ano sa mukha pero pakiramdam niya ay special ang araw na ito.
    Paano kung nakuha na nito ang deal tapos bigla itong magpropose sa kanya? Kaya nag ayos talaga siya. Nagsuot siya ng kwintas na silver na may pendant na maliit na puso, ganoon din ang hikaw niya. Sinuklay niya ang maikling buhok na hindi lalagpas ng balikat. Dahil maliit ang mukha niya ay bagay na bagay sa kanya ang maikling buhok.
    Kahit hindi siya ganoon katangkad ay marami ang nagsasabi na maganda siya. Kahit noong high school siya ay marami na ang nanliligaw sa kaniya. Palagi din siya ang muse ng kanilang school. Sabi ng mama niya ay girl version siya ng kanyang namayapang ama.
    Maingat na nagpahid siya ng manipis na lipstick sa labi at napangiti sa resulta dahil bagay sa kaniya ang ayos niya. Dinampot niya ang sling bag na kulay beige at kumakanta pa habang sinasara ang pintuan ng apartment niya.
    Alas kwatro ng hapon ang usapan nila ni Jc. Tulad ng dati ay doon pa rin sila magkikita sa lugar kung saan palagi silang nagkikita. Hindi naman siya nahirapan sumakay dahil may dumaan agad na tricycle. Habang nasa biyahe palang ay hindi na siya mapakali. Iniisip niya palang na baka magpropose ito ay kinikilig na siya.
    Handa na siyang bumuo ng pamilya kasama ito. Alam niya na ito na ang lalaking para sa kaniya. Naalala niya pa noong una silang magkakilala. Nakabangga lang niya ito no'n dito sa lugar kung saan sila madalas magkita. Mula no'n nasundan pa ang pagkikita nilang 'yon hanggang sa tinanong na nito kung ano ang number niya. Dahil sa gusto niya rin ito ay hindi na siya nagpakipot. Sinagot niya rin ito matapos ang isang taon mahigit na panliligaw. Kilala na ito ng mama niya pero halatang hindi nito gusto ang boyfriend niya. Nakapagtataka man ay hinayaan nalang niya. Hindi naman siya nakarinig ng salita sa mama niya tungkol do'n, ang mahalaga ay iyong nagmamahalan silang dalawa ni Jc.
    Inilabas niya ang salamin sa bag para icheck ang mukha niya, nang masiguro na ayos ang itsura ay muli niyang ibinalik ang salamin sa bag.
    Agad siyang pumara nang makita na narito na siya. Pagkabayad ay nagmamadali siyang bumaba.
    Huminto muna siya saglit at napahawak sa dibdib. Nai-excite siya.
    "Sorry." Agad na sabi niya nang mabangga siya sa kung sino. Napangiwi siya dahil parang bumangga siya sa pader. Hindi na siya nag abalang tingnan kung sino iyon dahil sa pagmamadali.
    Agad na ngumiti siya ng makita si Jc na nakaupo. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa cellphone pero agad din ngumiti nang makita siya nang mag angat ito ng tingin.
    Kita niya ang paghanga sa mata nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi tuloy niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang.
    "Napakaganda mo talaga." Nasa mukha ang labis na paghangang sabi nito. Nilapitan siya nito at mabilis na hinalikan sa labi. Inalalayan pa siya nitong maupo na para bang isang prinsesa.
    Matapos mag order ay panay ang tanong nito tungkol sa kanyang mga ginawa nitong nakalipas na araw. Sinagot niya lahat iyon. Alam niyang namiss siya nito at ganun din naman siya.
    Napansin niya sa binata na panay ang tingin nito sa suot na relo. Mayamaya pa ay rinig niya ang pagtunog ng cellphone nito. Kumunot naman ang noo nito sa nabasa.
    "Love, ayos lang ba sa 'yo na dadaan lang dito ang kaibigan ko, importante lang." Sabi nito na para bang hindi mapakali.
    "Sige ayos lang." Tumatango na sagot niya. Naiintindihan naman niya si Jc. Buti nga kahit busy ito ay naglalaan pa rin ito ng oras para sa kanya.
    "Tamang tama, Love, gusto talaga kitang ipakilala sa kaibigan ko. Ahmm, actually hindi ko lang siya basta kaibigan. He's my bestfriend." Sabi nito sa pagitan ng pagnguya.
    Nakaramdam siya ng tuwa. Dahil sa wakas ay ipapakilala siya nito sa mga taong malapit dito. Wala nang magulang ang nobyo niya. Ayon dito ay isa itong ulilang lubos. Kaya bilib siya rito dahil nakaya nitong mabuhay at maitaguyod ang sarili ng mag isa. Ang akala niya noong una ay kahit kaibigan ay wala ito, meron naman pala.
    Tumayo si Jc mula sa pagkakaupo. Inalalayan siya nitong tumayo at saka inakbayan.
    "Love, meet Zandro."
    Mula sa paa ay nag angat siya ng tingin sa taong nasa harap nila ngayon. Napatingla pa siya dahil matangkad ito, nasa anim na talampakan yata ito o higit pa. Nang magsalubong ang mga mata nila ay bigla nalang siyang nakaramdam ng kakaiba.
    "Zandro, girlfriend ko nga pala, si Samantha." Proud pa na pakilala ni Jc sa kaniya.
    "Samantha, nice to meet you." Nakangiti ito sa kaniya. Lalaking lalaki ang boses, malaki at medyo nakakatakot.
    "N-nice to meet you."
   
 

HIS INTENTION [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon