[Samantha]
Nang magising siya ay agad n'yang inobserbahan ang paligid, at base sa kanyang nakita ay tiyak siyang nasa hospital siya. Agad na niyakap niya ang sarili ng maalala ang nangyari at hindi niya napigilan ang umiyak dahil sa labis na takot.
Nang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Zandro ay nanlaki ang kanyang mga mata. "A-Ano ang ginagawa mo dito?" Umiiyak n'yang tanong habang umuusod paatras.
Tumiim-bagang ito. Mukhang galit ito base sa reaksyon nito. Galit ba ito dahil hindi ito nagtagumpay sa balak nito?
Natigilan siya.
Paano ay dumaan ang pag-aalala sa mga mata nito— pinilig niya ang ulo. Imposible ang nakita niya!
"Sam—"
"Lumayo ka sa akin! Please, tigilan mo na ako, Zandro! Layuan mo na ako!" Nagsisigaw siya sa labis na galit at takot.
Dahil sa kanyang sigaw ay naalarma ang pulis sa labas ng kwartong kinaroroonan niya at agad na pumasok. "Miss De guzman, kumalma ka—"
"No!" Putol niya si Pulis. Puno ng luha ang mukha na itinuro niya si Zandro. "Paano ako kakalma kung narito ang lalaking 'yan?!"
Dahil sa galit kay Zandro ay nilapitan niya ito at saka pinagsusuntok sa dibdib. "I hate you!!!" Hindi lang suntok sa dibdib ang ginawa niya, sinampal na rin niya ito. "Napakasama mo!!! Sisiguraduhin ko na makukulong ka sa ginawa mo sa akin walanghiya ka!" Aniya habang umiiyak.
Bumaling siya sa pulis na tulala lang habang nakatingin sa kanila, bahagya pang nakaawang ang labi nito na para bang hindi makapaniwala na sinasaktan niya ang binata.
"Ano pa ba ang ebidensya na kailangan para hulihin niyo ang lalaking 'to? Hindi pa ba sapat ang ginawa niya sa akin kagabi? I saw him, okay! Hindi pa ba sapat na ebidensya 'yon?!"
Tumingala siya kay Zandro ng maramdaman ang paghawak nito sa balikat niya. Ang asul nitong mata ay walang bahid ng emosyon na nakatingin sa kanya habang naggagalawan ang panga nito.
"Miss De guzman, ipapaliwanag din namin sa'yo ang lahat." Ani ng pulis. "Ang totoo niyan—"
"Leave us." Putol ni Zandro rito.
Nabigla siya ng biglang tumayo ang pulis ng tuwid at sumaludo pa bago umalis. Muling nabaling ang atensyon niya kay Zandro ng hawakan nito ang ulo n'yang may benda kung saan ay mayro'ng sugat.
"How's your feeling—"
"Gagò ka ba?!" Sikmat niya rito. "Nagawa mo pa akong tanungin? Nasa katinuan ka pa ba? Matapos mo akong pagtangkaan kagabi?" Nagsimula na namang siyang maluha. "Z-Zandro naman... a-ano ba ang kasalanan ko sa'yo at ginaganito mo ako?" Mahina n'yang hinampas ang malapad nitong dibdib habang patuloy siya sa pag-iyak.
Hindi siya nababahala ngayon na saktan ito dahil may pulis labas. Dahil kung saktan man siya nito pabalik ay mayro'ng tutulong sa kanya.
"A-Ano ba ang mapapala mo sa mga ginagawa mo? W-Wala naman, di'ba?" Pinahid niya ang luha gamit ang likod ng kanyang palad. "M-Mas lalo lang akong lalayo at matatakot sa mga ginagawa mo sa akin... kaya itigil mo na 'to."
Napalunok siya ng hawakan nito ang pisngi niya gamit ang dalawang kamay at saka 'yon inangat. Tumingin sa kanya ang seryosong mga asul na mata nito.
"Someday you will know everything, Sam. Sa ngayon ay mas makabubuti kung wala kang alam." Bumuntong-hininga ito. "I'll promise, I'll do everything to protect you."
Marahas na inalis niya ang kamay nito sa kanyang mukha at pagak na natawa.
"Kung makapagsalita ka ay parang pinoprotektahan mo pa ako. Stop acting like you didn't do terrible things to me, Zandro! Kung may dapat man na magprotekta sa akin ay si Jc 'yon at hindi ikaw!"
Dumilim ang mukha nito ng marinig ang pangalan ng nobyo niya.
"Umalis ka na, Zandro. Hindi kita kailangan dito." Aniya sa matigas na tinig.
Nang makaalis ito ay mas lalong lumakas ang kanyang pag-iyak. Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng maliit na hospital table, mukhang dinala ito ng mga pulis rito. Tinawagan niya si Jc subalit hindi ito makontak, gano'n din si Wina.
Out coverage ang dalawa.
Nanginginig ang kamay na napahilamos siya sa mukha. Gusto man niyang sabihin sa mama niya ang nangyari ay hindi niya magawa. Tiyak na mag aalala ito ng sobra sa kanya at baka maisipan pa na umuwi kaya naman nagpasya siya na huwag na lang ipaalam dito ang nangyari sa kanya.
May mga bagay na hindi siya maintindihan. Katulad ng hindi pagdakip ng mga pulis kay Zandro.
Bakit?
Hindi pa ba matibay na ebidensya ang mga sinabi niya? Ano ba ang ebidensya na kailangan ng mga 'to?