Prologue

92.4K 1.7K 1K
                                    



Prologue
Marriage

Excited na excited akong nakaupo sa likuran ng kotse namin ngayon.

Sino ba namang hindi eh pupunta lang naman kami sa bahay ng mga long time crush ko.

Sina Eroz and Ezra Del Faroja. Simula college palang hanggang sa ngayong 28 na ako ay may pag tingin ako sa kambal.

Sobrang gwapo ng mga ito lalo na ang mga mata nilang kulay berde. Malalaki ang katawan dahil noon palang ay mahihilig na silang mag gym. Gwapo, matangkad, mabango. Lahat ng katangian ng isa perpektong lalaki ay nasa kanila na.

Kaso

Bakla sila.

Pero wala akong pakialam. Gusto ko padin sila at mapapa saakin sila. Sobrang saya ko na gusto ko ng mag tatalon ng malaman kong best friend pala ni Mama ang nga magulang nito.

Napag usapan nila na ipag kasundo kami dahil gusto daw nilang maging lalaki ang mga anak nila at syempre sino ba naman ako para tumangi diba? Sa ilang taon kong pag sunod sunod sa kanila ngayon pa ba ako aarte? Ito na oh magulang na namin mismo ang mag kakasal sa amin.

"Ready ka na anak?" tanong sa akin ni Mama ng maka pasok ang kotse namin sa isang napaka laking bahay.

Malaki din naman ang bahay namin pero hindi tulad nito na nakaka lula na sa taas. Apat na palapag ang bahay.

"Super Mama. I'm so excited!" malaki ang ngiti ko dito.

"Pero alalahanin mo anak,Bakla ang kambal at siguradong hindi papayag ang mga iyon dito. Handa ka ba?"

"Yes Mama. Wala po akong pakialam kung bakla sila. Akong bahala" kinindatan ko pa si Mama na nakapag patawa sa kaniya.

"Oh siya halika na kung ano ano nanamang pinag uusap niyo ng Mama mo" Si Papa at pinag buksan kami ng pinto ni Mama.

Inalalayan niya kami pababa at may agad ding sumalubong sa aming mga katulong sa labas ng pinto.

"Good afternoon Maam,sir pasok na ho kayo inaantay na ho kayo nila Madame sa dining" sabi ng mayordoma nila na sa tingin ko'y medjo may mas edad ng kaonti kila Mama.

"Good afternoon Maam"

"Good afternoon sir"

Bati ng iba pang katulong ng maka pasok kami. Mag kahawak kamay sila Mama't Papa habang ako'y naka angkla sa braso ni Papa.

Solo lang akong anak nila Mama. Ilang beses din silang nag try pero pag dating daw ng dalawang buwan ay biglang nawawalan ng heartbeat ang bata.

Kaya naman sobrang protective sa akin ni Papa. Madaming gustong manligaw sa akin mula highschool, college at kahit hanggang ngayon pero lahat yon ay hindi pinapayagan ni Papa.

Pero ng sabihin umamin ako sa kanila ni Mama na may gusto ako sa kambal na Del Faroja ay payag na payag ang mga ito. Kilala daw kasi nila ang mga magulang nito at alam nilang mababait.

"Kumadre" Agad na tumayo si Tita Zahara at ang asawa nitong si Tito Ezekiel. Sila ang magulang ng kambal.

"Kamusta na?" tanong ni Mama at nakipag beso pa sa mga ito. Si Papa naman ay nakipag kamay kay Tito Ezekiel.

My Gay HusbandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon