Chapter 11
Ex"Saan nanaman ang punta niyo ha?" naka pameywang kong sabi at hinaharangan sila sa pintuan dahil naka pang alis nanaman sila.
"Get out of our way bruha, Nag mamadali kami" hinawi ako ni Ezra paalis sa pinto.
"Teka! Mag lalayas nanaman kayo"
Pilit kong ibinubuka ang kamay ko at inihaharang sa pinto para hindi sila makalabas. Hawak hawak ako ni Eroz sa braso at pilit inaalis doon.
"Tabi"
"Bawal"
"Late na kami Peachy wag kang magulo"
"Late saan? Sa date niyo? Akala ko ba may pasok kayong maaga ngayon? Eh narinig ko si Ezra kanina kausap nanaman yung Kurt na yon at mag kikita daw kayo. Sino ba yon at San kayo pupunta ha?" hinawakan ko ang pinto, sinara ko yon at tsaka sumandal para hindi sila makalabas.
"Bakit ba ang kulit mo?" kunot noong tanong ni Ezra.
Napa hilot si Eroz sa sintido niya at tsaka tumalikod sa amin. Si Ezra naman ay malakas na bumuntong at tsaka ginaya ang pameywang ko.
"Fine. Gusto mong malaman? Ex boyfriend namin siya at kakain kami sa labas. Happy now?"
Ex boyfriend na pala eh bakit pa kakain sa labas.
Talaga nga naman oh.
"Umalis ka na" malakas akong hinila ni Ezra papaalis kaya dumali ang pader.
"Awww" napa hawak ako sa braso ko dahil sa lakas ng tama non sa pader.
Hindi nila ako pinansin at kinuha ang pag kakataong yon para makalabas ng bahay. Hindi agad ako naka galaw dahil sa sakit at nang mawala wala na iyon tsaka ko sila sinundan papalabas.
Wala na
Naka alis na sila.
Haystt...
"Tara na. Ang chaka na kaya ng buhok mo bes" hinihila ako ni Jes papunta sa isang parlor.
Sa sobrang bad trip ko kanina sa kambal ay lumabas din ako ng bahay. Nag kayayaan kami ni Jes na mag mall dahil nag away din pala sila ni Luke.
"Ilang buwan na akong di nakakapag ayos eh" naka nguso kong sabi
"Kaya let's go, We need to relax at nakaka stress sila" ani niya
Binati kami ng mga staff sa loob ng salon. Agad akong pinaupo ni Jes sa upuan at kinausap ang isang bakla. Kung ano ano ang sina sabi niya na gawin sa buhok ko.
"Hoy baka kung anong gawin niyo sa buhok ko ha" sabi ko habang tinitignan sila sa repleksyon namin sa salamin.
"Oh my dear calm down, Akong bahala sa chaka mong buhok" hinawak hawakan pa nung bakla yung buhok ko
Nang lait pa. Grabe sa chaka ha
"Fine, Kayo na ang bahala" itinaas ko pa ang kamay ko na parang sumusuko sa kanila.
Si Jes ay umupo na din sa tabi ko at sinimulan na kaming ayusan ng mga tao doon.
Gupit,Pahid,banlaw tapos pahid ulit. Hindi ko na alam kung ilang oras ang itinagal namin doon at halos mapa idlip na ako sa dami ng ginawa nila.
Hindi nila kami inihaharap ni Jes sa salamin dahil yun ang request ng loka loka kong kaibigan. May tiwala naman daw siya sa mga staff dito dahil dito siya laging nag papagawa at gusto daw niya surprise.
"Oh ayan, Malapit na tayong grumaduate" sabi ng baklang nag pupunas ng buhok ko.
Ito na ang huling tuyo ng buhok ko at matatapos na daw kami. Final coat na din ang ginagawa ng babaeng nasa harapan ko at mina-manicuran ako.
"I'm so hungry. Kain tayo pag tapos bes ala sais na pala oh" pinakita niya sakin ang orasan ng telepono niya.
"Sige ako din eh"
Bino-blower na ng bakla ang buhok ko at ang babae ay tapos na. Hinilot hilot pa nito ng saglit ang kamay ko bago tuluyang tumayo para umalis.
"Thank you" pag papasalamat ko
"What?"
Napalingon ako kay Jessy na ngayo'y may kausap sa telepono. Halata sa mukha at boses nito ang pag kairita kaya sa tingin ko'y si Luke ang kausap nito.
"So what? arghh kasama ko si Peachy. Ewan ko sayo. Fine bahala ka" at tsaka nito ibinaba ang telepono.
"Umuusok nanaman yang ilong mo Jessy" pang aasar ko pa sa kaniya
Napapairap naman siyang tumingin sa akin at tsaka ibinalik ang cellphone sa bag niyang dala.
"Nakakainis kasi si Luke. Susunduin niya daw ako mamaya" sabu nito
"Ok girls. Tapos na tayo" pumapalakpak pang sabi ng bakla.
Inirapan nila ang upuan namin ni Jessy sa salamin. Wow. Maganda nga talaga ang gawa nila. Iniklian nila ang buhok ko ng hanggang sa shoulder at kinulayan ng gray. Medjo kinulot din niya ang dulo non.Si Jessy naman ay kulay copper brown at hanggang leeg nalang ang buhok.
"Oh ayan hindi na chaka ang hairlalu mo" inayos ayos pa ng bakla ang dulo ng buhok ko.
"Thank you"
Tumayo na kami ni Jes sa upuan at pumunta sa cashier para mag bayad. Inabot din ng sampung libo ang ginawa sa amin.
"Hay let's go i'm so hungry"
Hinila ko papalabas si Jessy dahil kumakalam na talaga ang tyan ko sa gutom.
"Saan tayo?" tanong niya
"Parang gusto kong kumain ng pizza"
"Ako din sige mag pizza nalang tayo"
Lumabas na kami ng salon at dumaretsyo sa kotse ko. Nag presinta si Jessy na siya na daw ang mag dadrive kaya binigay ko ang susi at tsaka kami tuluyang umalis.
Limang minuto lang ang binyahe namin at naka kita din ng pizza parlor. Madami dami din ang tao dahil madaming a
kotse ang naka parada sa labas.Pero ang pinaka nakakuha ng atensyon ko ay ang kotse ng kambal. Sigurado akong sasakyan nila yon dahil pareho ng plate number.
Shit
FOLLOW,COMMENT&VOTE