Chapter 26
Peachy"Wife ok na kami, Let's g-" napatigil si Eroz ng makitang wala na ang asawa sa kama pati na din ang maleta nito.
Fuck
"Ezra!" sigaw nito sa kapatid na nasa labas ng kwarto kaya dali dali naman itong pumasok.
"What?" napagingin siya sa kama
"Wala si Peachy"
Pag tingin ni Ezra sa kama tanging ang telepono nalang niya ang nandoon. Kinuha niya iyon at binuksan. Ang bumungad sa kaniya ay ang text ng isa sa pinaka close nila pinsan na si Jedrick.
Nangunot ang noo ni Ezra at tsaka nag lakad papunta sa banyo para tignan kung nandoon pero wala, Pati ang closet at tinignan na niya pero wala din ito doon.
Nang hindi mahanap lumabas ang dalawa at tumakbo papalabas ng resort. Nadaanan pa nila ang restaurant kung nasaan si Manang Rosaly.
"Manang, Nakita niyo ho ba si Peachy?" hingal na tanong ni Eroz.
"Ha? Hindi, Bakit? Hindi ba't ngayon ang uwi niyong tatlo? Nag paalam yon kanina si Peachy pero hindi ko pa siya nakikitang lumabas" sabi ng matanda
Mas lalong nag alala ang dalawa at dali daling lumabas para tignan ang driver pero pati yon ay wala na. Wala na din ang kotse kaya siguradong umalis na ang mga yon.
Why? May nagawa ba kami? May emergency ba?
"Ma..."
"Peachy? Anak what happened?" nag aalalang tanong ng nanay niya ng makita siya sa labas ng pinto ng bahay nila at wala pading tigil sa pag iyak.
Hindi siya sumagot at sinugod lang ng yakap ang nanay niya. Nasa likod nila ang tatay niya na halata din sa mukha ang pag aalala.
"Let's go, Let's go anak" hinila siya ng magulang niya papasok ng bahay.
Umupo sila sa sofa at tsaka siya muling yumakap dito. Walang tigil sa pag hagulogol kahit hirap na hirap na siyang huminga.
"Anak please tell us what happened. Sinaktan ka ba ng mga asawa mo?" ang tatay niya at hinaplos haplos ang buhok na basa ng luha at pawis.
Hindi ito sumagot. Napalayo siya ng bahagya sa nanay niya ng maramdaman niyang may kumirot sa bandang dibdib niya. Nahihirapan na siyang huminga at dumagdag pa ang sakit non.
"Ah.." mahina niya daing at napahawak sa may dibdib.
"Hey" nag aalalang hinawakan ng tatay niya ang kamay na nasa dibdib.
Hindi siya makapag salita at gusto nalang mamilipit sa sobrang sakit non. Mas lalo siyang napaiyak ng hindi makahinga.
"Jusko, Anak" tumayo ang nanay niya at nag papanic ng makita ang anak.
"Peachy!" sabay na sigaw ng magulang ni Peachy ng bigla itong bumagsak sa bisig ng tatay. Nawalan siya ng malay na mas lalong ikina panic ng nanay niya.
Mabilis itong siyang binuhat ng tatay niya papalabas ag tinawag naman ng nanay niya ang driver para pumunta ng hospital.
"Manong faster please" umiiyak ng sabi ng nanay ni Peachy habang yakap yakap ng asawa nito ang anak.
"Saan mo sinundo si Peachy? May kasama ba siya?" tanong ng tatay sa driver
"Sa resort niyo ho sa cebu sir, Ang alam ko ho'y kasama niya dapat umuwi ang mga asawa niya kaya nga ho nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin ng naiyak at sinabing aalis na kami"
![](https://img.wattpad.com/cover/291947624-288-k783209.jpg)