Chapter 10

56.3K 1.1K 54
                                    



Chapter 10
Bag

"Kurt"

Napa balik ang tingin ko sa kambal. Naka awang ang mga labi nilang naka tingin sa lalaking pumasok.

"Ezra,Eroz" tawag ng lalaking tinawag na Kurt ni Eroz kanina.

Napa usod ako ng biglang tinakbo nung Kurt ang pagitan nila ng kambal at niyakap si Eroz.

Eto nanaman yung puso ko. Alam ko ang yakap ng mag kaibigang lalaki at hindi ganon ang yakapan nila. Yakap nila ay parang sobrang close at miss na miss na nila ang isa't isa.

Sumunod nitong niyakap si Ezra na mas lalong nag pa sakit sa dibdib ko. Tinalikuran ko na ang mga ito at kinuha sa cashier ang pinamili namin.

"Thank you Maam"

"Thank you din" sagot ko bago lapitan ang kambal na busing-busy sa kausap nilang lalaki.

"M-Mauna na ako sa kotse" nahihiya ko pang pag singit.

Napa tingin sa akin ang tatlo. Ang lalaking Kurt na tinawag nila ay tinignan pa ang kabuuan ko mula paa hanggang ulo.

"Ok" maikling sagot ni Ezra ang inabot sa akin ang susi.

Mabilis ko iyong kinuha sa kamay niya at tumalikod. Dare daretsyo lang ako papunta sa kotse at hindi na sila nilingon pa.

Pag pasok ko sa back seat binuksan ko agad ang aircon at itinodo yun dahil naiinitan at medjo nahihirapan akong huminga.

Maya maya pa ay nakita kong lumabas ang nadin ang tatlo pero dumaretsyo sila sa likod ng kotse. Ibinaba ko ng kalahati ang bintana para madinig ang pinag uusapan nila. Sa side mirror ng passenger seat ko sila pinapanood dahil mahahalata naman ako pag sinilip ko sila.

"Kailan ka pa umuwi?" si Ezra

"Last Month. I tried to contact you but hindi kayo nasagot"

"Oh nag bago na kami ng number" ani naman ni Eroz

"Here. So i can call you" inabot ni Kurt ang cellphone niya sa kambal.

Kinuha yon ni Ezra at nag type, si Kurt naman ay nilapitan ni Eroz at yumakap. Aba't hindi parin tapos sa yakapang yan? Sumosobra na ha.

"I missed you" malambing na sabi ni Eroz

Ang kakapal talaga ng mukha. Dito talaga? Alam naman siguro nilang nakikita ko sila sa salamin diba. Arghh makakalbo ko na talaga tong mga asawa ko eh. That's cheating!

"I missed you two" ani nung Kurt sa dalawa at akmang hahalikan sa pisnge si Eroz ng nag iwas na ako ng tingin.

Isinara ko na agad ang bintana at umusod ng upo sa gitna ng upuan para hindi na ako mapatingin pa sa side mirror.

"Mga bwiset kayo! Bwiset!"

Inis na inis kong ibinato ang dala kong shoulder bag sa harapan ng kotse habang nag tutuluan ang mga luha.

Nakakainis.





"Hmmm" ungot ko ng maramdaman ko ang pag anagat ko mula sa pag kakaupo.

Iminulat ko ang mata ko at ang mukha ni Ezra ang bumulaga sa akin. Binubuhat niya ako ng parang pang bagong kasal. Daretsyo siyang naka tingin sa bahay habang nag lalakad at ako'y naka titig sa kaniya.

Kahit na naiinis ako sa mga to ang gwapo gwapo padin. Ang unfair talaga! Pero bwiset padin ako noh. May pahalik halik at pa yakap pang nalalaman. Sarap nilang pag untuging tatlo!

Mabilis kong pinikit ang mata ko ng akmang lilingunin niya ako. Narinig ko ang mahihinang pag tawa niya.

"Bilat ka, Alam kong gising ka. Mag mulat ka na dyan at bumaba. Anong akala mo sa sarili mo marshmallow na magaan? Gaga para kang isang sako ng bato"

Automatiko namang napa mulat ang mata ko at binigyan siya ng masamang titig. Aba't tamo to.

"Hoy sumosobra na yang bunganga niyong mag kapatid ah. Sama ng ugali" mataray kong sabi at tsaka kumawala sa pag kaka buhat niya sa akin.

Inis ko inayos ang suot kong dress at tsaka dali daling pumasok sa bahay. Hindi ko na ininda ang sakit ng pag kababae at paa ko dahil sa inis.

Dumaretsyo ako sa kwarto ko at hinubad lahat ng suot na damit kahit ang panty at bra ko. Dumaretsyo ako sa closet ko para kumuha ng damit pang tulog.

Kumuha ako ng isang malaking t shirt at underwear para komportable sa pag tulog. Kahit na malakas ang aircon minsan ay naiinitan padin ako.

Naka tingin ako sa telepono ko habang nag lalakad papalabas ng closet dahil nag text si Jes.

"OMG!"

Nabitawan ko ang dala kong damit at agad tinakpan ang katawan ko ng sumigaw ni Eroz.

Hawak hawak niya ang shoulder bag kong binato ko kanina sa kotse nila at naka talikod na siya sa akin ngayon.

"Omg kadiri ka! Yuck!" diring diri niyang sabi.

Agad akong tumakbo papunta sa baniyo at kinuha ang bathrobe. Sinuot ko iyon at tsaka lumabas. Aba malay ko bang papasok siya?

Naabutan kong naka talikod padin ito at naka harap sa pintuan.

"Ok na" sabi ko

Dahan dahan niya ako nilingon na parang naninigurado. Ang kapal ahh, ano tingin niya? Na ginusto ko yon?

"Oh, Sa susunod kasi mag lolock ka ng pinto. Naka kita pa tuloy ako ng bilat"

Pabato niyang inabot sa akin ang bag ko at tsaka iirap irap na lumabas ng kwarto. Napaka sungit aba.

Inis ko ding ibinaba ang bag ko sa lamesa malapit sa kama at ini-lock ang pintuan ng kwarto bago kinuha ang damit at dumaretsyo na sa baniyo.

Bwiset!

FOLLOW,COMMENT&VOTE
Last update for today❤️

FOLLOW,COMMENT&VOTELast update for today❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Gay HusbandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon