Chapter 3

51.6K 1.2K 210
                                    



Chapter 3
Alerick

"Baliw ka talaga Jes"

"Ewan ko sayo napaka kunat mo Peachy. Wag kang iiyak iyak sakin pag naunahan ka" ani niya habang kumakain ng tinapay.

Mag iisang buwan na ang nakalipas mula ng ikasal ako sa kambal. Tulad ng lagi ay sinusungitan lang ako ng mga ito at hindi pinapansin.

Halos linggo linggo silang lumalabas at lagi ding hating gabi o umaga na umuuwi.Tuwing tinatanong ko sila kung saan sila galing ang isasagot lang nila ay "Wala" "you don't have to know"

Nasa kusina ako ngayon at nag aayos ng lunch box dahil nag luto ako at balak ko silang dalhan ngayon sa opisina nila.

Nag paturo ako kay Mama kanina kung paano mag luto ng adobo. Ang sabi kasi ni Tita Zahara sa akin ay yun ang paborito nilang pag kain.

Ka videon call ko si Jessy dahil simula ng ikasal ako sa dalawa ay hindi pa ulit kami nakakapag kita ng personal. Busy din kasi siya sa business at boyfriend niya.

"Jes wag mo akong igaya sayo na maharot. Napilitan nga lang ata sayo yang jowa mo noh" pang bawi ko

"Hoy excuse me,hindi napilitan si Luke, patay na patay nga sakin yon"

"Parang baliktad ata" tumatawa kong sabi

"Gaga ka"

Tinapos ko ang pag pa-pack ng mga lunch box at tsaka nag paalam na kay Jes na aalis na ako.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at tsaka lumabas ng bahay. Sinuguro ko munang naka lock ang lahat bago pumasok ng kotse.

Isang white Aston Martin, regalo sa akin to nila Papa last birthday ko. Ewan ko ba kung bakit lagi nila akong binibilhan ng bagong kotse kahit hindi ko naman hinihiling. Lima na ang kotse ko sa bahay. Isang pink lamborghini, dalawang BMW pero mag kaiba ang kulay, yellow at blue. Ang isa pa ay green na Marcedes-Benz at itong gamit ko ang huli.

Ipinatong ko sa passenger seat ang lunch box at inayos iyon ng lagay para hindi matapos habang nag mamaneho ako.

Hindi naman gaanong kalayo ang opisina nila, mga 15 minutes lang ay nandoon ka na kaso medjo traffic ngayon.

Binuksan ko ang radyo at sakto naman ay tumapat iyon sa paborito kong kanta.

Can I go where you go?

Can we always be this close forever and ever?

And ah, take me out, and take me home

You're my, my, my, my

Lover

Napa ngiti ako ng matapos ang kanta. Sinimulan ko na din ulit mag maneho dahil nag green light na. Ilang minuto pa ang tinagal ko at natatanaw ko na ang malaking building ng companya nila.

Del Faroja Company

Pag basa ko sa naka sulat sa mataas nila building habang tinitingala iyon. Dala dala ko ang maliit kong shoulder bag at ang mga lunch box.

Habang nag lalakad ako papasok ng companya at nag vibrate ang cellphone ko sa bag kaya kinuha ko yon.

From: Tita Zahara

Peachy it's my birthday tomorrow. Pumunta kayo ng mga anak ko. 6pm sa bahay. Wear anything you like, kahit ano. See you!"

My Gay HusbandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon