Chapter 20

53.6K 1.2K 174
                                    



Chapter 20
Wife

"Twins?" nag tatakang sabi ni Alerick.

Ang kambal ang hinahabol ni Manang. Natigilan din ang dalawa at nakatingin sa mga kamay namin ni Alerick dahil hanggang ngayon ay nakahawak ang kamay ko sa balikat niya at ang kamay niya sa bewang ko.

Mabilis akong kumalas sa pag kakahawak at tsaka tumikhim para mawala ang katahimikan sa lugar.

"Hija,Hijo pasensya na, Nag pupumilit talaga sila sinabi ko ng hindi pupwede eh" ani ni Manang sa amin ni Alerick.

"It's ok Manang, Kilala ho namin sila. Kami na hong bahala" sagot ni Alerick.

Mukang magulat pa si Manang dahil kilala namin ang kambal pero tumango nalang ito at tsaka kami iniwang apat.

"Paano niyo nalamang nandito kami" malamig at serysong sabi ni Alerick.

"We didn't know na nandito kayo" kung malamig ang pag kakasabi ni Alerick at mas malamig pa ang sagot ni Eroz.

Mahinang natawa si Alerick sa sinabi ng isa sa kambal.

"Kung ang mga staff dito maloloko niyo ako hindi. Imposibleng hindi niyo alam na nandito kami. Bakit kayo mag pipilit na pumunta dito kung hindi niyo alam"

"Hindi nga namin alam. Hindi namin alam na makikita ka namin dito kasama ang Asawa namin at mukang nag sasaya pa" si Ezra habang nakatingin sa akin. Talagang diniinan niya ang pag sabi ng "Asawa" napaiwas nalang ako ng tingin dahil sa ilang.

"Hindi niyo siya asawa"

"Asawa padin namin siya dahil hindi pa naayos ang annulment at hinding hindi kami papayag na maayos yon" gigil na sabi ni Eroz.

"Pwede bang tumigil na kayo? Umalis na kayo, Wag niyo kaming guluhin" hindi ko na napigilan ang sariling sungitan ang dalawa.

Lumambot ang mga ekspresyon nito nang tumingin sa akin. Napansin siguro nilang nilalamig ako dahil nakayakap ako sa sarili. Hinuhubad palang ni Ezra ang jacket na suot niya ay naipatong na agad ni Alerick ang jacket niya sa balikat ko.

Tiim bagang nanamang tinignan ng kambal ang pinsan.

"Thank you" ani ko kay Alerick.

Biglang lumapit sa amin si Ezra at hinablot ang jacket sa balikat ko. Pabato niya iyong ibinalik kay Alerick at ipinalit ang kaniya.

"Come on Wife" nagulat ako sa itinawag sa akin ni Eroz ng hinalahin niya ako palayo.

"Ano ba! Sinabing umalis na nga kayo. Hindi ako sasama sainyo" Bwiset kong ibinato sa kaniya ang jacket niya.

"Wife come on, Tara na" pag pipilit niya ulit

"Ang kukulit niyo ayoko nga! Ayoko sainyo!"

Natigilan ang kambal sa sinabi ko. Umiigting na ang panga ni Eroz dahil sa inis at inip.

"Bakit? kayo na niyang lalaki mo?" tanong ni Ezra

Wow ha, makalalaki kala mo hindi nangaliwa noon.

"Not yet" diniinan ni Alerick ang pagkakasabi ng yet

Mukang kumulo nanaman ang dugo ng dalawa dahil nakakuyom na ang mga kamao nito.

Ngumisi si Alerick sabay akbay sa akin. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nanlaki nalang ang mata ng bigla sugudin ni Eroz si Alerick.

My Gay HusbandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon