Chapter 27

48.6K 996 89
                                    



Chapter 27
Elevator

"Hijos we're sorry pero kailangan. Mas mabilis gagaling si Peachy doon" ang nanay ni Peachy habang nakatayo sa tabi ng kama.

"Tita sasama nalang ho kami" pangungulit ni Ezra

"Hijo babalik din naman kami agad pag maayos na ang lagay niya"

"Sasama padin ho kami. Hindi ho namin iiwan ang asawa nami-"

"Anak tama na" Si Zahara at hinawakan sa braso ang anak para pigilan. "Hayaan niyo na muna sila. Babalik din sila kapag maayos na si Peachy" hinimas himas pa niya ang braso ni Ezra

"Pero Ma, Si Peachy" reklamo nanaman ni Eroz.

Malungkot na tumingin sa kaniya ang nanay at binigyan ng tingin na parang sinasabi niyang sumunod nalamang sa kaniya.

Pareho napa buntong hininga ang kambal at tsaka nilapitan ang asawang hanggang ngayon ay hindi padin nagigising. Mag kabila silang naupo sa tabi ng kama nito at marahang hinawakan ang kamay. Hinaplos ni Eroz ang kamay nito at si Ezra'y pinatakan iyon ng mga halik.

"Mauna na muna kami" paalam ng magulang ng asawa nila.

Tumango ang dalawa sa mga ito. Sabay ng pag labas ng magulang ni Peachy ay nag paalam din ang magulang nila na uuwi na muna ng saglit.

"Mag ingat kayo Ma" ani ni Eroz sa magulang na ikina ngiti ng mga ito.

Mag tatalong linggo na sila sa ospital mula ng mawalan ng malay si Peachy pero hanggang ngayon hindi padin ito nagigising. Gustong dalhin ng magulang ni Peachy ang anak nila sa America dahil mas mapapabilis ang pag galing niya doon.

Hanggang ngayon hindi padin nila alam ang dahilan kung bakit bigla nalang umalis ang dalaga sa resort noon.

"Tingin mo ba dahil doon sa text?" tanong ni Ezra sa kapatid.

"Maaari. I don't know. Baka akala niya'y niloloko nanaman natin siya. Well we can't blame her. Sa ginawa ba naman nating pang loloko noon" napatungo si Eroz at tinignan ang kamay ng asawang may swero.

"Swerte pa nga tayo at binigyan pa niya tayo ng tsansa." dagdag pa nito.

Ipinikit ni Ezra ang mata niya at isinubsob ang mukha sa kamay na hawak hawak niya. Pinipigilan niyang tumulo ang luhang kanina pa gustong tumulo.

"Wife..." nabagsag ang boses niya dahil sa pag pigil ng iyak.

"Please wake up...Babawi pa kami sayo diba? Please wake up...Mahal na mahal ka namin" tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya at pumatak pa yon sa kamay ng asawa.

Buong mag hapon nanatili ang kambal sa kwarto ng dalaga. Hindi sila umalis sa tabi nito at parang takot na takot mawala sa paningin.

12 hours. 12 hours nalang at aalis na ang asawa nila kaya naman ayaw umalis ng mga ito. Ayaw nilang mahiwalay dito pero gusto nilang gumaling ang dalaga.

They will wait. Yan ang sabi nila sa sarili nila. Kahit gaano pa katagal yan, Mag hihintay sila. Hindi nila susukuan ang asawa nila dahil sila nga'y hindi sinukuan nito noon.




"Mga anak tara na" hinihila papalayo ni Zahara and dalawang anak sa tabi ng kama ni Peachy dahil ayaw umalis ng mga ito doon.

Parehong lumuluha ang mata ng kambal at tumayo mula sa pag kakaupo sa tabi ng kama. Maingat nila itong hinalikan sa noo at tsaka lumayo.

"Tita please update us" umiiyak na ani ni Eroz sa nanay ni Peachy

Malungkot itong ngumiti sa kaniya at tumago. Nilapitan sila nito at tsaka niyakap ng napaka higpit.

"Don't worry Hijos, Kami ang bahala kay Peachy. Wag kayong mag aalala ha"

Tumango tango ang kambal at tsaka humiwalay.

"Come on sons" iginaya sila ng magulang papalabas ng kwarto.

Bumuntong hininga ang dalawa at muling sinulyapan ang asawa sa muling pag kakataon. We will wait Wife. Iintayin ka namin.




Isang linggo na mula ng umalis ang asawa nila kasama ang magulang nito at isang linggo na ding wala sa wisyo ang mag kapatid. Ngayon lang sila muling papasok sa opisina nila dahil sa nag daang linggo wala silang ibang ginawa kung hindi tumitig sa telepono nila at mag intay ng text o tawag mula sa magulang ni Peachy.

Day after umalis ng mga ito ay nag message ang nanay ni Peachy na nakarating na sila at naipasok na nila sa ospita si Peachy pero tulad ng nasa pilipinas ay wala pading siyang malay.

"Good afternoon Sirs"

"Magandang hapon po"

"Sir Good afternoon po"

Bati ng mga empleyado sa dalawa pero parang mga walang buhay itong nag lalakad patungo sa special elevator nila. Tulalang daretsyo ang tingin ng mga ito.

"Shit"

Tsaka lang natauhan si Ezra ng may mabanga siya at bumagsak ang mga papeles na dala non.

"I'm so-"

Si Alerick

Hindi nag salita ang kambal pero tinulungan ng mga ito ang pinsan na pulutin ang mga lumipad na papeles.

Sabay pumasok ang tatlo sa elevator at parang mabibingin sila sa tahimik doon.

"How's Peachy?" pag basag ni Alerick sa katahimikan.

"She's in US. Hindi padin daw nagigising sabi ni Tita" si Eroz ang sumagot. Alam nilang nabalitaan na din nito ang nangyari sa asawa.

Matagal uling walang umimik sa tatlo.

"Bro" tawag nito sa kambal na pinsan.

Walang sumagot at wala ding lumingon sa kaniya kaya itinuloy nalang niya sa sasabihin niya.

"Pag nagising na siya... Please treat her right. Treat her like a queen because that's what she deserve."

"Una palang alam ko ng wala akong pag asa sa kaniya pero sinubukan ko padin. Now i'm really sure na wala na talaga kaya sana...alagaan niyo siya. Wag niyo ng ulitin pa ang mga katarantaduhan niyo noon dahil pag nangyari yon, gusto man ako ni Peachy o hindi aagawin ko siya sainyo" ano niya sa mga pinsan na nakatalikod padin sa kaniya.

Hindi sumagot ang mga ito at nanatiling tahimik. Tumigil naman na ang elevator sa floor kung saan bababa si Alerick. Dumaan siya sa gitna ng dalawa at lumabas. Papasok na sana siya ng opisina ng mag salita si Ezra.

"Alerick"

Nilingon niya ang pinsan na nasa loob ng elevator. Tinaasan niya ng kilay ito na parang tinatanong kung bakit.

"That will never happen" at sumara na ang pintuan ng elevator.

Mahina nalang napatawa si Alerick at tsaka iiling iling na pumasok sa opisina.


FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Gay HusbandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon