Chapter 17
AnnulmentNatigilan ang kambal sa sinabi ko. Kahit si Alerick ay mukhang nagulat din sa nadinig niya. Noong isang linggo ko pa pinag iisipan yon.
"No! Hindi ako papayag, Hindi kami papayag" pag alma agad ni Eroz.
"Why not? Hindi ba yun ang gusto niyong dalawa?" pinipigilan kong lumakas ang boses ko dahil baka pag tinginan kami ng mga bisita.
Hindi nakaimik ang dalawa. Tiim bagang silang naka tingin sa amin ni Alerick na ngayo'y naka ngisi sa kanila.
"Oh ano? Bakit hindi kayo makasagot?" parang nang hahamon na ani ni Alerick sa mga ito.
"Shut up Alerick, Wag kang mangialam dito" galit na sabi ni Ezra na napa tayo pa sa kinauupuan niya.
"Hey, Hey what's happening here."
Napatayo na din ako ng dumating sila Mama. Nasa likod niya sila Tita Zahara,Tito Ezekiel, Papa pati nadin si Jessy at Luke kaya ang ilan sa mga bisita ay napapatingin na sa amin.
"Pakielamero ka talaga eh noh" lalapitan pa sana ni Eroz ang pinsan niya pero mabilis siyang nahawakan ni Tita Ezekiel.
Napa iling nalang ako sa inis at tsaka sila tinalikurang lahat.
"Peachy" nadinig ko pang pag tawag ni Alerick pero hindi na ako lumingon pa
"Ako na" si Jessy.
Dumaretsyo ako sa second floor ng venue at pumunta sa isang balcony doon. Nahihirapan nanaman akong makahinga doon.
"Bes" pag tawag ni Jessy na sumunod sa akin.
Kusang nag tuluan ang mga luha sa pisnge ko. Agad akong niyakap ni Jessy at sumubsob ako sa balikat niya. Hinimas himas niya ang likod ko habang pinapatahan.
"Naguguluhan na ko Jes" bulong ko at tsaka lumayo. Pinunasan ko ang basang basa kong pisnge. Humihikbi akong tumingin sa kalangitan.
"Ang sabi nila'y hindi nila ako gusto pero ng sabihin ko kaninang gusto ko na ng annulment ay ayaw pumayag ng mga to. Ang gulo gulo"
"Baka na realize na nilang may gusto din sila sayo?"
Natawa naman ako ng mahina sa sinabi ni Jessy. Sila? Eh kulang na nga lang kaladkadin na ako ng mga yon papalabas ng bahay namin para lang hindi nila ako makita tapos ngayon gusto nila ko? Nakakasakit ng ulo!
"Teka" sabi ni Jes at nang lingunin ko siya ay pababa na siya ng hagdan.
Naupo ako sa isang rattan chair at inantay bumalik si Jessy. Pag akyat nito'y may dala dala na siya mga bote ng alak. Napangiti ako. Alam na talaga niya ang gusto ko.
Ngingiti ngiti niyang inabot sa akin ang isang bote na agad ko din naman agad tingap.
Hindi ko na alam ilang oras kaming nag kwentuhan at ilang bote ang nainom namin. Namalayan ko nalang na inaalaayan na kami nila Luke at Alerick pababa ng hagdan.
"Lasing na lasing ka" ani ni Alerick habang pababa kami ng hagdan. Naka pulupot ang braso niya sa bewang ko at ako naman ay naka akbay sa kaniya.
"Hindi ah" pupungas pungas kong sabi.
"Tsk"
![](https://img.wattpad.com/cover/291947624-288-k783209.jpg)