Chapter 15

56.4K 1.2K 65
                                    



Chapter 15
Date

"Nandito naman ako"

Umawang ang labi ko sa sinabi ni Alerick. Anong ibig sabihin niya sa nandito naman siya?

"H-Ha?" hinila ko papaalis ang kamay ko. Mukha namang nagulat din siya sa ginawa niya at tinangal din sa lamesa ang kamay.

"I like you Peachy" daretsyo nitong sabi.

Ano daw? Tama ba ang pag kakarinig ko o nabibingi lang ako? I like you?

"A-Ano bang sina sabi mo dyan?" sinubukan kong tumawa para alisin ang pag ka awkward sa pagitan namin.

Matagal siyang natahimik at nakatitig lang sa akin. Pilit kong iniiwas ang tingin dahil naiilang ako sa sinabi niya. Alerick ano ba to!

"I'm serious" ibinalik niya ang kakawahak sa kamay ko.

Bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Hindi ako makatingin ng daretsyo sa mga mata niya kaya sa kamay nalang ako tumingin.

"Maam,Sir"

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng dumating ang waiter. Dala dala na nito ang mga pagkaing inorder namin kaya inalis na ni Alerick ang kamay.

Tumikhim ako ng malakas at tsaka sinimulan nalang kumain. Natahimik din naman siya habang nakain kami.

Ano bang pinag sasabi nitong si Alerick. Nasisiraan na ba din siya ng ulo tulad ng mga pinsan niya. Ni hindi pa nga ako nakaka move on sa dalawa eh sasabihin niyang gusto niya ako.





"Peachy" tawag ni Alerick habang nag lalakad kami papalabas ng restaurant.

"Y-Yes?"

"Ahh...Ano, I just want you to know na seryoso ako sa sinabi ko kanina. Hindi ako nag bibiro"

Bumuntong hininga ako at tsaka lumapit sa kaniya.

"Alerick alam mo ba yang pinag sasabi mo? Paano mo nasabing may gusto ka sakin?" kunot noo kong tanong

"Simula ng una kitang makita Peachy. Sa opisina, nung naka bangaan kita, Kaya nga nalungkot ako nung sinabi mong ikaw ang asawa ng kambal. Wala akong balak sirain ang relasyon niyo pero kung ginaganyan kalang nila mas mabuting pang...."

Tinitignan ko siya na parang inaantay ang kasunod ng sasabihin niyang. Napa iwas siya ng tingin at huminga ng malalim.

"Peachy hindi kita minamadali. Gusto ko lang aminin sayo ang nararamdaman ko at hayaan mo sana akong iparamdam sayo yon"

"Alerick alam mong kakatapos ko lang sa kambal. Oo galit ako sa kanila pero yung pag mamahal ko nandito padin" dinuro duro ako sa dibdib ko.

"I know, At hindi kita pinipilit na kalimutan sila Peachy. Alam kong mahirap sayo ang nangyari kaya nga gusto kong nasa tabi mo para matulungan kita"

Naguguluhan na talaga ako sa mga pinag sasabi niya. Akala ko ay mag kaibigan lang kami. Akala ko ay yun lang ang tingin niya sa akin tapos ngayon sasabihin niyang gusto niya ako. Ni hindi ko pa nahihiwalayan ang kambal.

"Bahala ka Alerick, Bahala ka" gulong gulo kong sabi at tinalikuran na siya para pumasok sa kotse.

Iniistart ko palang ang makina ay sumilip siya sa bintana kong naka bukas.

"By the way tomorrow may party hindi ba?" tanong niya

Imbitado din ba siya?

"Yeah, Imbitado ka?"

"Yeah, Can you be my date?" daretsyo nanaman niyang tanong

Balak ata akong patayin nito sa gulat dahil sa mga sina sabi niya. Wala man lang preno? Dare daretsyo talaga?

"Fine, Sunduin mo ako, 7pm"

"Ok. I'll see you tomorrow" nginitian niya ako ng malaki

"Yeah, See you" at isiniara ko na ang bintana.

Nakita ko sa side mirror na umalis na din ito at pumunta sa kotse niya. Binusinahan ko nalang siya bago umalis at kumaway lang ito sa akin.




"The red one para naman pasabog ka ganon. Lalo na nandon yung mga asawa mo, para mapanganga sila sa kagandahan mo" sabi ni Jessy na naka dikwatrong naka upo sa kama ko habang ako'y nasa harapan ng malaking salamin.

"Ewan ko sayo Jes" inirapan ko siya at tsaka hinarap ang sarili sa salamin.

I'm wearing a red V neck dress na backless. Ang sapatos ko naman ay black louis vuitton na stiletto, syempre ang magaling ko ding kaibigan ang pumili.

Si Jessy naman ay naka white dress. Invited din sila ni Luke sa party dahil isa din siya sa mga business partner.

"Oh" abot sa akin ni Jes ng isang red lipstick.

"Sobrang pula naman, Para pinadugo ang labi ko" angal ko pero pinag pilitan niya lang sakin yon.

Wala akong nagawa kung hindi tangapin nalang din yon at inapply sa labi. Kahit sobrang pula ay maganda ito.

"Sasabay ka ba samin ni Luke?" tanong niya

"No, Susunduin ako ni Alerick, Siya ang date ko sa party" sagot ko habang nag hahanap ng mai teternong bag

"Alerick? Alerick Del Faroja? Your husbands cousin?" taka niyang tanong sa akin

"Yeah. Siya nga"

"Wait, Wait, at bakit ka niya susunduin?" nilapitan niya ako sa closet

Itinigil ko ang pag hahanap ng bag at hinarap siya. Naka tuon ang dalawa niya kamay sa tabi ng pintuan at nang iintriga ang mga tingin.

"Well kahapon nag kita kami sa grocery, Niyaya niya akong kumain ng lunch. We're friends kaya pumayag ako pero noong nandon na kami umamin siyang may gusto daw siya sakin" i explained

"What?" nanlalaking matang tuluyan siyang pumasok sa closet.

"Gash...alam ba niya ng nangyari sa inyo ng kambal?"

"Yeah, He said hindi naman daw niya ako minamadali at gusto lang niya iparamdam sa akin ang nararamdaman niya." nag kibit balikat ako sa kaniya at tsaka ulit tumalikod. Kinuha ko ang isang maliit na white shoulder bag. Eto nalang ang gagamitin ko.

"Grabe hanga na talaga ako sa haba ng buhok mo" umaakto pa siyang sinusuklay ang mahabang buhok.

"Gaga"

FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Gay HusbandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon