Special Chapter 1

45.8K 1K 147
                                    




Special Chapter
Honeymoon


"Mamaaa!! Ayaww" palahaw ni Empress habang naka yakap sa binti ng ina.

"Papa!! Daddy!!!" napa upo ito sa sahig pero hindi tinangal ang pag kakayakap sa ina.

"Anak, Tayo na" si Ezra at pilit itong itinatayo.

"Ayaw Papa, Ayaw Empress alis kayooo!!" mas lalo itong nag wala.

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng ikasal sila. Papunta naman sila ngayon sa Cebu para doon mag honeymoon, ang problema nga lang ayaw silang paalisin ng anak nila. Pag tapos palang ng kasal nila noon nag paalam na sila kay Empress na mawawala sila ng ilang araw, Pumayag ito noon at sinabing sa Lolo at Lola nalang daw muna siya kaya hindi nila maintindihan ngayon kung bakit ito iyak ng iyak.

Naupo si Peachy sa sahig para saluhan ang anak doon. Yumakap ito ng pag kahigpit higpit sa kaniya na parang ayaw talaga sila paalisin.

"Nak 3 days lang naman kami doon, Babalik din kami nila Papa at Daddy mo. Tsaka nandyan naman sila Lola mo, Sasamahan ka nila habang wala kami. Wag nang umiyak ha" pinunasan niya ang luha.

Humagulgol ng humagulgol ang anak nila sa dibdib nito. Sina Eroz at Ezra at nasa likod ng anak, hinahaplos ang likod para patahanin.

Maya maya natahimik si Empress, akala nila'y tumahan na ito pero bigla siyang tumayo at tumakbo papunta kay Tita Zahara. Yumakap ito at nag pabuhat.

"Lola" parang nag susumbong na ani nito.

"Apo don't cry. It's ok nandito naman kami. Saglit lang sila Mama mo ha" malambing nitong sabi pero tuloy padin sa pag iyak ang bata.

Napabuntong hininga si Eroz sa awa sa anak. Kanina pa ito walang tigil na umiiyak kaya basang basa na ang mukha dahil sa pawis at luha.

"Come here Anak" kinuha niya ito sa nanay nila at kinalong. Yumakap si Empress sa batok niya at isinubsob ang mukha sa leeg.

"How about this Anak, Aalis kami nila Mommy mo ngayon then babalik kami after 3 days tapos pag balik namin mamamasyal tayo. Saan mo gusto? Mall?
Beach? Amusement pa-"

"Disney land" bulong no Empress

"Ok. We'll go to Disney land pag balik na pag balik namin. Pupuntahan natin si Elsa diba favorite mo siya?"

Tumango tango si Empress. Maya maya ay nag pababa na ito mula sa pag kakakalong.

"Anak wag nang iiyak po ha? Wag matigas ulo kila Lola" hinalikan ni Peachy sa noo ang anak at masunurin naman itong tumango.

"Opo Mama, I'm sorry" nakanguso niyang ani.

"It's ok Princess. Oh kiss na si Papa" si Ezra

Masaya namang yumakap si Empress dito at pinugpog ng halik ang pisnge. Pati si Eroz ay nakisali na din na ikina ngiti nila Peachy at nang magulang ng kambal.

"Time to go. Kanina pa nag aantay si Manong" si Peachy

"Babye Mama, Papa, Daddy!" hawak siya ni Zahara sa balikat at siya'y kumakaway sa magulang.

Nag flying kiss si Peachy at tsaka sila sabay sabay na lumabas ng mga asawa niya.

"Ahh i'm gonna miss Empress" malungkot na ano ni Peachy ng makapasok sila sa kotse.

"It's ok Wife. Babalik din tayo. Pero for the next 3 days sa amin ka muna. Gagawa tayong kapatid ni Empress" si Eroz

"Eroz! Manahimik ka nga" kinurot niya ang tagiliran nito. Namumula na din ang mukha niya sa hiya. Baka kasi madinig sila ng driver.

My Gay HusbandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon