Prologue

483 33 0
                                    

NARRATOR POV:

"Jaydee!"sigaw ni Amy, gulat na napatingin si Jaydee dahilan para matalisod ang paa niya pababa sa mataas na bangin.

Akmang mahuhulog na siya nang mabilis na tumakbo si Amy at hawakan ang kamay ni Jaydee, she's trying her best to pulled Jaydee back but she's not strong enough.

"Ja-Jaydee... Ho-hold tight!"hirap na hirap na sabi niya.

"Amy... Amy, tignan mo'ko"tawag ni Jaydee kay Amy, ginawa naman niya ang utos ni Jaydee at tinignan niya 'to ng may bahid nang takot. "Amy... Mahal kita..."saad ni Jaydee at binitawan ang kamay ni Amy, nanlaki naman ang mata niya at pilit na hinahabol ang kamay ni Jaydee.

"JAYDEE!"sigaw niya at sunod-sunod na tulo nang luha ang lumabas sa mata niya, tila bumagal ang ikot nang mundo ni Jaydee habang nakatingin kay Amy ngayon.

Nakatitig siya sa mata nitong tila dyamante 'kung titigan, alam n'yang sapagkakataon na'to ay mawawala na siya. Dahan-dahan na pinikit niya ang mata niya at hinihintay na maramdaman ang sakit nang pagkabagsak niya.

"Amy..."

"Jaydee, buti naman ikaw ay sumang-ayon na makipagkita sa'kin"nakangiting saad ni Amy sakanya, inaya siya ni Jaydee na umupo sa isang gawang swing ni Jaydee. Gamit ne'to ang lumang talyer na hindi na kailan man magagamit pa.

"Amy, may ipagtatapat sana 'ko sa'yo"

"Ano 'yun, Jaydee?"

Tumitig muna si Jaydee sa mata ni Amy bago niya sabihin ang nararamdaman dito, alam n'yang bawal at mali 'tong ginagawa nila pero nangako siya sa sarili niya na ipaglalaban niya si Amy.

"Mahal kita... Mahal kita, Amy... Hindi 'ko ma-wari 'kung kailan nagsimula pero isa lang ang alam 'ko... At 'yun ay mahal kita"pagsasabi niya nang totoo, malakas ang kabog nang dibdib niya dahil sa kaba na nararamdaman. 'To ang unang pagkakataon na umamin siya sa isang taong mahal niya nang totoo n'yang nararamdaman. "A-ayos lang 'kung... Hi-hindi mo ibabalik ang pagmamahal na naramdaman 'ko para sa---"

Di niya natapos ang sasabihin niya nang mabilis na hawakan ni Amy ang magkabilang pisnge niya at gawaran siya nang isang matamis na halik, pinikit na lamang ni Jaydee ang ka n'yang mga mata habang dinaramdam ang labi ni Amy.

Hinalikan ni Amy si Jaydee dahil sa gusto din niya 'to, nagsimula lang 'to nung mga araw na andito din sila sa lugar 'kung saan lagi silang nagtatagpo.

"Mahal din kita, Jaydee..."

______________________________________________.

HEIRESS LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon