Seite

140 19 0
                                    

JAYDEE POV:

Napangiwi 'ko ng di tumama sa gitna ang dart pin 'ko, narinig 'ko naman ang sarcasticang tawa ni Madie sa kaliwang bahagi 'ko.

"Ano... Kaya pa ba, Master!... Jaydee?"birong tanung niya, bumuntong hininga naman 'ko at umatras para maka-punta na siya sa gitna 'kung saan doon ka dapat titira.

"Lord... Maawa po kayo sa'kin, ipaubaya niyo na po sa'kin ang panalong 'to"pagdadasal 'ko, nakatitig lang 'ko sa galaw ni Madie. Tinatanya pa niya 'to bago ihagis sa dart board.

Napangiwi naman muli 'ko at inis na sinipa ang bato, buti nalang at walang tao sa likod 'ko.

"Paano ba 'yan, Villaruel... Talo ka... Gawin muna ang pinagkasunduan na'tin"saad niya na tila may nakakaasar na tono, tumango nalang 'ko at naglakad na papalayo sakanya. "At!"pahabol niya, napahinto naman 'ko sapaglalakad at tinignan siya.

"Ano po 'yun, binibini?"magalang na tanung 'ko sakanya, lumapit siya sa'kin at tinignan 'ko diretso sa mata.

"Wa-wala..."

"Ano nga kase 'yun, binibini? Alam 'kung may gusto kang sab---"

"Iniiba mo lang ang usapan na'tin, Villaruel. Gawin muna ang mga bagay na hindi mo po nagagawa"sapaw niya, napangiti naman 'ko ng nakakaluko kaya tinaasan niya 'ko ng kilay.

"Sigurado ka na ba jan talaga, binibini?"nakangiting tanung 'ko sakanya, mas lalo naman s'yang naguluhan.

Oh, no, did I get too close?
Oh, did I almost see what's really on the inside?...

Dahan-dahan na lumapit 'ko sakanya, umayos naman agad siya nang tayo at gulat na tinignan 'ko.

"Ja-Jaydee..."tila kinakabahan na may halong lito na tawag niya sa'kin, hinawakan 'ko ang kamay niya.

"Samahan mo'ko gawin ang isang bagay na di'ko pa nagagawa"

All your insecurities
All the dirty laundry
Never made me blink one time...

Di'ko na hininintay ang sagot niya at agad s'yang hinila papunta sa isang ilog malapit dito sa plaza, alam 'kung tago ang lugar na'to dahil hindi naman 'to pinupuntahan nang mga tao dahil sa nakakatakot daw 'to.

"Te-teka... Ja-Jaydee, hi-hinihingal 'ko"saad ni Madie, huminto na muna 'ko at pinagpagan ang bato na pwede n'yang upuan.

"Dito..."aya 'ko sakanya, tinignan niya pa'ko kaya tumango na ngumiti 'ko sakanya. "Pahinga ka muna, medyo malayo-layo 'to e"wika 'ko, sinilip 'ko ang daan 'kung saan kami pumasok.

"Jaydee, wag mong sabihin na... Pupunta tayo sa ilog na nakakatakot"tila kinakabahan na sambit niya, bahagya naman 'kong natawa at tumango sakanya. "Ay na'ko, Jaydee! Ayaw kuna, suko na'ko... Uuwi na tay---"

"Bahala ka, uuwi ka ng mag-isa jan sa daanan n'yan"pananakot 'ko, agad naman s'yang bumalik sapagkaka-upo niya sa bato na nakasimangot na.

Tumayo 'ko at nilahad ang kanang kamay 'ko. "Tara na, lalo't mas nakakatakot 'kung gagabihin tayo, binibini"saad 'ko, labag sa kalooban na hinawakan ang niya ang kanang kamay 'ko. "Wag ka magaalala, binibini. 'Ko bahala sa'yo"

---

Ilang minuto pa'y nakarating na kami sa ilog, hindi malakas ang agos nang tubig ne'to. Hawak-hawak 'ko ang kamay ni Madie ngayon dahil sa natatakot siya.

"Jay-Jaydee... Pwe-pwede na ba tayo umuwi?"kinakabahan na tanung niya muli sa'kin, napangiti naman 'ko tsaka sinulyapan lang siya.

"Dito tayo"saad 'ko, pinagpagan 'ko naman ang isang bato na mas malaki kumpara sa bato kanina na inupoan niya. Tinignan 'ko si Madie na tila palinga-linga sa paligid, bahagya naman 'kong natawa. "Binibini, tignan mo ang mga mata 'ko"utos 'ko sakanya, ginawa naman niya ang sinabi 'ko. "Walang multo o masamang nilalang dito, oo nga't... Hindi 'to pinupuntahan nang ibang tao pero hindi ibig sabihin nun ay dahil hindi na'to kanais-nais na puntahan"seryusong sabi 'ko, nakatitig lang siya sa mukha 'ko.

HEIRESS LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon