AMY POV:
Habang nasa sasakyan ako ay di mawala sa isip ko ang pangalan ni Jaydee, matagal kuna s'yang karibal sa mga gawain sa bayan na'min.
Pabida kase...
Lalo na kung fiesta sa'min, lagi ko s'yang nakikita sa plaza. Minsan pa nga nagnanakaw 'to ng mga prutas kasama ang dalawang alagad niya.
Napailang nalang ako at tumingin sa kaliwang bahagi ng bintana, sakto nakakarating lang ng sasakyan na'min sa iskwelahan kaya pinagbuksan ako ng tagapagmaniho ko.
Bumaba ako ng sasakyan at naglakad na papunta sa loob ng paaralan, yumuko pa ang mga estudyante na nadadaanan ko.
Di'ko nalang sila pinansin at dire-diretsong naglakad lang, habang naglalakad ako ay may bumangga sa likod dahilan para matalisod din ako.
"Bwesit na! Di ka ba marunong tumingin sa daan?!"inis na bulyaw ko dito tsaka lumingon, laking gulat ko ng makita ang kalagayan niya.
Hindi siya nakatingin sa'kin pero nahihirapan s'yang tumayo dahil sa sugat sa paa niya, pilit n'yang kinukuha ang saklay niya habang nasa tapat niya ako.
Labag man sa kalooban ko ay kinuha ko'to tsaka siya tinulungan, Nang makatayo na siya naalay-alay ang ka'yang saklay at iniwan kuna siya.
"Salamat..."halos pabulong n'yang sabi ngunit narinig ko 'yun, di'ko namalayan na nakangiti na pala ako habang naglalakad papunta sa silid aralan ko.
LANEY POV:
Nakita ko si Amy at Jaydee sa main hall kaya nakangiti na naglalakad ako papunta sa silid aralan ko ngayon, di maimpita ang mukha ni Amy habang tinutulongan si Jaydee kanina.
Paano kaya nakuha ni Jaydee ang ganun klaseng itsura?...
May tila pasa siya sa kanang pisnge niya e, tas may saklay pangakay-akay sakanya?...
"Kay lalim naman ng iniisip niyo, binibini"
Nag-iba agad ang ekspresyon ko ng marinig ko ang boses niya, huminto lang ako sapaglalakad ngunit di'ko siya nililingunan.
"Baka malu---"
"Pwedeng itokom mo ang 'yong bibig at wag na'ko pansinin muli?"iritang sabi ko ng di parin siya tinitignan, narinig ko naman ang nakakaasar n'yang tawa.
"Ganun ba ang 'yong nais, binibini? Sige..."saad niya, akala ko wala na siya pero naramdaman ko nalang ang hininga niya sa kaliwang tenga ko. "Pero bago 'yan... Magkita tayo sa Isla na paga-ari ninyo, mamayang alas y seis ng gabi"bulong niya bago ako lagpasan, taas noong naglakad 'to papunta sa katabing silid na'min.
"Argh! Nakakainis ka talaga Daryll!"
JAYDEE POV:
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng silid aralan na'min, nawalan ako ng ganang makinig ngayon dahil sa mga nangyayari sa'kin ngayong araw.
Naglalakad na'ko papunta sa iskwelahan ngayon ng mag-isa, minsan kasabay ko si Gabb at Daryll kaso wala sila ngayon.
Naiinis ako kase para akong pilay ne'to, may ibang pinagchi-chismisan pa nga ako e.
Di'ko namalayan na may nabangga na pala akong isang siga sa kanto, tinulak niya ako kaya natumba ako.
"Gago ka ba?! Dapat tumingin-tingin ka sa dinadaan mo!"tila galit na sigaw ne'to, nalasahan ko nalang bigla ang dugo sa labi ko kaya dinilaan ko'to.
BINABASA MO ANG
HEIRESS LIFE
FanfictionAmanda "Amy" Isidto is the heiress of the town called Werdom, she have the power to command people to obey her. Pero 'kung isang tao lang ang paguusapan na kayang sumuway sakanya, siya si Jennifer "Jaydee" Nandy Garcia Villaruel isang magsasaka na p...