Quince

143 30 3
                                    

AMY POV:

"Amanda, mag-usap nga tayo"tawag ni Papa sa'kin, pumasok ako sa kwarto ko at sumunod naman siya.

Umupo ako sa silya na andito sa kwarto ko at nakatayo lang si Papa malapit sa pinto ng kwarto ko, di'ko siya tinignan at nakatingin lang sa pader na nasa harap ko ngayon.

"Anong ginawa sa'yo nung batang Villaruel? Ba't mo siya trinatrato ng ganito, Amanda? Anong makasalanan ang gina---"

"Pinahiya niya ako, Pa!"inis na sapaw ko. "Pinahiya niya ako sa napakaraming tao! Kanina din, kinausap ko siya pero pabalang na sinasagot niya din ako! Anong gagawin ko sakanya?! Hahayaan nalang s'yang bastosin ako? Pa, isa akong binibini... Binibini na anak ng hari ng bayan na'to"

"Pero isa s'yang Villaruel, Amanda. Alam mo naman kung ano ang apelyedo na meron sa Villaruel, diba?"tanung ni Papa sa'kin, nag-iwas ako ng tingin sakanya at pinahiran ang luha ko.

Naramdaman ko na hinawakan ni Papa ang balikat ko at pinasandal ang ulo ko sa kanang balikat niya, tahimik n'yang hinahagod ang kanang braso ko habang di naman ako tumitigil sapag-iyak.

"Pinahiya niya ako sa harap ng madaming tao, Pa... Gumawa siya ng bitag sa banyo na'min at nung oras na binuksan ko ang pinto ng banyo, bumuhos sa'kin lahat ng masang-sang na amoy. Nakakahiya, Pa... Ayaw kuna na nga pumasok sa iskwela dahil dun pero kailangan e... Kase kinabukasan ko 'yun... Nalaman ko nalang na siya pala ang gumawa nun nung nakita siya ni Ate Sela, sinabi niya sa'kin kahapon... Pa, hindi niyo ba siya paparusahan? Ayaw niyo ba ako iganti? 'Yun lang ang tanging ganti ang nagawa ko sak---"

"Amy, mali parin 'yun. Hindi sa kampi ako sakanya pero makasalanan ang gumanti sa kapwa, anak. Alam kung alam mo 'yun, malaki kana at alam muna ang tama at mali. Isa pa, hindi lang siya isang ordenaryong tao dito... Hindi pa siguro niya alam ngunit kahit ganun ay bigyan na'tin siya ng kunting respeto na dapat sakanya"mahabang linta ni Papa, di naman ako sumagot at nanatiling tahimik nalang muna.

Nalaman ko lang na siya pala ang nagpahiya sa'kin nung eksena sa banyo, kaya galit na galit ako sakanya.

Gusto ko s'yang saktan pero alam kung mas lalong magagalit si Papa sa'kin, ba't pa kase napadpad dito 'yang babaeng 'yan?! Nakakainis siya!.

"Tayo na't bumaba, huminga ka ng tawad kay Jaydee, anak"

Labag man sa kalooban ko ngunit wala akong magagawa, paghindi ko sinunod si Papa ay magaaway pa kami.

Bumaba kami sa ikalawang palapag ng palasyo at pumunta sa kusina, kung saan ang karibal ko.

"Ho? E... Nakakahiya naman---"rinig kung sabi niya, napatawa naman ako ng pabalang.

"May hiya ka pa pala? Kala ko wala na"pabalang na sapaw ko sa usapan nila, pumunta ako sa gilid niya na may metro ang layo.

"Amanda!"saway ni Papa sa'kin, napairap naman ako.

"Pasalamat ka at mabait magulang ko sa'yo"saad ko, tumawa naman 'to ng pabalang kaya nagsimula nanaman akong mainis.

"Pasalamat nadin ako na hindi ka tumulad sakanila"sabat niya pa, sabay na nagsalubong ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Tila napantig ang tenga ko at nag-simulang uminit ang ulo ko.

"Anong sabi mo?! Magpasalamat ako na hindi ako tumulad sakanila? Bakit? Kase gusto mo pagsamantalahan ang kabaitan nila sa'yo? Ganyan naman talaga ka'yong mga magsasa---"wika ko at di na napigilan ang galit na namumuo sa'kin ngayon.

"Amand, isa nalang!"saway muli ni Papa, saglit na tinignan ko siya na galit na galit nasa sa'kin. Nag-iwas ako ng tingin at binaling nalang sa labas ng bintana.

Biglang bumakas ang pinto ng kwarto ko at iniluwal ne'to si Mama, nakasuot siya ng mestiza attire na karaniwang sinusuot nalang sa'min kapag nasa palasyo o labas man kami.

"Sundan mo si Jaydee at ihatid sa bahay nila, ngayon din"madiin na utos niya sa'kin, di makapaniwalang tinignan ko naman siya. "What are you staring there? Get up and make a move, Amanda"saad niya pa, napailang nalang ako at agad-agad na lumabas sa kwarto ko.

Paglabas ko sa palasyo ay nakita ko ang tagapagmaniho ko na nakahanda nasa labas, talagang pinagplanuhan nila 'to, nuh? Napaka ano talaga nila.

"Magandang gabi po pala, binibining Amanda"bati niya sa'kin at yumuko muna, binuksan niya ang pinto ng likod ng sasakyan at pumasok naman ako dito.

"Hanapin na'tin si Villaruel"utos ko, isang tango ang tinugon niya sa'kin at pinaandar na ang sasakyan.

Lumabas kami sa palasyo at nakatingin ako sa kanang bahagi ng bangketa, hinahanap ng aking mata si Jaydee upang maihatid 'to.

"Binibini, 'yun po si Ms. Villaruel"saad ng tagapagmaniho ko.

"Itabi mo sakanya"utos ko, agad na sinunod naman niya ang sinabi ko. Binaba ko ang bintana ng sasakyan at kinuha ang atensyon niya.

"Villaruel, pumasok ka dito, ngayon din"

Napalingon 'to sa akin na gulat na gulat kaya inirapan ko siya.

"Bi-binibining Amanda... Ikaw pala ay narito, ano ang inyong sadya?"tanung niya sa'kin, tinaasan ko naman ang isang kilay ko sakanya at tinignan ang langit na makulim-lim.

"Sumakay ka"matigas na sabi ko at umurog, akala ko tatanggihan niya ang sinabi ko pero nagulat nalang ako ng mabilis na buksan niya ang pinto ne'to.

Pinasok niya ang saklay niya muna bago siya, pagkasara palang niya sa pinto ng sasakyan ay saktong bumuhos ang napaka-lakas na ulan.

"Sakto ang inyong dating, binibini. Salamat nga pala"nakangiti n'yang sambit, napangiwi naman ako at inirapan na lamang siya.

"Ihatid na'tin siya"labag sa kalooban na utos ko muli sa tagapagmaniho ko, tumingin ako sa bintana at pinagmasdan nalang ang tubig ulan na dahan-dahan na bumababa dito sa bintana.

---

Ilang minuto pa'y nakarating na kami sa tahanan nila, nasa kalsada parin kami dahil sa hindi na kasya ang sasakyan kung papasok pa kami.

"Dito nalang ho, maraming salamat pala sapag-hatid. Ma-una na po---"

"May bayad ang paghatid ko sa'yo, Villaruel"wika ko, napakunot naman noo niya at tinignan ako diretso sa mata.

"Wag mong sabihin pera ang kailangan mo sa'kin, binibini? Alam mo naman nawala akong miski isang sala---"

"Hindi ko kailangan ng pera mo, mayaman ako"mayabang na saad ko, narinig ko ang nakakaasar n'yang tawa dahilan para bahagyang matawa din ang tagapagmaniho ko.

Sinamaan ko'to ng tingin at tumahimik naman 'to, tinignan ko si Jaydee na naghihintay ng sasabi ko.

"Turoan mo'ko sa history of Philippines na aralin na'min"

"'Yun lang pala e, tayo'y magkita na lamang sa silid aklatan bukas sa paaralan pag-sapit ng tanghali... Pagkatapos ng unang klase, libre muna pananghalian ko, ah"nakangiti n'yang saad, inirapan ko nalang lamang 'to at binaling ang tingin sa labas ng binata. "Maraming salamat muli sapag-alok ng libreng sakay... Binibining masungit"

______________________________________________.

HEIRESS LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon