JAYDEE POV:
Makalipas ang isang araw...
Andito ako ngayon naka-upo sa baitang ng hagdan ng kubo, medyo nailalakad kuna ang paa ko pero kailangan may tsinelas o pangprotekta ne'to para daw di pumasok ang mga dumi sa sugat.
Ika-ikang naglakad ako papunta sa likod ng kubo kung saan ang gripo, galit nanaman si Papa sa'kin dahil sa detention na abot ko sa iskwelahan kaya di kami naguusap ngayon.
Dahan-dahan na hinugasan ko ang paa ko kung saan may sugat, napapadaing din ako minsan dahil sa hapdi.
"Jaydee?"
Napalingon ako agad sa likodan ko ng may isang anghel na tumawag sa'kin, napangiti ako at sinarado na ang gripo.
Ika-ikang naglakad ako papalapit sakanya, yumuko ako bago bumati sakanya gamit ang bibig.
"Magandang tanghali po pala, binibining Madelaine. Ano po ang kailangan niyo sa-sa'kin?"nautal na sambit ko, bahagya naman s'yang natawa at pinaakbay ang kanang braso ko sa balikat niya. "Te-teka lang po... A-amoy a-araw po a---"
"Alalayan lang kita"saad niya na nakangiti, di nalang ako umangal pa at hinayaan nalang siya.
Inalalayan niya ako papunta sa baitang ng hagdan ng kubo, naka-tayo siya sa harap ko kaya naiilang ako sakanya.
Nakasuot lamang ako ng isang kulay itim na quater zip na damit tsaka itim na pantalon, nakabotas din ako kahit paano ay di na madudumihan ang sugat ko.
"Kumain ka na ba?"tanung niya sa'kin, naiilang na tumingin naman ako sakanya. "Oh, ba't ganyan ang 'yung mukha? May madumi ba sa mu-mukha ko?"tanung niya muli, agad na umiling naman ako at hinimas-himas ang palad sa hita ko.
"Wa-wala, binibini... Na-nahihiya lamang ako sa-sa'yo, ang dami niyo ng na-naitulong sa'kin, ngunit ako ay miski isa ay wa-wala..."nauutal na sabi ko, nahihiya lamang ako sakanya dahil sa naalala ko parin ang kasalanan ko.
Nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko, kasya naman kase kami dito dahil hindi naman siya mataba ngunit hindi din masyadong payat subalit sakto lang ang katawan niya.
"Kumain ka na ba?"ulit n'yang tanung habang nakatingin sa'kin, nakangiti na siya ngayon at nawawala din ang mga mata niya kapag siya'y ngumingiti. Wag kang ganyan, Madelaine!.
Nag-iwas ako ng tingin sakanyan at tumingin nalang sa taniman. "Hi-hindi pa, kakatapos ko lang magtanim e. Ba-ba't ka pala naparito? Diba may pasok kayo?"nagtatakang tanung ko.
"Lumiban lamang ako dahil may importante ka'ming pinuntahan kanina ni Daddy"sagot niya, tumango-tango naman ako sakanya at di nalang nagsalita pa.
Tahimik lang ka'ming nakamasid sa taniman ngayon at huni ng ibon lang ang tanging maririnig dito, hanggang sa tumayo siya at tinignan ako.
"Kain tayo? Nagugutom din ako e"aya niya sa'kin, sabay na napataas naman ang dalawang kilay ko at bahagyang inatras ang ulo.
"A-ako po talaga isasama niyo? O iaaya man lang?"
"Ayaw mo? Edi, 'tong halaman nalang ayayain ko"pabalang na sambit niya, tumalikod siya sa'kin at akmang uupo na siya sa lupa ng pigilan ko siya.
"Binibini! Wag kang uupo jan!"mabilis na pigil ko sakanya, nakahawak ako sa hawakan ng hagdan habang naka-angat ang kanang paa ko.
Tinignan niya ako na nakataas ang isang kilay at naka-krus ang braso, napahinga ako ng malalim bago kunin ang aking saklay.
"Sige... Pumapayag na'ko sa gusto mo"labag sa kalooban na sang-ayon ko, wala na akong ibang magagawa. Kapag nadumihan man lang siya ay ako ang malalagot.
Ganun ang patakaran na meron ang mga tinatawag nilang...
HEIRESS LIFE...
NARRATOR POV:
Habang nasa sasakyan si Madie at Jaydee, di ma-iwasan mamangha kay Jaydee. Sa anking galing at prensipyo ne'to sa buhay.
Hindi man 'to isang heiress ngunit may parte parin dito na kilos tulad sakanila, iba nga lang mag-isip ang babaeng 'to.
MADIE POV:
Nang makarating na kami ay pinagbuksan kami ng pinto ng mga tagapagmaniho ko, bumaba si Jaydee kaya dali-daling tinulungan ko siya.
"Maraming salamat, binibini..."nakangiti n'yang pasasalamat sa'kin, nginitian ko lang din siya at inalalayan nalang.
"Dito lang muna kayo, babalik din agad kami"bilin ko sa mga tagapagmaniho ko, tumango naman sila at di na sumunod pa sa'min.
Andito kami ngayon sa lugar kung saan pantay lahat, mahirap ka man o mayaman ay dapat igalang ang kapwa.
Plaza de freedom...
'Yan ang tawag dito, minsan dito kami pumupunta ni Kuya Mark o ni Stephen para mamasyal lang. 'Yung bunso kung kapatid ay di kami gaano ka malapit nun sa isa't-isa.
"Asa'n mo gusto kumain, Jaydee?"tanung ko sakanya, nagisip-isip naman 'to kaya hinintay ko nalang ang sagot niya.
Hindi ako gutom pero gusto ko lang s'yang makasama kahit sandali, may puwang sa puso ko na siya lang nakakapagpapabuo nun.
Sana hindi kami katulad ng istorya nila Felicedad at Goyo...
"Dun nalang sa may isang restaurant na medyo hindi mamahalin"nakangiti n'yang saad, tumango na lamang ako at inalalayan siya muli.
Alam ko din na na-detention siya dahil sa sinagot niya sa professor niya, kakaiba ka talaga Jaydee.
"Anong ngini-ngiti mo jan, binibini? May naiisip ka bang taong mahal mo? Sana siya nalang ang kas---"
"Wala, Jaydee... Kase ikaw ang taong 'yun"bulong ko sa huling sinabi, huminto naman siya at nagtatakang tinignan ako.
"May sinasabi ka, binibini?"nagtatakang tanung din niya sa'kin, nginitian ko naman siya at umiling sakanya. "Akala ko meron, baka gutom lang 'to"
"Baka nga..."
---
Pagkatapos na'min kumain ay pumasok kami sa bilihan ng mga damit, marami akong gustong bilihin ngunit nahihiya ako dahil may kasama ako ngayon.
"Gusto mong bilhin?"sulpot ng kasama ko, nabitawan ko naman agad ang hinawakan ko at buti nalang nasa kasabit pa'to.
Umiling naman ako at mapait na ngumiti sakanya. "Hi-hindi, tinitignan ko la---"
"Bilhin muna, mukhang bagay pa naman sa'yo"
Napatulala ako sa sinabi niya. "Ta-talaga?"nautal na tanung ko sakanya, tumango naman 'to sa'kin at kinuha niya mestiza attire na nagustuhan ko.
"Sayang at hindi ako sanay mag-suot ng mga ganitong klaseng kasuotan, ngunit hindi ko rin naman tipo ang mga ganito"sambit niya habang nakatingin sa hawak niya, pabirong napairap ako sakanya.
"Kase tibo ka?"
"Hindi naman sa ganun, binibini. Sadyang... Ayaw ko lang"tugon niya, binigay niya sa'kin ang hawak niya tsaka ako hinila sa kung saan 'to babayaran.
Nakatingin ako sa kamay na'min na magka-hawak kamay ngayon, tila biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tila bumagal din ang galaw ng paligid ko.
"Binibining Madelaine, kunin niyo na po"
______________________________________________.
BINABASA MO ANG
HEIRESS LIFE
FanfictionAmanda "Amy" Isidto is the heiress of the town called Werdom, she have the power to command people to obey her. Pero 'kung isang tao lang ang paguusapan na kayang sumuway sakanya, siya si Jennifer "Jaydee" Nandy Garcia Villaruel isang magsasaka na p...