JAYDEE POV:
"Jaydee"
"AHH!"sigaw ko at dali-daling umatras palayo sakanya, nakasuot siya ng itim na tela na nagtatakip din sa mukha niya.
Naka mestiza attire pa'to...
"Jaydee!"may panggigigil na saway niya sa'kin, bahagya n'yang inalis ang takip niya kaya mas lalo akong nagulat.
"Bi-binibining Ma-Ma-Madelaine... Ka-kayo pala n'ya-n'yan"nauutal na sambit ko, medyo kumampanti na ang puso ko ngayon. "Ba't po kayo naparito? Gabi na, ho"magalang na sambit ko, inirapan naman ako ne'to at walang pasabing kinuha ang bag na nakasukbit sa kaliwang balikat ko.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. "A-akin na po 'yan, ba-baka may makakita pa po sa i-inyo"nahihiyang sabi ko, tinaasan naman niya ako ng isang kilay kaya napatikom ako ng bibig.
"Talikod na at lumakad"utos niya sa'kin, napanganga naman ako sa sinabi niya.
"H-ho? Binibini, wag niyo na po'ko alalahin, kaya kuna po ang sar--- Sabi ko nga, tatalikod at maglalakad na"agad na bawi ko at saklay-saklay na tumalikod tsaka naglakad na muli, nasa likod ko siya ngayon kaya huminto muna ako. "Tabi ka sa'kin, binibini..."
Nahihiyang sambit ko, bahagya naman 'tong natawa at sinunod ang sinabi ko. Naglalakad na kami pareho ngayon ng tahimik, di'ko parin nakakalimotan ang ginawa kung kapalastangan sakanya kaya nahihiya ako.
"Ba't ka nahihiya jan, Jaydee? Diba... Villaruel ka? Ang Villaruel ay hindi nahihiya?"tila pangaasar pa niya, napailang naman ako at sinulyapan siya sandali.
"Binibini, pasensya na po talaga sa ginawa ko. Hi-hindi po talaga a-ako nagiisip ng maayos sa mga oras n'yun, gusto ko po humi---"
"Alam mo, Jaydee. Wag na na'tin pag-usapan nalang 'yun, pagkakamali lang 'yun, hindi ba?..."malambing na tanung niya, tumingin naman ako sakanya na nakatingin din pala sa'kin.
Nginitian ko siya at tinanguan, nagsimula na ka'ming maglakad ng tahimik muli. Nakasuot parin ang tela sa ulo at nakatakip sa mukha niya 'to, mabilis kase manghusga kase ang mga tao dito.
Nakakita lang ng isang katulad kung hindi mayaman na kasama ang isang mayaman na ay malaking isyu na agad 'to sakanila, sa mundong 'to ay marami talaga ang mapanghusga at nilalagyan ng isyu ang mga hindi naman dapat. Paano nalang kaya ang mga bagong henerasyon? Mabubuhay din kaya sila sa ganito? Kawawa naman sila kung ganun.
"Lalim ata ng iniisip mo? May bumabagabag ba sa'yo? Sino siya?"sunod-sunod na tanung ni Madie sa'kin, ngumiti ako ng mapait ngunit di'ko pinahalata 'yun tsaka iniling ang ulo.
---
Nakarating ako sa bahay ko ng mag-isa, di na sumama si Madie sa'kin dahil baka makita daw kami ng magulang ko.
Huminto muna ako metro ang layo sa bahay na'min, lumingon ako sa likod at nakita ang isang mamahaling kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada.
Naka-tayo dun si Madie habang may tela na nakatakip, kumaway siya sa'kin kaya tinanguan ko lang siya tsaka napangiti.
Di'ko alam kung anong dahilan pero magagaan ang pakiramdam ko kapag si Madie ang andyan sa tabi ko, ibang-iba siya makisama sa'kin kumpara sa iba. Lalo na kay Amy at sa mga kaibigan ne'to.
"Jaydee? Anak?"gulat na tanung nung babaeng nasa labas ng bahay na'min, medyo malayo 'to sa'kin.
"Ma?..."tawag ko sakanya, tumakbo naman 'to papalapit sa'kin, napangiti nalang ako at pinipigilan ang luha.
"Ja-Jaydee... A-anak... A-anong nangyari sa-sa'yo?"nagaalalang tanung niya sa'kin, umiling lang ako sakanya. Kinuha niya ang isang bag ko at inalalayan ako papasok sa loob.
Sumulyap muna ako sa likod ko kung nasa'n si Madie ngayon, wala na ang sasakyan niya dito hudyat na umalis na siya.
---
"Anong pumasok sa kukote mo at umalis ka ng bahay ng walang paalam, Jay---"di natapos ni Papa ang sermon niya ng pigilan siya ni Mama.
"Jarvis, wag muna siya pagalitan, kita mo naman kalagayan ng anak mo diba? Dapat nga... Tayo nalang na magulang ang magpakumbaba sakanila"saad ni Mama, napayuko nalang ako dahil sa hiya na nararamdaman ko ngayon.
Ginagamot ni Mama ang sugat sa paa ko ngayon, napapadaing din ako minsan dahil sa hapdi.
"Naparusahan po kase ako... A-at ang parusa na'to ay magtanim sa taniman nila"salita ko, nakayuko parin ako habang nilalaro ang mga daliri. "Pasensya na po kayo, Papa at Mama. Hindi na po'to mauulit"nahihiyang dugtong ko, narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Papa kaya naman na konsensya ako.
Umakyat nalang si Papa sa hagdan papunta sa kwarto, napabuntong hininga nalang din ako at inangat ang ulo.
Kinuha ko ang saklay ko at nagpasalamat kay Mama. "Ma-una na po'ko, Mama... Pa-pagod lang ako at papasok pa po ako sa iskwela bukas"naiilang na sambit ko, di'ko na hininintay ang sagot ni Mama at kinuha nalang ang mga gamit.
Medyo nahihirapan akong idala 'to papunta sa taas pero kinaya ko parin, kailangan kase ayaw ko makita nila na lampa ako.
AMY POV:
Sumapit ang alas y singko ng umaga at agad naman akong bumangon, pumasok ako sa banyo tsaka nag-sipilyo.
Pagkatapos ko dun ay hinanda nadin ng mga tagapagsilbi ang kasuotan kung pang-iskwela, pumasok na muli ako sa banyo at naligo na.
Makaraan ang ilang oras ay tapos na'ko sa sarili ko, naka-tali ang buhok ko ng messy bun at naglagay ng ka-unting make-up sa mukha.
Sa taon ngayon ay uso na ang ka-gamitang make-up sa'min, mga mayayaman lang ang may ganitong klaseng gamit.
"Binibining Amanda, handa na po ang umagahan ngayon. Pinapatawag na kayo ni Mr. Isidto at Mrs. Isidto sa baba"wika ng isang tagapagsilbi sa labas ng pinto ng kwarto ko, napangiti nalang ako at mabilis na kinuha ang ka-gamitan.
Lumabas ako sa kwarto at iniba muli ang ekspresyon ng mukha, hindi pwedeng maging mukhang mabait ako dahil pwede nila 'yun gamitin upang mapalapit sa'kin. Hindi maaari 'yun.
Pagkababa ko sa unang palapag ay agad na dumiretso ako sa kusina, naabutan ko sina Papa, Mama at Kuya Mark na tahimik na kumakain ngayon.
"Magandang araw po, Papa, Mama at Kuya"magalang na bati ko sakanila, bumeso pa ako sakanila tatlo bago umupo sa tabi ni Kuya Mark.
"Amy, may napagusapan kami ni Tito Zaldy mo... Pinahiya ka daw ng anak---"
"Wala po, hindi po 'yun totoo!"agad na tanggi ko, hangga't maari ay ayaw ko ng gulo. Suwail na talaga si Madie sa'kin kahit kailan, di'ko alam bakit mainit dugo niya sa'kin at ganun din ako sakanya. "Hindi po 'yun totoo, Papa. Maayos naman po ang pakikitungo niya sa'kin"pagsisinungaling ko dito, tila hindi naman 'to nakunbensi kaya naman tumingin nalang ako sa mga pagkain ko.
Nagsimula na akong kumain at ganun din sila, tahimik ang hapag na'min kase ganito naman talaga sila kahit dati paman.
______________________________________________.
BINABASA MO ANG
HEIRESS LIFE
FanfictionAmanda "Amy" Isidto is the heiress of the town called Werdom, she have the power to command people to obey her. Pero 'kung isang tao lang ang paguusapan na kayang sumuway sakanya, siya si Jennifer "Jaydee" Nandy Garcia Villaruel isang magsasaka na p...