Dieciséis

113 21 0
                                    

AMY POV:

Tanghali ng matapos ang klase na'min sa umaga, kinuha ko ang bag ko at akmang maglalakad na pababa sa upoan ko.

"Amy, saan ka pupunta? We have lunch meet with the Ate's"saad niya, napapikit ako ng mata ko at kinuyom ang aking kanang kamao.

"Lintek..."inis na sambit ko, nilingunan ko si Laney na naghihintay sa sagot ko. "Hindi ako makakasabay, may kailangan akong asikasuhin ngayon, Laney. Paumanhin muli, paki-sabi nalang sa mga Ate's"wika ko at di na hininintay ang isasagot niya, agad na lumabas ako sa silid ko at nakasalubong ko pa si Coleen.

"Amy!"tawag niya ng lagpasan ko lang siya, huminto ako at lumingon sakanya. "Ba't ka nagmamadali? Sabay kana"wika niya, bumuntong hininga naman ako bago siya sinagot.

"Paumanhin din sa'yo, Coleen. May kailangan akong gagawin ngayon, ma-una na'ko"tugon ko at tumakbo na muli papunta sa silid aklatan, di'ko ma-wari kung bakit ako nagmamadali kaya naman huminto ako sapagtakbo.

Bakit nga ba ako nagmamadali?...

Kung ako'y huli man sa usapan na'min, mag-intay siya dun...

Pero bakit tila gusto kung mas ma-una ako sakanya?...

Tila ayaw ko s'yang pinaghihintay...

"Ah! Bahala na nga!"

JAYDEE POV:

Potrages na!...

Alas y dose imedya na ng tanghali pero hindi parin kami pinapalabas ng professor na'min, di mapakali ang paa ko sa ibaba ng lamesa habang pasulyap-sulyap ang mata ko sa orasan na nasa ibabaw ng blackboard na'min.

"Okay! Paalam sa inyo--- Villaruel, tila ikaw ay may pupuntahan ngayong importante"tawag ng professor ko sa'kin, napahinto naman ako sapagtakbo palabas sa silid aralan.

Ilang hakbang nalang makakalabas na sana ako e!...

"Ah... O-opo, Sir. May kailangan nga po akong puntahan ngayon, importante pa po siya kesa sa iniisip niyo kaya naman... Paalam sa inyo!"

Sigaw ko sa huling sinabi ko habang tumatakbo pababa sa gusali na'min, may nababangga pa nga akong mga estudyante pero humingi lang ako ng tawad dito.

Tinawid ko ang pagitan ng gusali na'min sa gusali ng silid aklatan, may sariling gusali kase 'to na nasa pinakalikod ng paaralan na'min.

Habol hininga na pumasok ako dito at sandaling huminto, nakatungkod ang dalawang palad ko sa magkabilang tuhod ko habang habol-habol ang hininga.

"Potrages talaga..."halos pabulong kung sabi, tumayo ako ng maayos at huminga ng malalim.

Naglakad na'ko papunta sa may mga lamesa kung saan pwede kang mag-aral, tahimik at payapa dito kase nga silid aklatan 'to.

Pangalawang kwarto ko narin 'to, kung tutuosin...

Malaki din kase...

Lalo na ang desinyo ne'to, makaluma ngunit sobrang ganda...

Habang papalapit ako dito ay napukaw ng mata ko ang isang babaeng naka-upo sa kabilang bahagi ng lamesa, nakaharap 'to sa'kin habang nakayuko at may aklat na binabasa ngayon.

Napangiti ako ng di'ko malamang alam na dahilan, nagsimula akong lumapit dito at ng nasa tapat na'ko ne'to ay dahan-dahan na inangat niya ang ulo niya para tignan ako.

"Hi!"bati ko, di'ko mapigilan na malakasan ang boses kaya napatakip ako agad ng bibig gamit ang kanang palad ko.

"Quite"seryusong paalala nung librarian sa'kin, sumaludo naman ako dito at tinaguan siya.

Binalik ko ang tingin sa babaeng nasa harap ko ngayon na naka-upo, seryusong nakatingin 'to sa'kin ngayon habang hawak-hawak ang isang aklat na binabasa niya kanina.

"Paumanhin kung natagalan ako, tagal kase ka'ming palabasin nung professor na'min"saad ko at umupo sa silya na katapat niya, di parin nawawala ang seryusong tingin niya sa'kin.

Isang kinandat ang ginawaran ko sakanya dahil para tarayan nanaman ako ne'to ng tingin, napakamot nalang ako sa ulo ko habang pinipigilan matawa.

"You are a minutes late, Villaruel"malamig pa sa yelo na sambit niya, napabuntong hininga naman ako at nilabas ang aklat ko na history of Philippines.

"Paumanhin nga diba? Bingi ka ba o sadyang hindi kalang talaga maka-intindi ng tagalog?"nagtatakang tanung ko sakanya habang hinahanda ang mga aklat na kailangan na'min, di naman 'to sumagot kaya napatingin ako sakanya.

Masama nanaman ang ekspresyon sa mukha ne'to, kaya napabagsak ang mga balikat ko.

"Binibining Amanda, paumanhin muli at nahuli ako sa usapan na'tin... Sadyang, matagal lang talaga kami palabasin ng professor na'min"paguulit ko, inikot naman ne'to ang mata ne'to sinarado ang libro na nasa harap niya.

"Bibigyan kita ng limang minuto para turoan ako, paghindi ko naintindihan 'yun. Wala kang libreng pananghalian sa'kin"saad niya, natawa naman ako ng pabalang sakanya at iniling ang ulo.

"Siya lang ata ang taong ganito maka-utos e"reklamo ko.

"May sinasabi ka?"

"Wa-wala... Tara na't magsimula para tayo'y maaga-aga matapos, hindi ba binibining Amanda?"sambit ko, inirapan muli ako ne'to at pinigilan ko lang ang sarili ko na inisin ne'to kung hindi lang dahil sa libreng pananghalian.

---

"'Yun lang! Ganun ka-dali"wika ko, inunat-unat ko ang kamay ko at binalik muli ang mga aklat sa loob ng bag. "Nakuha mo ba?"

"Hindi"

Nanlaki ang mata ko sa sinagot niya, binuka ko ang bibig ko para lang isara 'to muli.

"To-totoo?"desmayang tanung ko sakanya, inirapan niya ako at tumayo na. Kinuha niya ang bag niya at nagsimula ng maglakad palabas sa silid aklatan.

Napabuga nalang ako ng hininga bago yumuko sa lamesa. "Gutom na'ko..."garal-gal na sambit ko, bigla naman tumunog ang tyan ko hudyat na gutom na talaga ako.

Tumayo nalang ako at nagsimula maglakad palabas ng silid aklatan, kahit na wala akong kain sa pananghalian ko ay papasok parin ako sa hapon na klase ko.

Sapaglabas ko sa silid na'to ay sakto na nakita ko si Ate Belle, may dala-dala s'yang dalawang makakapal na libro at tila may balak na pumasok dito sa silid aklatan.

"Ate Belle"tawag ko sakanya, napadako naman ang atensyon niya sa'kin at tsaka ako nginitian.

"Jaydee, kumusta? Huling pagkikita na'tin ay nung pasko pa, ah. Kumusta ang buhay kuleheyo?"tanung niya, napabuntong hininga naman ako at sandaling tumingin sa langit.

"'To at buhay parin, lumalaban para sa kinabukasan ng buhay"makahulugan na sambit ko, napailang naman siya at tinapik ang kanang balikat ko.

"Gutom ka, nuh?"tanung niya sa'kin, bigla naman na porma ang labi ko ng isang matamis na ngiti. "Hintayin mo ako dito at tayo'y mananghalian sa cafeteria"

"'Yun, oh! Sige po, makaka-asa po kayo sa'kin. Marunong naman ako maghintay e, wag niyo lang po tagalan"

"Ibang klase ka talaga, Nandy"

"Ganun talaga 'yun, Ysabelle"

______________________________________________.
A/N:

Sorry sa mga typos and grammatical error, hindi ako nagre-read e, ii-edit ko nalang kapag di na'ko busy.

Ulit...

Paumanhin sa mga typos and grammatical error kung meron man ka'yong mabasa, dito palang ay binabalaan kuna kayo na hindi po ako isang PROFESSIONAL WRITER and I'm still learning to write properly.

;)

HEIRESS LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon