Trece

105 20 0
                                    

MADIE POV:

"Malapit na pala ang fiesta dito, nuh?"nakangiti n'yang sabi, tumango-tango naman ako sakanya.

"Tsaka gagawa ka nanaman ng kababalaghan?"biro ko, natawa naman siya habang alay-alay ng saklay niya. "Kumusta na pala ang 'yong sugat?"tanung ko sakanya, bumuntong hininga naman 'to kaya napahinto ako sapaglalakad.

Ganun din siya, nakatingin siya sa harap habang ako ay nakatingin lang sakanya, ngumiti 'to ng di kita ang ngipin tsaka siya tumingin sa'kin.

Nagulat ako ng mag-tama ang mata na'min, di'ko iniwas ang tingin ko sakanya at ganun din siya.

"Binibini, pasensya na po talaga kayo sa nagawa ko nung nakaraang gabi... Hi-hindi ko po sinasadya"paghingi niya muli ng tawad sa'kin, umiling naman ako sakanya at nginitian siya.

"Wala n'yun, Jaydee... Sana nga ma-ulit pa 'yun"bulong ko, di naman narinig ni Jaydee 'yun kaya nakahinga ako ng maluwag.

Naglalakad kami pabalik sa sasakyan ngayon, alas y dos na ng hapon ngayon at medyo tirik ang araw.

Pinagbuksan kami ng mga tagapagmaniho ko ng pinto ng sasakyan at inalalayan s'yang maka-upo, umupo siya sa tabi ko ng tahimik lang.

Iniisip ko ang mga araw na pwedeng mangyari sa'min, maaaring hindi tanggap nila Daddy at Mommy si Jaydee dahil sa estado ne'to.

Ngunit...

Paano kung sabihin kung...

Gusto kuna siya...

JAYDEE POV:

"Maraming salamat po sapag-libre sa'kin ng pananghalian, binibining Madelaine"pasasalamat ko sakanya, andito kami ngayon sa likod ng palasyo ng mga Isidto.

Ngumiti siya sa'kin at niyakap nalang ako, nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya.

"Salamat din... Jaydee..."pabulong n'yang sabi, napangiti nalang ako at di ma-wari kung ano 'tong nararamdaman ko.

Ngunit ganun paman...

Mali 'to...

Mali 'tong ganito...

Dahan-dahan na humiwalay siya sa'kin at tinignan ako, nag-tama nanaman muli ang mata na'min kaya natahimik kami ng ilang segundo bago natawa.

"Madelaine"

Biglang nawala ako ngiti ko at bumilis nalang ang tibok ng puso ko, sumilip ako sa likod ni Madie at ganun nalang ang kaba ko ng makita ang Ama n'yang walang emosyon na nakatingin sa'min.

"Daddy"tawag ni Madie dito, nilapitan niya 'to at niyakap.

Bahagyang umatras ako ng ka-unti at yumuko. "Magandang hapon po... Mr. Epilogo"bati ko dito, di naman ako binati ne'to pabalik at seryusong nakatingin lang sa'kin.

Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa titig niya, nasa likod ne'to ang dalawang kamay habang suot-suot ang ka'yang kurona. Nakasuot din siya ng isang mamahaling kasuotan.

May ispada sa kaliwang bewang niya ngayon na nakaipit sa sinturon niya, bahagyang kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Ba't mo kasama ang anak ko, Villaruel?"malamig na tanung niya sa'kin, sinulyapan ko naman si Madie at inayos ang pagkaka-saklay ko.

"Inaya ko po siya, Da---"

"Hindi po, kasama ko po ang anak niyo ka-kase..."bahagyang huminto ako sapagsasalita at nagisip-isip ng pwedeng sabihin. "Ka-kase... A-ano po, M-Mr. Epilogo... I-inaya ko po siya"bahala na nga!.

"Inayo mo? Ang anak ko? Alam mo naman siguro na mali ang ginagawa mo, hindi ba Villaruel?"natatawang tanung niya sa'kin, bahagya akong yumuko tsaka tumango dito. "Kung dito sa bayan niyo ay ayos lang na makisama ang mga katulad n'yong... Magsasaka sa mga katulad na'min, ay ibahin mo ako... Kami, Villaruel"dugtong niya, tumango nalang ako at nag-iwas ng tingin.

Hinawakan niya ang kamay ni Madie tsaka 'to hinila palayo sa'min, habang papalayo si Madie sa'kin ay nakatingin siya sa'kin.

Nginitian ko siya ng pilit at pilit na sinusundan pero di'ko magalaw ang mga paa ko, dahil sa takot sa pwedeng mangyari.

"Jaydee"

"Daryll! Gabb!"tawag ko sakanila, tumakbo sila papalapit sa'kin na naka-damit iskwelahan pa. "Napa-aga kayo rito"sambit ko, nginitian ko sila ng di kita ang ngipin para lang itago ang hiya.

"Ano nangyari? Sinaktan ka ba? Dinagdagan ba sugat mo? Ano, Jaydee?! Magsa--- Hmm..."di natapos ni Gabb ang sasabihin niya ng takpan ni Daryll ang bibig niya, napailang nalang ako at bahagyang tumawa sakanila.

Tumalikod na'ko at nagsimula ng maglakad papunta sa kubo, umupo ako sa hagdan ne'to at kinuha ang botas.

Dahan-dahan at maingat na sinuot 'to, nasa harapan ko sina Gabb at Daryll na nakatingin lang sa'kin.

"Ano? Mag-trabaho na kayo"saad ko, napakamot naman sila ng ulo nila at binaba na ang mga bag.

Nagbihis na sila habang ako ay andito nasa taniman, mahirap siya dahil sa hindi ko pwedeng iapak ang paa ko sa lupa dahil masakit.

"Jaydee!"rinig kung tawag ni Daryll sa'kin, medyo malayo-layo ako sakanila ngayon.

"Ano?!"sigaw na pabalik ko sakanya, binungkal ko ang lupa bago lagyan ng mga binhi.

"Pinapatawag ka ni binibining Amanda"

Napalingon ako sakanya ng lumapit 'to sa'kin, may nakakaasar na ngiti sa labi ne'to kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako na jan, mahal kung kaibigan..."sambit niya, tila nangaasar pa sa tono ne'to. Napailang nalang ako at alay-alay ng saklay na lumapit kay Amy.

"Magandang hapon po sa'yo, binibining A---"

"Ano ang ginawa niyo ni Madelaine kanina, sa plaza de freedom?"agad na tanung niya sa'kin, napakunot naman ang noo ko at nilibot ang paningin. "Sagot, Villaruel"madiin na sambit niya, mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa inasta niya ngayon.

"Ba't ko sasabihin?"pabalang na sabi ko tsaka ngumiti ng nakakaluko. "Nobya ba kita?"

"Hindi, pero ako ang anak ng hari o namamahala ng bayan na'to"tila naiiritang saad niya basi sa tono ne'to, napailang na natawa naman ako sakanya para lalo s'yang inisin.

"Binibining Amanda..."tawag ko sakanya. "Alam mo, hindi naman kita nobya para sabihin ko lahat sa'yo ang gagawin ko. Oo nga't anak ka ng namamahala dito sa bayan niyo ngunit... Hindi naman ikaw ang namamahala sa'kin"

AMY POV:

"Hindi naman ikaw ang namamahala sa'kin"

Inis na sinara ko ang aklat ko at tumayo sa kinauupoan ko, kanina lamang ay kausap ko ang karibal ko at alam kung masaya siya ngayon.

"Talagang inuubos mo pasensya ko, Villaruel"madiin na sambit ko, kinuyom ko ang kamao ko at masama na ang timpla ko ng biglang may magsalita sa likodan ko.

"Mukhang sasabog kana sa inis, Amanda"

"Bwesit ka talaga, Laney"

"Oh, ba't ako pinagbubuntongan mo ng galit? Ako ba si... Villaruel? Ako si Lorelaine Sañosa, hindi si Jennifer Nandy Garcia Villaruel ang 'yong one great enemy, Amy"tila nangaasar na sabi niya, inirapan ko siya at padabog na lumabas sa labas ng kwarto ko.

Di'ko namalayan na andun pala siya kase may proyekto kami na kami ang magka-groupo, kaya napagdesisyon na'min kanina na dito nalang sa palasyo na'min gumawa dito.

Pero mukhang...

Di pa na'min magagawa agad ang gagawin na'min ngayon e...

Masama na ang timpla ko at tila gusto ko nalang suntukin sa mukha 'yung Villaruel n'yun.

______________________________________________.

HEIRESS LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon