Dieciocho

106 19 0
                                    

AMY POV:

"Hanggang sa muli nating pagkikita, mga binibini"magalang na paalam na'min sa isa't-isa, nagsitawanan naman kami bago sumakay sa sariling sasakyan.

Bago paman ako makasakay ay bigla akong tinawag ni Coleen.

"Amy!"tawag niya sa'kin, nilingunan ko siya at tinanong kung ano 'yun. "Ipakilala mo'ko kay Gabrielle Skribikin"

"Coco!"saway ni Ate Sheki sakanya, nginitian naman siya ne'to kaya napailang nalang ako.

Sumakay na'ko sa sasakyan ko at sinabi sa tagapagmaniho ko na uuwi na'ko, isang tango lang ang tinugon ne'to bago pinaandar ang sasakyan.

Tahimik naman akong nakatingin sa harapan, tahimik ang buong kotse kaya wala akong maka-usap. Alangan naman hangin ang kausapin ko.

Nakapasok na kami sa boundary ng Werdom at tinatahak nalang ang daam papunta sa palasyo, medyo malayo kase ang plaza de freedom sa bayan na'min kaya medyo mahuhuli ako sa hapunan.

Habang papunta kami sa palasyo may nakita akong isang pamilyar na tao, naglalakad siya sa bangketa papunta sa palasyo na'min ng  tahimik lamang at tila malalim ang iniisip niya.

Nakapamulsa siya habang nakatingin sa palayan ni Papa, makikita dito ang kalahating buwan na malaki.

"Kay sidlak ng buwan ngayon..."

Pabulong na sabi ko. "Manong, ihinto mo sa tabi ni Villaruel ang sasakyan"utos ko, sinunod naman ne'to ang utos ko.

Tinignan lamang ni Jaydee ang sasakyan na'min ng seryuso at dire-diretsong naglakad lamang muli, napairap ako at bumaba ng sasakyan.

"Binibining Aman---"

"Una na po kayo sa palasyo, makaka-asa po kayo na uuwi ako ng ligtas at buhay"sapaw ko, napakamot naman 'to ng ulo niya at aangal pa sana ng magsalita muli ako. "Doble ang makukuha mong pera sa'kin, kapag sinunod mo ang utos ko"dugtong ko, wala naman s'yang nagawa at tinaas nalang ang bintana ng sasakyan tsaka umalis.

Tumingin ako sa babaeng walang emosyon na naglalakad ngayon palayo sa'kin, nakapamulsa parin siya habang nakatingin nasa daanan niya.

Bumuntong hininga muna ako bago siya tawagin sa nakasanayan na tinatawag ko sakanya.

"Villaruel"

Dahan-dahan na huminto 'to, metro ang layo sa'kin. Di siya lumingon sa'kin at nakatalikod parin sa'kin.

Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng aking mestiza attire at nag-simulang lumapit sakanya, nagbigay ako ng dalawa o tatlong metro na layo sa'min at ganun parin ang gawi niya.

"Di mo ba ako lilingunan?"tanung ko dito habang hawak-hawak ko parin ang magkabilang gilid ng kasuotan ko, malinis siya tignan sa suot niya na quarter zip at kayumangging pantalon.

Naka-tsinelas pa'to ngunit maganda naman 'to, dahan-dahan na lumingon siya sa'kin na seryuso lang at aaminin kung nakakatakot s'yang tignan ngayon.

"Ano ang inyong sadya sa'kin, binibini?"malamig na tanung niya, napalunok naman ako ng wala sa oras at nag-iwas din agad ng tingin.

Binasa ko ang ibabang labi ko gamit ang dila ko bago taas-noong tinignan siya. "Na-nais ko lang na... Ilibre ka"wala na akong maisip na paraan, bakit nga ba ako bumaba pa ng sasakyan? Bwesit na talaga!.

Narinig ko naman ang nakakaasar n'yang tawa kaya biglang nawala ang kaba sa dibdib ko, ngingiti na sana ako pero bigla kung naalala na di'ko pala siya ngini-ngitian.

Tinaas ko ang isang kilay ko sakanya, habang siya naman ay nakangiti na ngayon.

"Tila... Nasiyahan ka sa alok ko, Villaruel? Mukha ka talagang pera"sambit ko, bigla naman nag-iba ang ekspresyon niya at bumalik sapagiging-seryuso. "Bi-biro lamang"mahinang dugtong ko, narinig ko nanaman muli ang bahagyang pagtawa niya.

Narinig kung lumapit siya sa'kin at amoy na amoy ko ang mabango n'yang sarili, saglit na tinignan ko siya bago nag-iwas ng tingin muli.

"Saan mo gustong pumunta, binibini? Gabi na e, bukas nalang. Umuwi kana lamang, iwan muna ako"

"You are---"

"Wag mo'ko maingles-ingles jan, binibini"

Napairap naman ako at bahagyang tinulak siya palayo sa'kin, tumawa naman 'to at tumalikod nasa akin.

"Iiwan mo ako dito?"di makapaniwalang tanung ko sakanya, narinig ko pa ang tawa muli ne'to at nilingunan ako.

"Halikana nga!"saad niya at lumapit sa'kin, nagulat ako ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko. Di naman niya 'to binitawan at patuloy lang sapaghila sa'kin.

Magkapantay na kami sapaglalakad ngayon at di'ko ma-iwasan di mailang sakanya, tahimik lamang kami at tanging mga sanga ng puno na nagbabanggaan ang maririnig dito.

"Ihahatid na lamang kita sa inyo, ba't pa kase bumaba kasa sasakyan mo, 'yan tuloy! Ako pa maghahatid sa---"

"Nagrereklamo ka ba?"nagtatakang tanung ko, agad naman n'yang tinikom ang bibig niya at tila pinipigilan na matawa ng malakas. Inis na binawi ko ang kamay ko sapagkakahawak niya at na-una ng maglakad sakanya.

"Binibini! Binibining Amanda! Argh! Pasaway!"rinig kung reklamo niya, sandali akong napangiti at diretsong naglakad lang.

---

Nang makarating na kami sa tapat ng palasyo nakita na'min si Papa, nasa likod ko parin si Jaydee na pilit hinahabol ako.

"Amanda!"agad na bati ni Papa, lumapit 'to sa'kin at tinignan ang katawan ko. Tinagilid niya pa ang ulo ko sa kaliwa at kanan.

"Pa--- Papa, ayos--- Ayos lang po'ko"putol-putol na saad ko, bumuga naman ng malalim na hininga si Papa at hinilot pa ang sintido niya.

"M-Mr... I-Isidto..."hinihingal na tawag ni Jaydee kay Papa, saglit na tinignan ko pa siya na nakatungkod ang dalawang palad sa magkabilang tuhod. "Pa... Pasensya na po kayo... Hi-hindi ko naman po akalain na... Su-sundan ako... Ni... Binibining Amanda"putol-putol niya din na mapaliwanag, napailang nalang ako at tumingin sa tagapagmaniho ko.

Kinindatan ko siya hudyat na makaka-alis na siya, tinignan ako ng masama ni Papa kaya napaayos ako ng tayo.

"Pasaway ka talaga, Amanda. Sabi mo ay mamasyal lamang kayo ng anak ng mga kaibigan ko pero nagsinungaling ka!"tila galit na saad ni Papa, akmang sasampalin na niya ako ng may isang kamay ang pumigil sakanya.

"Paumanhin, Mr. Isidto... Ngunit... Ang inyong ginagawa ay sobra na, hindi po siya nagsisinungaling sa inyo. Nakita niya lamang ako sa daan na naglalakad kaya sinabayan niya ako"

"Jaydee!..."

______________________________________________.

HEIRESS LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon