Nueve

120 20 0
                                    

A/N:

Magiiba nanaman typings ko, kaya sana wag kayo malito.

NARRATOR POV:

Kasalukuyan na naka-upo si Jaydee sa duyan ngayon habang nakatakip ang dayami na sumbrero sa mukha niya.

Di niya napansin ang presensya ni Amy na naka-krus ang braso, nakatingin siya kay Jaydee na mahimbing ang tulog sa duyan.

"Ehem!"malakas na pukaw ni Amy kay Jaydee, sapagtayo niya sa duyan ay di niya nakita ang isang matulis na basag na bote sa lupa.

"Bwesit... Bwesit... Ah! Ang sakit!"daing niya, nagulat naman ni Amy kaya agad n'yang tinawag ang taga bantay niya.

"Tulongan niyo siya! Dalhin na'tin sa malapit na hospital dito sa Seraph"utos ni Amy, kahit na pasaway si Jaydee ay busilak parin ang puso.

---

Makalipas ang ilang oras ay maayos na nagamot ang sugat ni Jaydee sa paa, nahihiyang napatingin siya kay Amy ngayon na masama ang tingin sakanya.

JAYDEE POV:

"Stai davvero criticando tutto?"rinig kung sabi niya, nakayuko lang ang ulo ko habang nakatingin sa paa kung may manipis na tela. "Guardami e rispondimi"sambit nanaman niya, kahit na di'ko naintindihan ang mga sinasabi niya ay inangat ko ang ulo at tumingin sakanya.

"Bi-binibining Amanda..."nahihiyang tawag ko sakanya, inirapan naman ako ne'to at padabog na lumabas sa ER.

Dahan-dahan at ika-ikang naglakad ako, may hawak akong saklay na iniipit sa kili-kili ko.

Nahihirapan ako sapaglalakad dahil sa hindi ko pa pwedeng iapak ang kanang paa ko dahil sa sugat, mabuti nalang at inalalayan ako ng mga taga bantay ni Amy.

"Binibini, ihahatid nalang po na'tin si Villaruel sa ba---"

"Hindi"matigas na sabi niya, napakunot naman ang noo ko. "Pinapatawag siya ni Papa kaya kailangan n'yang sumabay sa'tin"dugtong niya tsaka na-una ng pumasok sa sasakyan, tila mas lalo akong nahihiya sakanya ngayon dahil batig ko siya ang gumastos ng mga bayarin sa hospital kanina.

Sumakay nalang ako sa sasakyan habang nasa gilid ko ngayon ang saklay ko, 'to ang nagsilbing harang sa'min dalawa ngayon. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana at ganun din ako.

Bigla ko naman naalala ang parusa ni Madie sa'kin, dahan-dahan na lumingon ako kay Amy na seryusong nakatingin lang sa labas ng bintana.

"U-uhm..."pag-tawag ko sa atensyon niya, di naman niya ako nilingunan kaya napakamot ako sa aking ulo.

"Kung ang 'yung iniisip mo ay ang kaparusahan mo kay Madie, ay wag kana magalala, mahal na reyna"pabalang na sambit niya, nakahinga naman ako ng maayos at tumango tango nalang sakanya.

Di nalang muli ako nagsalita at sinandal nalang ang ulo, bigla naman sumagi sa isip ko si Papa.

Hinanap kaya niya ako?...

Napatawad na kaya ako?...

Alam ko kung paano magalit si Papa at aaminin kung natatakot ako...

Natatakot na baka mapalo na muli sapagkakataon na'to...

"Kay lalim ng iniisip mo, mahal na rey--- Bastos"pabulong na sambit ni Amy sa huling sinabi, binuksan ko ang pinto ng sasakyan at nilabas ang saklay.

Nakita ko si Mr. Isidto na nakaabang sa'min, may dalawang bantay siya sa likod sa magkabilang gilid.

"Magandang u-umaga po, Mr. I-Isidto"nauutal na bati ko sakanya, napailang na lumapit naman siya sa'kin at siya na mismo ang tumulong pa sa'kin.

HEIRESS LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon