Seis

146 21 0
                                    

MADIE POV:

Nabasa niya kaya ang sulat 'ko?...

"Binibini, ang 'yung sulat po pala ay nabasa 'ko... Hi-hindi niyo naman po kailangan magpaliwanag sa'kin o humingi nang paumanhin, kase niyo naman po'ko inano"saad ni Jaydee habang nakasakay kami sa kalesa, napangiti naman 'ko at isang tango ang binigay sakanya.

Namayani muli ang katahimikan sa'min dalawa habang ang kutsero ay pinapatakbo ang kalesa, nakatingin lang 'ko sa labas nang bintana malapit sa'kin at si Jaydee naman ay ganun din.

"Binibini"tawag niya sa'kin, napangiti naman 'ko sa kaloob-looban 'ko tsaka siya tinignan.

"Ano 'yun, Jaydee?"tanung 'ko, medyo malapit ang mga mukha na'min ngayon dahil sa medyo maliit din ang kalesa na nasakyan na'min. May sasakyan naman talaga 'ko at may driver pa, pero mas gusto 'kung maranasan ang mga ganitong bagay.

"Ah... Bakit niyo po pala 'ko inimbita na pumunta sa plaza?"tanung niya sa'kin habang nakatingin parin sa'kin ang mukha niya, napatitig 'ko sa mata n'yang tila matutunaw ka 'kung titigan mo'to nang matagal.

Habang nakatingin 'ko sa mata niya ay sinagot 'ko ang katanungan niya. "Gusto 'ko lang magkaroon nang kaibigan"gusto lang talaga kitang makasama, Jaydee.

"Ah, kaya pala... Sige, ayos lang po sa'kin"nakangiti n'yang sambit, napangiti naman 'ko at pinigilan ang sariling yakapin siya dahil sa tuwa.

Nakaraan ang ilang minuto ay nakarating na kami sa plaza, madami-dami ang tao dito ngayon dahil gabi narin.

"Ngayon lang muli 'ko naka-punta dito..."rinig 'kung sabi ni Jaydee pagkababa niya sa kalesa, napangiti nanaman muli 'ko ng makita ang reaksyon niya. "Binibini... Kumakain ka ba nang inihaw?"tanung niya sa'kin, nagtataka 'kung tinignan siya.

"Hi-hindi pa'ko nakakain nang ganyan"saad 'ko, tumango tango naman siya at hinawakan ang kaliwang kamay 'ko dahilan para tila tumigil ang ikot nang mundo ngayon para sa'kin.

Ang kamay n'yang tila hindi galing sa trabaho, tila hindi 'to nababad sa putikan. Dahil sa napalambot at katamtaman na puti ne'to.

"Hito na tayo!"nabalik 'ko sa wisyo nang marinig 'ko ang boses niya, mabilis na nag-iwas 'ko ng tingin at lumunok nang laway dahil parang nanunuyo na ang lalamunan 'ko.

"Magandang gabi po sa'yo, binibining Madie"bati nung tindera sa'kin, ngumiti naman 'ko sakanya at tinignan ang mga paninda niya.

"Ate, dalawa isaw nga po"nakangiting sabi ni Jaydee, nagabot siya nang bayad dito kaya nagulat 'ko.

"Jaydee, dinala kita dito para ikaw ay ilibre 'ko---"

"Wag ka nalang magreklamo jan, binibini. Kahit ngayon lang, 'ko muna"sapaw niya, napatitig naman 'ko sa kanang bahagi nang mukha niya. Matangos ang ilong niya, ang labi n'yang masarap halikan dahil sa mapula 'to.

Tila bumagal ang galaw nang mga tao ngayon, bumagal din ang paggalaw ni Jaydee at kita 'ko 'kung paano bumaba ang mata niya. Pilik mata n'yang mahaba-haba ay bumabagay sakanya lalo.

Ano ba ang ginawa mo sa'kin, Jaydee?...

Ilang araw palang tayo nagkasama...

Pero iba na agad epekto mo sa'kin...

NARRATOR POV:

"Sigurado ka ba na hindi nakakamatay ang ganitong klaseng pagkain, Jaydee?"kinakabahan na tanung ni Madie sakanya, tumawa naman muli si Jaydee sakanya habang nginunguya ang pagkain na nasa bibig niya.

"Oo nga, binibini... Pangako!"saad ni Jaydee at tinaas pa ang kanang palad. "Sige na, kainin muna pero 'kung ayaw mo... Akin nalang"sambit niya, napalunok naman nang laway si Madie bago dahan-dahan na kagatin ang isaw na binili ni Jaydee.

Talagang di niya matitiis si Jaydee dahil sa perang ginastos ne'to, ayos lang sana 'kung sakanya pero hindi naman e.

"Masarap ba?"nasasabik na tanung ni Jaydee, tinaas ni Madie ang palad niya hudyat na maghintay siya.

Tila na ganahan naman si Madie sa lasa ne'to, kaya gulat na tinignan niya si Jaydee, ang akala naman ni Jaydee ay di 'to nagustuhan nang binibini kaya napasimangot siya.

"Ba't ganyan ang itsura mo, Jaydee?"nagtataka na tanung ni Madie sakanya, bigla tuloy s'yang kinabahan.

"Bibili nalang tayo nang iba pa, binibini. Hindi mo naman kailangan kainin 'yun 'kung ayaw mo, sana sinab---"

"Ano bang sinasabi mo jan, Jaydee? Syempre, nagustuhan ko siya! Kaya nga, halikana at bibili pa tayo"aya ni Madie at hinila si Jaydee papunta dun sa binilhan nila, nagpaluto sila nang mga 'to at sinabing aalis muna at babalikan nalang.

---

Nasa tapat na sila nang isang perya ngayon kaya naman biglang bumilis ang tibok nang puso ni Jaydee, napadako ang mata niya sa roller coaster ngayon na may pabaliktad ang daan.

Napansin naman ni Madie ang biglang pamumutla ni Jaydee, sinundan niya ang tingin sa 'kung saan nakatingin si Jaydee.

"Takot ka ba sa roller---"

"'Ko ta-takot? Na'ko, malayo lang n'yan, binibini. Ano? Gusto mo bang umuwi nalang? Mukhang ikaw pa 'tong tak--- Uy! Teka lang!"reklamo ni Jaydee nang hilahin siya papunta sa loob ni Madie, patuloy lang sapaghila si Madie kay Jaydee hanggang sa makarating sila sa isang baril-barilan na laro.

"Gusto mong makipagbakbakan?"tanung ni Jaydee sa'kin, bahagya naman 'kong natawa at pabirong tumango sakanya. "E, marunong ka ba na humawak nang bar--- Gago!"gulat na mura niya nang mabilis na pinutok niya ang baril sa isang lata na malayo sakanila, nahulog naman 'to hudyat na natamaan 'to.

"Hindi ba marunong humawak? Baka ikaw ang hin---"di natapos ni Madie ang sasabihin nang mabilis na kinasa ni Jaydee ang baril tsaka sunod-sunod na pinaputukan ang mga lata na na-iwan, napangiti naman si Madie habang pasalit-salit ang tingin sa kay Jaydee at sa mga latang natatamaan niya.

"Grabe kayo mga binibini... Hito ang premyo niyo dalawa"wika nung taga bantay dito at binigay sakanila ang dalawang medyo malaking teddy bear, mas lalo napangiti si Madie dahil sa ka-cutan nang mga 'to.

"Tara na, binibini... Dun tayo sa iba, baka may makuha pa tayo"nasasabik na aya ni Jaydee kay Madie, hinawakan ni Jaydee ang kaliwang kamay ni Madie at patakbo na hinila siya sa isang dart na laro. Mahilig si Daddy at Kuya Mark sa mga ganito e, ani ni Madie sa utak niya.

"Jaydee"tawag niya dito nang may maisip s'yang paraan para mas maging masaya ang gabing 'to. "'Kung sino ang talo, siya ang unang gagawa nang bagay na hindi niya pa nagagawa at ang mananalo naman ay maswerte. Ano?... Laro ka ba?"nakangiting saad 'ko, napangisi naman siya at agad na sumaludo sa'kin.

"Laro!"

______________________________________________.

HEIRESS LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon