Kabanata 7 - Blood of Death

59.4K 3.4K 2.4K
                                    

[Kabanata 7]

Ang lahat ng natutunghayan ng buwan ay nawawala sa paglipas ng panahon. Gayundin kung paano binabawian ng buhay sa mundo ang mga taong ibig niyang protektahan.

NAALALA ko ang unang beses na narinig ko ang salitang kamatayan. Isang salita na sa isang bata ay tulad lang din ng ilang salita na hindi niya pa lubusang nalalaman. Narinig ko iyon sa dalawang nurse na lagi rin akong kinakausap at sinasamahan. Ang sabi nila, lahat daw ng bata ay kailangan tingnan ng doctor para malaman kung nagtotoothbrush sila, kung natutulog nang maayos, at kung kumakain ng gulay.

Bata pa lang ay marami na akong nakilalang mababait na doktor. Lagi nilang sinasabi na very good at masunurin ako. Lagi akong nakakatanggap ng candy o bubble gum pero hindi ko puwede kainin nang hindi pumapayag si mama dahil siguradong mapapagalitan ako.

Isang araw, sinubukan kong itago ang binigay sa aking lollipop ng doktor. Naglalakad kami palabas ng ospital nang magsabi si mama na kailangan niyang pumunta sa banyo. Nang tingnan ko si papa, hindi ko maintindihan kung bakit nag-aalala siya gayong pupunta lang naman si mama sa C.R.

Hinawakan ni papa ang magkabilang balikat ko at umupo para makapantay siya sa 'kin. "I'll go after your mom. Dito ka lang muna. Okay?" Tumango ako bilang tugon habang hawak nang mahigpit sa likuran ko ang lollipop. Naisip ko na ito na ang pagkakataon para makain ko iyon nang hindi nila nalalaman.

Umupo ako sa mahabang upuan na gawa sa plastic, hindi pa abot ng paa ko ang sahig. Sinundan ko ng tingin si papa hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Tiningnan ko ang lollipop na nakalimutan nilang kunin sa 'kin pagkatapos naming maging kaibigan ulit ang bagong doktor.

Napangiti ako sa sarili habang inaalis ang balot ng lollipop. Kung kakagatin ko agad iyon ay siguradong mauubos ko agad lahat bago sila bumalik. Sinasayaw-sayaw ko ang paa habang kinakain ang matamis na lollipop na may bubble gum sa gitna. Cherry flavor ito na siyang pinakapaborito ko.

Napatingin ako sa TV na nakasabit sa taas, pinapalabas ang balita na paboritong panoorin nina mama at papa. Wala akong naiintindihan sa sinasabi ng taong nagsasalita sa TV dahil mahina ang volume nito.

Patuloy din ang paglalakad ng mga pasyente, nurse, doktor, at mga staff ng hospital sa tapat ko. May ibang tumitingin sa akin, napapaisip kung bakit mag-isa lang ako. Pero nagpapatuloy pa rin sila sa paglalakad nang masigurong hindi naman ako nawawala dahil masaya pa akong kumakain ng lollipop.

Napansin ko ang dalawang nurse na babae na palagi ring nakangiti sa akin. Kung minsan binibigyan din nila ako ng mga laruan pero hindi ko puwede iuwi dahil lalaruin pa raw iyon ng ibang bata sa ospital.

Napangiti ako habang hinihintay silang makadaan sa tapat ko. Kumpara sa iba ay mas mabagal ang paglalakad nila habang nag-uusap. May dala silang tig-isang puting box na nakatakip. Tatawagin ko sana sila at ipapakita ang lollipop na kinakain ko pero noong mga oras na iyon ay napansin ko ang parehong pag-aalala sa mga mukha nila gaya ng hitsura ni papa kanina.

Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon ay napatigil ako. Madali kong maramdaman ang kakaibang nangyayari sa paligid dahil sa reaksyon ng mga tao. Kapag masaya at maganda ang nangyayari, nakangiti sila. Kapag hindi, alam kong hindi rin dapat ako ngumiti.

"Akala ko nga rin magiging okay na si Aurora. Ang sabi ni doc, kung hindi pa siya masasalinan ulit ng dugo ay mas lalong lalala ang kondisyon niya."

"Ang bata pa niya. Naaalala ko sa kaniya ang kapatid ko na kinder na ngayon. Siguradong hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magkasakit din ang kapatid ko."

"Nakita ko nga kanina umiiyak sila ng asawa niya sa chapel. Ang Diyos na lang ang pag-asa nila."

"Bakit? Wala na raw ba talagang ibang paraan?"

Hiraya (Published by Anvil Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon