Kabanata 3 - By Your Side

133K 6.1K 9.5K
                                    

[Kabanata 3]

Pangarap kong makapunta sa dagat. Gusto kong maglakad sa dalampasigan, panoorin ang pagsikat at paglubog ng araw at sa pagsapit ng gabi ay panoorin ang mga bituin sa langit. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nakiusap noon sa mga magulang ko na magbakasyon kami at maligo sa dagat.

Ngunit hindi natutuloy. Kung hindi masama ang panahon, hindi naman kaya ng katawan ko. Hindi ko man lang naranasang lumangoy. 

NAPATULALA na lang ako kay Ash. Halos walang kurap akong nakatingin sa kaniya. Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang katotohanan na wala na siyang ideya kung paano mababalik ang kaluluwa ko sa aking mundo.

Nakayuko lang si Ash sa barrier ng tulay, ilang sandali pa ay bigla siyang tumawa na parang nasisiraan ng ulo. Tumingin siya sa'kin, "Joke lang," ngiti niya saka sumandal sa barrier at ipinatong niya ang dalawa niyang braso roon.

"Kahit mawala 'yung bookmark, may paraan pa rin naman para makalabas tayo rito." Ngiti niya. Napapikit na lang ako, gusto ko siyang sabunutan at itulak sa tulay. Muntik nang malaglag ang puso ko dahil sa sinabi niyang hindi na niya alam kung paano kami makakabalik.

Napatingala siya sa langit at tinuro ang buwan na kalahati pa lang. "Hihintayin lang natin ang kalahating hugis ng buwan." Napatingala rin ako sa buwan. Ang tinutukoy niya ay ang Third Quarter Moon.

"Ibig sabihin... matagal pa tayo rito?" gulat kong tanong. Tumango siya habang nakatitig pa rin sa buwan. "Gano'n na nga, kung nasa akin lang ang bookmark, makakaalis agad tayo dahil iyon ang susi."

Napahawak ako sa noo ko. "Kapag half moon na, makakalabas na tayo rito? Makakabalik na ko sa ospital?" tanong ko ulit, tumingin siya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa tingin niyang iyon, ayokong ituloy niya ang sasabihin niya.

"Kailangan lang natin daanan ang walong nobelang paborito mo. Ngayong wala sa'kin ang susi, hindi ko alam kung ano ang susunod na istorya." Tumayo na siya nang maayos saka humarap sa'kin. Nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko.

"Wag ka mag-alala, kasama mo naman ako. Hindi ko hahayaan na masira ang kahilingan mong ito." Patuloy niya saka ngumiti nang marahan. Hindi ako nakapagsalita, napatitig na lang ako sa mga mata niya na nagiging kakulay ng buwan. At dahil doon ay unti-unting naglaho ang aking kaba.


MABAGAL kaming naglalakad sa kahabaan ng isang kalye. Tahimik ang buong paligid. Isang convenience store at mga karaoke bar na lang ang bukas. Nakasuksok ang kamay ni Ash sa dalawang bulsa ng kaniyang pantalon. May lollipop kaming kinakain.

May hellicopter na dumaan sa ere. Napatulala ako roon, "Parang totoo talaga lahat ng nandito." Saad ko. Kinuha niya ang lollipop sa kaniyang bibig saka pinangturo iyon sa hellicopter.

"Hindi naman ito nalalayo sa totoong mundo. Sa loob ng mga nobela, may pakiramdam at emosyon din itong tinataglay." Tumango ako sa sinabi niya. "Kaya kapag nagbabasa ako, pakiramdam ko nandoon talaga ako sa loob ng istorya." saad ko, tumango siya saka ngumiti, kulay blue na ang dila, ngipin at labi niya dahil sa lollipop.

Sandali ko siyang pinagmasdan, sa unang tingin walang mag-aakala na isa siyang mahiwagang nilalang. Kung paano siya magsalita at kumilos ay natutulad din sa mga tao. "Pwede ba ako magtanong?"

Tumingin siya sa'kin, nadaanan na namin ang isang convenience store na walang customer. "Nagtatanong ka na." Tawa niya.

"Bakit ka napapaso sa tubig?"

Napansin ko na patawid na kami ngayon sa riles ng tren. Kakaunti na lang din ang sasakyan, hindi ko alam kung anong oras na rito pero pakiramdam ko ay hatinggabi na. Tumigil si Ash sa paglalakad, napalingon ako sa kaniya. Nasa gitna na kami ng riles ng tren.

Hiraya (Published by Anvil Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon