Kabanata 4 - Compassion and Its Mystery

121K 6K 10K
                                    

[Kabanata 4]

May mga pagkakataon na hindi ako sanay na banggitin ng iba ang pangalan ko. Madalas kong marinig iyon sa mga nurse at doctor na tumitingin sa aking kalagayan. Sasabihin nila ang pangalan ko bago nila titingnan ang medical records.

"Aurora, right?" tanong ni Adam. Napatulala lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong dapat na isagot. Sandali kong nakalimutan kung anong pangalan ko.

"Sir Admiral is looking for you." Saad niya saka nagpatuloy na sa paglalakad. Maging si Ash ay napatulala rin kay Adam. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa room nila. Nagkatinginan kami ni Ash, bakas sa mukha niya na wala siyang ideya kung paano ako nakilala ni Adam.

Natauhan ako nang mapansin kong nakatingin din sa amin ngayon ang ibang mga estudyante. Si Adam ang hearthrob, cold, serious type pero may puso na tipo ng karakter. Bihira lang niya kausapin ang ibang tao.

Napapamewang si Ash at napabuntong hininga. "Dito talaga sumasakit ulo ko, sa mga karakter na naliligaw ng landas." Saad ni Ash. Napakurap ako ng dalawang beses, para siyang tatay na disappointed.

"Kung nasa akin lang 'yung bookmark, mas madali kong mabubura ang alaala niya." Wika ni Ash sabay tingin muli sa room na pinasukan ni Adam. "Mukhang marami na naman akong lilinisin dito." Patuloy niya sabay tawa pero may halong inis dahil dadami trabaho niya.

Mahinang sinagi ni Ash ang balikat ko, "Napansin mo 'yon? Pa-fall talaga ang mga bad boy. Matapos niya sabihin ang pangmalakasan na linya, mauuna pa siyang lumayas." 

"Pasalamat siya hindi ko mabura agad ngayon ang alaala nila. Sana lang hindi na tayo tumagal pa rito para bumalik na ulit sa ayos ang nobelang 'to." Patuloy niya sabay halukipkip. Sandali akong napatingin sa kaniya, bakas sa mukha niya na sanay na siya sa mga ganitong sitwasyon kapag naliligaw ng landas ang mga karakter.


PINIPILIT ako ni Ash kumatok sa faculty office. Nasa likod ko siya, para siyang masamang anghel na binubulungan ako sa tainga. "Sige na. Katukin mo na." Bulong niya sabay ngisi habang nakahalukipkip.

"Bakit niya ako hinahanap? Bakit kilala nila ako?" tanong ko kay Ash. Kinakabahan ako. Ganito pala ang feeling kapag pinatawag ka ng teacher sa hindi mo malamang dahilan.

"Baka naman may iuutos lang siya sa'yo. Ikaw na kaya ang bagong class president? Kung gano'n, magiging batas tayo sa kanila." Halakhak niya. 

"Saka paano natin malalaman kung tatayo lang tayo dito sa labas?" patuloy ni Ash na parang demonyo. Napahinga na lang ako nang malalim, mukhang wala akong matinong sagot na makukuha sa kaniya.

Humarap na muli ako sa pinto, kakatok na sana ako pero inunahan ako ni Ashe. Kumatok siya ng malakas sabay takbo papunta sa gilid. Tatakbo na rin sana ako kaya lang bumukas na agad ang pinto. Saktong palabas na rin si Mr. Admiral, may dala siyang mga libro.

"Oh, Aurora, hija." Wika ni Mr. Admiral.

"G-good morning, Sir." gulat kong bati sa kaniya. May teacher ako dati sa home schooling pero iba ang pakiramdam ngayon. Mabait, considerate at walang pinapagawa sa'kin ang teacher ko dahil alam niyang bawal ako mapagod.

Tumingin si Mr. Admiral kay Ash na nakasandal sa pader at nakahalukipkip pa rin habang ngumunguya ng bubble gum. Agad ko siyang sinagi dahil baka mapuna siya ni Mr. Admiral, ni hindi man lang siya bumati sa teacher.

"Good morning, Sir!" bati ni Ash na parang aktibong estudyante. Umayos na rin siya ng tayo.

"Good morning. Please follow me." saad ni Mr. Admiral, nauna na siyang maglakad. Napatingin ako kay Ash na hindi man lang kinakabahan. Sinasagi ko siya, sumesenyas ako gamit ang bibig ko na patigilin niya ang oras para matakasan namin ngayon si Mr. Admiral pero ngumingiti lang si Ash habang paulit-ulit na umiiling na para bang gusto niya akong lalong asarin.

Hiraya (Published by Anvil Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon