𝗝𝗮𝘆𝗱𝗲𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Nakatingin lang ako kay coleen habang kinakausap yung ex niya na may kasamang babae at napansin ko na medyo nagbago ang mood niya nung makita niya yung babae
Nag-aantay lang ako sa paglabas niya at ilang minuto palang siyang nasa loob ay bigla siyang tumakbo palabas ng resto kaya tumakbo rin ako para sundan siya
Madaming tao dito sa labas ng resto kaya hindi ko na siya napansin, Habang nag hahanap ako sakanya ay biglang may bumangga saakin na naging dahilan ng pagkatumba naming dalawa
Nagulat at nanlaki ang mata ko sa aking nakita, I saw coleen na nakapikit at i don't know kung nasaktan ba siya sa pagkatumba naming dalawa
Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata at iwan ko parang bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko, Kaunting pagitan nalang ay mahahalikan ko na siya, Kinakabahan akong deretsong tumingin sa kanya at bigla naman siyang pumikit ulit nung mapansin niya ako
Napansin kong andaming taong nakapalibot saamin kaya tumayo na ako at inalalayan si coleen sa pag tayo, Medyo nakakahiya yung nangyari dahil ang daming marites sa paligid namin
"𝗔𝗿𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝗼𝗸𝗮𝘆?"
"𝗦𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗻𝗱𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗸𝗼?"
Sabay na pagkakasabi naming dalawa at nag tinginan pa sa isat isa bago magsalita
"𝗜 𝘀𝗮𝗶𝗱 𝗮𝗿𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝗼𝗸?" I asked again para hindi na siya magtanong kung bakit nandito din ako
Hindi siya nagsalita at biglang hinawakan ang kamay ko, Hinila niya ako papalayo dito sa resto
"𝗦𝗮𝗴𝗹𝗶𝘁 𝗻𝗴𝗮, 𝗦𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝗱𝗮𝗱𝗮𝗹𝗵𝗶𝗻?" Tanong ko at napatigil kami sa pagtakbo dahil sa sinabi ko
"𝗕𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗰𝗼𝗻𝗱𝗼 𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗮𝗺𝗮𝗻𝗱𝗮, 𝗞𝗮𝗻𝗶𝗻𝗮 𝗽𝗮 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘀𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗼𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗻𝗶𝗹𝗮" Sambit niya at saka tumingin sa malayo
"𝗦𝗮𝗸𝗮 𝗯𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗯𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗻𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗮?" Tanong niya at ibinaling ang tingin saakin
"𝗪𝗮𝗹𝗮 𝘁𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮" Nauna na akong nag lakad at hindi ko na pinakinggan ang sasabihin niya
Naramdaman ko na nakasunod na siya saakin kaya dumeretso na ako sa paglalakad papunta sa terminal ng mga taxi
Nakarating na kaming dalawa dito sa terminal at wala naman masyadong mga tao kaya sumakay na ako at nakasunod naman saakin si coleen, Wala ako sa mood magpaka-gentle sakanya kaya bahala siyang magbukas ng pinto
"𝗦𝗮𝗮𝗻 𝗽𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗼?" Tanong nung driver at sinabi ko naman kaagad ang address ng pupuntahan namin ni coleen
Hindi kami nag uusap ni coleen dito sa loob ng taxi at magkalayo rin ang pwesto namin at sobrang laki ng space namin sa gitna, Iwan ko ba kasi kung bakit makaasta ako parang may kami
BINABASA MO ANG
Stairways To Heaven
FanfictionIlalaban ang pagmamahal hanggat nananatili kang nakakapit saakin mahal!