ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 26

243 39 4
                                    

Laney's Point of View

"Bitawan niyo na nga ako" Sambit ko kasabay ng pag tanggal ko ng kamay ni cole at gabb na nakahawak sa balikat ko. I saw amanda at yzabel na nakaupo kasama sila ate ruth.

Maglalakad na sana ako patungo sa dereksyon nila ngunit hinawakan nanaman ni gabb ang balikat ko. "Saan ka pupunta?" Gabb asked, I rolled my eyes at her at hindi ko na siya pinansin. Naglakad na ako papunta kay amanda.

"Gusto mo?" Sambit ni amanda, she offers the food she eats. "Hindi na ako gutom, ubusin mo nayan" I said sabay upo ko sa kalapit niya.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko, it's already 8:11 am at 8:30 ang start ng second subject namin kaya hindi narin ako kumain ng breakfast dahil baka malate nanaman kami sa class.

"Pupunta na kami sa class room" Sambit ni rhea at pagkatapos ay tumayo na silang tatlo nila coleen at ate ruth sa kanilang inuupuan. "Alis nadin tayo" Sambit naman ni yzabel sabay hawak niya sa kamay ni amy.

Mag-isa akong naiwan sa kinauupuan ko habang deretso lang akong nakatingin kay yzabel at amanda na naglalakad palabas dito sa cafeteria.






Amanda's Point of View

Nag paalam ng umalis sila ate ruth at kakatapos ko lang naman kumain kaya uminom na ako ng tubig. "Alis nadin tayo" Sambit ni yzabel sabay hawak niya sa kamay ko. Tumango lang ako at agad na tumayo sa kinauupuan ko. Sumunod naman saamin sila gabb at cole nung nakita nilang naglalakad kami ni yzabel

Nakita kong nakaupo parin si laney at nakatingin lang saaming dalawa ni yzabel, hindi ko na siya inimikan dahil inakit na agad ako ni yzabel sa pag punta sa room. "Anong problema ni laney? Kanina pa siya wala sa mood" Sambit ni yza at nananatili parin siyang nakahawak sa kamay ko.

"Wag mo ng intindihin yun, baka nagugutom lang" Sambit ko



---
Nang makarating kami sa room ay umupo na agad ako sa upuan ko. Kalapit ko si yzabel, gabb at cole

"Nasan na si laney?" Tanong ni cole, nagkibit balikat nalang ako sakanya at hindi nag salita.

"Nasa cafeteria" Saad naman ni yzabel. nang marinig iyon ni cole ay agad siyang tumayo sa kinauupuan niya "Late na siya kanina, sandali pupuntahan ko siya" Huling salitang binitawan ni cole bago siya tumakbo palabas ng room.


Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase sa second subject namin ngunit hindi parin bumabalik si cole at laney.










Cole's Point of View

Pagdating ko dito sa cafeteria ay bumungad kaagad saakin si laney na nakaupo. Kakaunti na ang mga studyanteng nandito kaya madali ko siyang nakita. Lumapit ako sakanya at mukhang di niya ata ako napansin.

"Ano pang ginagawa mo dito? Magsisimula na ang class natin" Mahinahong sambit ko habang nag hahabol ako ng hininga sa sobrang pagod ko dahil sa pag takbo.

"Ikaw bakit bumalik kapa dito?" Tanong niya ng hindi manlang nagbabaling ng atensyon saakin.

"Uhm para sunduin ka" Sagot ko

Stairways To HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon